Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Sarah, nakisaya sa pamilya ni Matteo

31 March 2016

By Johna Acompanado

Tila binibigyan na ng laya ng kanyang mga magulang si Sarah Geronimo na gumawa ng sariling desisyon at hindi na ito bantay sarado sa kanyang mga lakad at trabaho. Noong Sabado de Gloria ay nagtungo ito sa Cebu ng walang kasama upang makapiling ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na nagdiwang ng kanyang ika-26 kaarawan sa kanilang hometown sa Cebu. Batay sa mga nai-post na mga larawan, mukhang naging mainit ang pagtanggap kay Sarah ng pamilya ni Matteo dahil may mga kuha na naka-akbay ang ina ni Matteo sa kanya.
Unti-unti na ring nago-open up si Sarah tungkol sa kanyang mga plano, gaya ng pagla-lie low sa showbiz upang balikan ang kanyang pag-aaral. Ngayong napagtapos na niya sa pag-aaral ang lahat ang kanyang mga kapatid, nais niyang bigyan na ng oras ang sarili upang gawin ang kanyang gusto. Naumpisahan na niya ang kolehiyo sa UP Open University, pero napilitan siyang tumigil noon dahil sa patong-patong na projects sa TV, pelikula, concert at show sa iba’t ibang lugar.
Sa ngayon ay regular na namang napapanood si Sarah sa ASAP tuwing Linggo, at kapansin-pansin ang pagiging masayahin niya ngayon. Ibinalita pa niya sa mga co-host niya sa ASAP na nag-aaral na siyang mag-drive kaya panay ang tukso sa kanya nina John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga, Piolo Pascual at Luis Manzano na dalaga na siya.
May balita na hindi na siya babalik bilang coach sa sisimulang pangatlong edisyon ng The Voice Kids ng ABS CBN. Ang kanyang mga naging kasamahan na sina Lea Salonga at Bamboo Manalac ay kumpirmado nang muling magbabalik,  at nagpahayag din si Lea na naiintindihan daw niya si Sarah kung anuman ang maging desisyon nito.
Sa edad na 27, nasa tamang edad na si Sarah para mag-asawa, at mukhang seryoso na ang kanilang relasyon ni Matteo. Kaya ang hula ng marami ay baka pinagpaplanuhan na nila ang pagpapakasal. Bilang tanda ng kanyang pagiging independent, balitang bumukod na ng tirahan si Sarah, at nakatira na ngayon sa isang condominium unit.
Si Matteo ang unang seryosong relasyon ni Sarah, pagkatapos ng maikling relasyon nila ni Rayver Cruz. Na-link din siya sa kanyang mga naging leading men na sina Gerald Anderson at John Lloyd Cruz, pero naudlot ang mga ito. Naging girlfriend naman ni Matteo si Maja Salvador at na-link din siya kay Jessy Mendiola.

BAKASYON SA SEMANA SANTA
Sinamantala ng mga artista ang mahabang bakasyon noong Mahal na Araw, kung saan ay tigil lahat ang trabaho, kaya nakapagbakasyon sila kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. .
Sa Busuanga, Palawan napiling magbakasyon ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang kanilang anak na si Baby Letizia. Umani ng napakaraming likes sa Facebook ang larawan ni Baby Zia na nakangiti at tila nagsa-sun bathing, at ang kay Marian na naka-bikini, na mukhang lalong naging sexy, at hindi halatang nanganak na.
Si Derek Ramsey ay sa Palawan din nagbakasyon, kasama ang girlfriend, samantalang sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay nag-scuba diving sa Anilao, Batangas, at si Maine Mendoza ay nag-beach din sa Pico de Loro sa Batangas. Si Solenn Heusaff ay kinatuwaan ang mga giraffe sa Coron Palawan, kung saan siya nag-taping din para sa kanyang TV show. Sina Kathryn Bernardo ay nagdiwang ng kanyang 20th birthday sa Balesin beach resort, at siyempre, kasama niyang nagdiwang ang kanyang ka-loveteam na si Daniel Padilla at ilang malalapit na kaibigan. Ang pamilya Kramer (mag-asawang Bianca Garcia at Doug Kramer at kanilang tatlong cute na mga anak) ay sa Bohol nagpalipas ng Mahal na Araw.
Ang newly weds na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay nagbakasyon sa San Francisco sa Amerika, kasama ang ilang kaibigan at kamag-anak. Doon din nagbakasyon ang magkasintahang sina Billy Crawford at Colleen Garcia, samantalang si Vice Ganda, kasama ang ilang kamag-anak ay sinorpresa ang kanyang ina sa Los Angeles. Nagkita-kita rin sina Vice, Karylle at Iza Calzado doon upang manood ng concert ni Justin Bieber. Ang grupo naman nina Piolo Pascual, Sam Milby at Pokwang ay nagtungo sa LA para sa isang show.
Ang sikat na mga lola ng Eat Bulaga na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) ay sinamantala ang break sa Eat Bulaga upang mag-show sa Amerika, na pinamagatang “The Lolas of Kalyeserye Visit California”. Nakasama rin nila sina Ai-Ai delas Alas bilang Lola Babah at ang Kapuso loveteam nina Andre Paras at Barbie Forteza sa ginanap na shows sa San Francisco, Los Angeles, at San Diego. Sinamantala na rin ni Paolo ang pagpunta roon at ang kanyang extended na bakasyon dahil suspendido siya ng anim na buwan sa Eat Bulaga, upang mabisita ang kanyang anak na naninirahan na sa Amerika, kasama ang ina nito.
Ang magkatipang sina James Reid at Nadine Lustre ay nag-show sa  London bilang bahagi ng kanilang World Tour concerts bago bumalik sa Pilipinas para i-promote ang kanilang bagong pelikula. Naging memorable kay James ang kanilang show doon dahil nanood ang kanyang ina, na bagamat isang Pilipina at naninirahan na doon at matagal niyang hindi nakapiling.
Dito sa Hong Kong ay namataan sa mga art exhibit (Art Central at Art Basel) sina John Lloyd Cruz ( na nahihilig sa art collection ngayon); Ruffa Gutierrez, kasama ang kanyang mga anak at boyfriend; Gretchen Baretto; at ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales na balitang art dealers na rin. Si Angelica Panganiban ay nasa HK din pero agad na itinanggi ng ilang malalapit sa kanila na magkasama sila ni John Lloyd, o may balikang nangyari.

