Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Payabangan sa mga biyaya

31 March 2016

Napakaagang lumabas ni Yrine noong araw ng pahinga niya para magtungo sa Konsulado dahil isang buwan na lamang ang natitira sa validity ng pasaporte niya. Maaga man siyang nakarating doon ay marami ng nakapila at naghihintay sa pagbukas ng lift. Habang nakatayo sa pila ay tahimik lang siya, at nakinig sa usapan ng mga nadatnan na niyang nakapila doon. Sabi ng isa, “Ako, 10 yrs ko na sa iisang amo ko at napakagalante nila, imagine tuwing Chinese New Year ay 2000 HKD silang binibigay sa akin, na nakalagay sa hongpao”. Sagot ng isa, “Mas galante amo ko ah, magdadalawang taon pa lamang ako sa kanila pero katumbas na ng sahod ko ang natatanggap ko, mababait  sila, maluwag pa sa pagkain. Sagot naman ng isang medyo may edad na, “Ako, tuwing Pasko may 13 month pay, at tuwing CNY ay nagbibigay pa din sila. kaya dobleng galante ang amo ko, above minimum pa sahod ko”. Sambot ng isang nakikinig, “Napakaswerte mo naman ate”. Sagot ng isa pa, “Eh di marami kayong ipon ngayon, pwede na kayong  mag for good kasi medyo may mga edad na po kayo, enjoy niyo  na lang po buhay niyo sa Pilipinas kasama ang pamilya niyo. Napatingin sila kay Yrine ngayon, dahil sa sinabi niya. Sagot naman ni ate, wala pa nga akong ipon, kasi may edad na ako noong nag-asawa na ako, ngayon bata pa ang anak ko, kailangang magtrabaho pa ako para mapatapos ko siya sa pag-aaral”. Iyong isa naman ay nagsabi na marami pa siyang pinapaaral kaya hindi pa puwedeng umuwi. Dito nainis ang ibang nakarinig. Sabi ng isa, ang yayabang nung mga nagbidahan, wala pa naman palang ipon. Sabi naman ni Yrine sa sarili: “Buhay nga naman ng mga Pinay, kapag nagkatagpo kahit saan hindi nila maiwasang magpayabangan sa mga natatanggap nilang biyaya. Pero normal na lang yun pero sana huwag nilang kaligtaang mag-ipon para sa sarili para sa kinabukasan. Maliit man o malaki ang shaod ay kailangan pa ring mag-ipon.” Si Yrine ay tubong Isabela na kasalukuyang naninilbihan sa mga Briton na amo sa New Territories. – Marites Palma


Don't Miss