Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pag-aalaga ng baka, itinuro sa mga OFW

Posted on 20 March 2019 No comments
Ipinakikilala ni Labor Attache Jalilo Dela Torre ang lecturer na si Arnel T. Corpuz.

Ni Ellen Asis

Mahigit sa 200 kasambahay ang dumagsa sa Philippine Overseas Labor Office sa Wanchai sa loob ng dalawang araw, ika-9 at ika-10 ng Marso, para matuto ng tamang pag-aalaga ng baka bilang negosyo.

Call us!

Ang pagsasanay sa tinawag na “small feedlot cattle farming” ay isinagawa sa pangunguna ni Labor Attache Jalilo Dela Torre bilang bahagi ng kanyang programang pangkabuhayan para sa mga migranteng manggagawa, lalo iyong mga nagbabalak nang bumalik sa Pilipinas.

Ang naging tagapagsalita sa pagsasanay ay ang dating OFW na si Arnel T. Corpuz na ngayon ay isang ng negosyante. Ayon kay Corpuz, nilalayon niyang makatulong na hikayatin ang mga  migranteng manggagawa na bumalik ng Pilipinas at mamuhay kasama ang pamilya.

Call us now!

Pero bago ito, dapat daw munang mangarap ang isang OFW, at magkaroon ng kaalaman sa negosyong balak niyang pasukin o simulan kung siya ay magbabalik na sa bansa.

Ayon pa kay Corpuz hindi na kailangan pang magbayad ng mahal para sa tuition upang matuto at mapalawak ang kaalaman dahil marami nang mga paraan para magkaroon ng kaalaman tungkol sa pangarap nilang negosyo, katulad ng panonood ng video sa Youtube.

Call us now!

Kabilang sa mga natutunan ng mga dumalo ay ang “value adding,” o kung paano makuha ang pinakamataas na potensyal ng bawat baka at kung paano maiwasan ang pagbaba ng produksyon nito sa bansa.

Kasabay nito, ibinahagi din niya kung paano igalang ang karapatan ng mga hayop.

Sa mga nais pumasok sa cattle farming o ang pag-aalaga ng mga baka, mahalaga din daw na malaman nilang matutunan kung paano gamitin ang mga produkto na makukuha sa kapaligiran katulad ng dayami, ipil ipil, mais at kopra, para sa dagdag na benepisyo.

Call now!

Pinayuhan ni Corpuz ang mga nagnanais na pumasok sa negosyong ito na magsimula muna sa maliit at simple habang wala pang malaking kapital, at matutong pagyamanin ito upang ito ay lumago.

Sinabi ni Corpuz na handa siyang ipagpatuloy ang pakikipagtalastasan sa mga interesado sa negosyo. Mangyaring padalhan lang daw siya ng mensahe sa Facebook page ng kanyang negosyo na Adelaide River Farm.

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Call us!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Call us!

Church group gets tips about managing money

Posted on No comments
Church members wave their certificates after the lectures.


By George Manalansan

Migrant members of a church got more than spiritual awakening when they gathered for two Sundays, Jan 27 and Mar 3, at 27 Pak Tak Street, Tókwawan, Kowloon. With help from trainors by Card Hong Kong Foundation, they also learned how to manage their earnings.

The free financial literacy outreach was part of Card Hong Kong’s consistent effort to help migrant workers realize the value of saving for the future, and spending their hard-earned money according to a set budget.

The church members were grateful for the intensive two-day series of lectures provided them by Card, and saw them as complementing what they learn from God’s teachings.

Call us!

Sister Zoe  Ulit said, “Financial education is a part of the church’ vision, which is not only for spiritual needs but also for physical necessities. God wants human beings to prosper in all aspects of their lives - spiritually, physically and emotionally.

“To be a complete Christian, hindi ka magiging pagpapala sa kapwa mo kapag hindi ka pinagpala, so kailangan na marunong tayong humawak ng finances natin para maging pagpapala tayo sa ibang tao.”

Call us now!

She also said the two years it took to get the workshop to finally happen was worth the wait.

Mening Basug, who is single and has been working in Hong Kong for the past 20 years, said the lectures opened her eyes about the folly of her spendthrift ways.