IYA, BUNTIS NA; CHYNNA, MALAPIT NANG MANGANAK
Masayang ibinalita sa social media noong Easter Sunday ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na buntis na si Iya. Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Drew ang larawan nilang mag-asawa kung saan si Iya ay may malaking drawing ng easter egg sa kanyang tiyan,  at may caption na “I found an EGG... and FERTILIZED it! Hahahahaha! Wohoooooooo! Happy Easter it is!”. Sampung taon silang naging magkasintahan bago sila ikinasal noong 2014.
Sa kabila ng tila napaka-moderna niyang anyo at pananalita, bukod pa sa lumaki siya sa Australia, inamin ni Iya  na certified virgin daw siya bago ikinasal, kaya sigurado siyang mahal siya ni Drew dahil iginalang nito ang kanyang kagustuhan, at nagtiyagang maghintay.
Ipinagtangggol din ni Iya ang matalik na kaibigang si Nikki Gil na kagaya din niya ang paniniwala dahil parang si Nikki pa ang ang nasisi nang mag-break sila ng boyfriend niya noong si Billy Crawford matapos ang limang taong relasyon. Ayon kay Iya, kanya-kanyang values lang ito, at hindi nila kailanman minamaliit ang iba na naniniwala sa pre-marital sex.  
Samantala, ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza ay balitang malapit nang magsilang sa panganay nila ng asawang si Kean Cipriano. Kapwa tikom ang bibig ng dalawa at ayaw magbigay ng detalye sa kalagayan ni Chynna. Ang pinanghihi-nayangan lang daw ni Kean ay hindi na makikita ng kanyang ama ang magiging apo nito dahil sa biglaang pagpanaw nito kamakailan.

REGINE, BALIK ARTE
Matagal ding napahinga sa pag-arte si Regine Velasquez mula nang mabuntis at ipanganak ang anak nila ni Ogie Acasid na si Nate. Ngayon ay muli siyang napapanood sa prime time sa TV series na Poor Senorita na nagsimula  noong March 28.
Excited, pero nanibago at kinabahan si Regine sa muli niyang pagsabak sa pag-arte, pero masaya siya na ang kanilang show ay isang feel good, romantic comedy series na para sa buong pamilya. Makakapareha niya si Mikael Daez, at kasama rin sina Sheena Halili, Valeen Montenegro, Miggs Cuaderno, Jillian Ward, Jaya, Kevin Santos, Zymic Jaranilla, at si Snooky Serna. Si Dominic Zapata ang direktor.
Puring puri ni Direk Dominic si Regine dahil kahit limang taon na itong hindi lumabas sa mga TV series ay mahusay pa rin daw ito. Ang Poor Senorita ang pangatlong TV series na pagsasamahan nila ni Regine. Nagkasama na sila noon sa “Ako si Kim Samsoon” (2008), at “Diva” (2010).
Ang huling TV series na ginawa ni Regine bago ang “Poor Senorita” ay ang “I Heart You, Pare”, katambal si Dingdong Dantes, pero hindi niya ito natapos dahil kinailangan niyang magpahinga dahil sa kayang maselang pagbubuntis. Si Iza Calzado ang tumapos sa role na ginampanan niya.
Don't Miss