“Nabuksan ang aking isipan sa una at huling sesyon, at natuto kong i-resist ang luho. Nawalan ako ng interes sa pagsa shopping dahil nalaman ko na hindi pala ito “need.” Dapat pala ay makapag-ipon ako sa mga binabalak kong projects, at bawasan ang suporta sa aking pamangkin,” Basug said.

Call us now!

Analin Ardeno  from Negros Occidental, who said she already has businesses running, was also grateful for the additional lessons she learned from the workshop.

“Kahit po may naipundar na akong bahay, sasakyan at lupa para sa palayan at tubuhan na may dagdag kita kada apat na buwan dahil sa pag-aasikaso ng mister ko… ako ay nagdadagdag pa rin ng kaalamang pang pinansyal. Ang pinakagusto ko sa aking mga natutunana ay ang budgeting. Kaya lang ay hindi ko pa balak mag for good dahil mabait ang employer ko at maginhawa ako sa trabaho.”

Call now!

The participants said they now plan to join Card’s skills training and entrepreneurship workshop.

For church and other migrant organizations that want to benefit from Card’s Outreach program, please like the Facebook page of Card Hong Kong Foundation, then send a message.

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Call us!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Call us!

Suwerte sa amo

Posted on No comments


Tuwang tuwa si Ana sa kanyang mga amo dahil napaka mapagbigay nila.

Magmula nang itabi sa kanyang pagtulog ang kanyang alagang sanggol ay may dagdag na ang buwanang sahod niya na lampas sa minimum. Kapag sumobra sa dating oras ang pagtatrabaho niya ay binabayaran pa siya para sa overtime.

May mga ilang pagkakataon din na ang hiniram niyang pera sa mga amo ay hindi na pinapabayad sa kanya. K

Call us!

aya naman kahit medyo nahihirapan siya sa dalawang magkasunod na alaga ay lalo niyang pinag-iigihan ang serbisyo para naman makaganti sa kanilang kabutihan.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Ana ay ang sobrang bait ng kanyang mga amo, na ni minsan ay hindi pa niya narinig na tumaas ang boses.

Call us now!

Kapag walang trabaho at nasa bahay lang ay sila na din ang nag-aalaga ng kanilang mga anak. Minsan ay sila pa ang nagluluto ng kanilang kakainin para naman daw makapag relax ng kahit ilang sandali si Ana.

Ang mas lalong nakakapagpataba sa kanyang puso ay ang lagi nilang pangungumusta sa kanyang anak na dalagita.

Call us now!

Tuwing Pasko at kaarawan ng kanyang anak ay pinapaabutan nila ito ng pera. Minsan, nang malaman nila na nasira ang laptop na niregalo nila sa kanyang anak ay agad siyang binigyan ng pera para doon na sa Pilipinas ito mabilhan ng pamalit.

Tunay nga na hulog ng langit ang kanyang mga amo sa kanilang mag-ina, sabi ni Ana.

Call now!

Ngayong katapusan ng buwan ay nakatakdang umuwi si Ana sa Pilipinas para dumalo sa pagtatapos ng kanyang anak sa senior high school, na katulad ng dati, ay inaasahan niyang mag-uuwi ng medalya.

Mag-aapat na taon pa lamang si Ana sa mga amo ngunit naka-apat na beses na siyang bakasyon sa Pilipinas, at pati ang anak niya ay binilhan ng pamasahe para makapag bakasyon sa Hong Kong.

Malas man daw si Ana sa larangan ng pag ibig ay swerte naman siya sa amo. Si Ana ay hiwalay sa asawa, at mag-isang itinataguyod ang anak. Ang mga amo niya ay parehong taga Europa at naninirahan sa Shatin. – Marites Palma

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Call us!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Call us!

Buntis na pasaway

Posted on No comments


Dumating sa Hong Kong si Ruth, 27 taong gulang, may asawa at isang anak na tatlong taong gulang, noong umaga ng Marso 7.

Kinahapunan ay agad siyang dinala ng ahensiya para ipa-medical check-up at pagkatapos ay inihatid sa kanyang amo.

Call us!

Kinabukasan ay ganoon na lang ang kanyang gulat nang sabihin ng kanyang ahensiya na buntis siya ayon sa resulta ng kanyang pagpapatingin.

Agad tumawag si Ruth sa kaibigang si Minda para manghingi ng payo dahil galit daw ang kanyang amo at ahensiya, at gusto siyang i-terminate agad at pauwiin sa Pilipinas.

Call us now!

Nagpipilit din daw ang ahensya na bayaran niya ang nagastos ng amo sa kanya.

Sinabihan din daw siya ng ahensya na ipatanggal na lang ang batang nasa tiyan niya, at pagkatapos ay tumira muna ng hanggang tatlong buwan sa ahensiya niya sa  Pilipinas bago bumalik ulit sa Hong Kong.

Call us now!

Nagalit naman si Minda at sinabihan si Ruth na ituloy na lang ang kanyang pagbubuntis at pagkatapos manganak ay saka na lang mag-apply ulit pabalik dito.

Pero ayaw makinig ni Ruth kaya sabi ni Minda, “Di ikaw ang bahala pero isang kasalanan iyon  sa Panginoon na walang kapatawaran.”

Call now!

Pinaalala din niya na labag sa batas ang abortion, sa Pilipinas man o sa Hong Kong.

Umuwi noong Marso 11 si Ruth na hindi sila nagkakakaayos magkaibigan.

Ayon kay Minda, bakit hindi kasi gumamit ng proteksyon si Ruth samantalang alam nitong siya ay aalis, at ayaw din naman niyang magbuntis? – Merly T. Bunda

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Call us!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Call us!

Maporma lang

Posted on No comments


Tuwing lumalabas sa kanyang araw ng pahinga ay todo porma si Inday. Sa hitsura niya ay parang napakarami niyang pera at hindi nahihirapan sa buhay.

May pagka suplada din ito at astang sikat dahil sa linggo-linggo niyang pag-aayuda sa isang opisina na nagbibigay serbisyo sa mga kapwa niya OFW.

Pero ang dating paghanga sa kanya ng mga ka-building niya sa Pokfulam ay nawala nang nagkalaaman na halos lahat sa kanila ay nahiraman na niya ng tig $50 o $100, at hirap na hirap silang singilin siya.

Dahil sa ugaling ito ni Inday ay iniiwasan na siya ngayon ng mga kapitbahay.

Call us!

Takang taka naman sila dahil ang balita ni Inday ay tapos na ang anak nito sa pag-aaral kaya hindi na ito dapat nagigipit.

Ang kaso, parang talagang taghirap ito dahil minsan ay nakita ito ng laging hinihiraman na nagbibitbit ng mga dyaryo para ibenta.

Sa tantiya ng nakakita, baka hindi pa daw umabot sa $10 ang halaga ng nakolekta nitong dyaryo.

Call us now!

Ganunpaman, sinabi ni Inday na pwede na rin itong gamitin na pamasahe sa tram tuwing day-off.

Dahil sa kapayatan ni Inday, naiisip ng kanyang mga kapitbahay na tinitipid nito pati ang pagkain.

Kaya daw din siguro ito mahilig mag-volunteer ay nakakalibre ito ng pagkain at nakakaiwas pa sa mga gastusin.

Call us now!

Nadiskubre din nila na kaya pala magagara ang mga suot ni Inday kapag lumalabas ay sinusungkit niya ang mga ito mula sa lagayan ng mga damit na binibigay ng mga residente sa kanilang gusali sa mga nangangailangan.

Hindi tuloy nila alam kung matatawa o maiinis sa sitwasyon ni Inday na akala mo kung sino kapag pumapapel sa mga pagdiriwang ng mga Pilipino sa Hong Kong.

Call now!

Sana daw ay makakaahon din siya balang araw para hindi na siya nanghihiram lagi ng pera at kumukupit ng damit para lang makaporma.

Sana din daw ay may makahila sa kanya para dumalo sa mga libreng pagsasanay kung paano niya hahawakan ang kanyang kita buwan-buwan.

Si Inday ay mula sa Pampanga, may asawa at anak na ayon sa kanya ay pawang nagtapos na sa pag-aaral. – Marites Palma

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL US!


Call us!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Call us!
Don't Miss