Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period Feb.1-15

15 April 2016

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Kung nais magpalit ng tabaho o baguhin ang direksiyon nito, sa mga susunod na buwan ay magkakaroon ng oportunidad para gawin ito. Makakakita ng espesyal na pag-ibig ang mga walang asawa. Sa mga may karelasyon, lalo pang tatatag ang samahan at magiging mayabong gaya ng isang malusog na halaman.  Tiyaking may sapat na gamot o bitamina C para mayroong sapat na resistensya.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Tibayan ang loob dahil maraming hamon ng buhay ang darating. Paghusayan pa ang ginagawa para mas madaling makamit ang promosyon na inaasam. Maglaan ng sapat na panahon para makipag-usap sa mga anak gaano man ang pagiging abala sa trabaho. Mag-ingat ng husto lalo na sa pagmamaneho lalo na kung kasama ang pamilya.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Malaki ang posibilidad na makatanggap ng umento sa sahod o iba pang biyaya kaya siguraduhin na maging mapagmasid upang hindi makawala ang swerte. Kung kailangan ng kausap, huwag mag-atubiling magsabi sa taong lubos na pinagkakatiwalaan para maibsan ang nararamdaman. Magiging exciting ang buhay pag-ibig dahil maraming nakakakilig na pagkakataon kung kasama ang minamahal.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Pag-aralan kung paano pakisamahan ang mga taong sadyang mahirap intindihin ang pag-uugali. Asahan na magkakaroon ng bagong karanasan at oportunidad bago matapos ang buwang ito. Ito ang tamang panahon para mamuhunan sa negosyo dahil tiyak na maganda ang balik nito. Huwag magpapaapekto sa stress na dulot ng mga tao sa paligid. Ibaling ang pansin sa trabaho at magbibingi-bingihan sa anumang tsimis na maririnig dahil magdudulot lang ito ng matinding pananakit ng ulo.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Magkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw at magiging malaya sa paggawa ng desisyon na naayon sa iyong pangangailangan. Magtipid ng husto dahil maaring magipit sa mga darating na buwan. Ipagpaliban muna ang balak na bakasyon at pag-isipang mabuti ang desisyon na pagbili ng bahay. Makakaranas ng panlalamig ang magkasintahan dahil sa matinding selos.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Magaan ang pasok ng buwan dahil lahat ng pinapangarap na makamit ay nagsisimula nang magkaroon ng katuparan. Ang responsibilidad sa trabaho ay madadagdagan pero huwag mag-alala dahil makakatanggap naman ng umento sa sahod. Walang problema sa kalusugan pero ingatan ang walang humpay na pagkain lalo na ang matatamis. Maglaan ng sapat na oras sa ehersisyo kahit abala sa maraming bagay.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Panahon na para tuluyang kalimutan ang anumang galit sa mga mahal sa buhay o sa sarili dahil sa maling desisyon na nagawa. Maraming mahahalagang proyekto ang kailangang gawin kaya panatilihing mahinahon ang pag-iisip upang hindi maapektuhan ang disiyon. Maganda ang pasok ng pera kaya samantalahin ang pagkakataon na mag-impok ng husto. Huwag munang pumasok sa isang relasyon ang mga walang asawa para mas malayang magawa ang mga bagay na matagal nang inaasam.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Matiwasay ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya kaya mas masaya ang pasok ng bagong taon. Huwag umurong sa responsibilidad o sa dami ng kailangang asikasuhin dahil marami ang nakahandang magbigay ng tulong. Maalwan ang pasok ng pera kaya maari ng bilhin ang bagay na matagal nang pinag-iipunan.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Masusubukan ang pakikisama sa kapwa dahil malalagay sa isang sitwasyon na makikita ang maling sistema o panlalamang. Huwag sumuko o bibitiw sa trabaho dahil sa matinding emosyon. Maganda ang pasok ng pera pero ingatan ang gastos at huwag magpautang para hindi masayang ang pinaghirapan. Mag-ingat na hindi dapuan ng sakit na may kinalaman sa dibdib o lalamunan.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
May mga taong na walang hinangad kundi ang pumalpak ka sa trabaho ngunit huwag itong ikabahala dahil mas marami ang naniniwala sa iyong kakayahan. Ito rin ang panahon na ang mga taong pinagkakatiwalaan ay siya pang magkakanulo. Makakaranas ng pressure sa relasyon kaya mas mabuting pag-usapan ang problema habang maaga pa. Maayos ang kalusugan pero kapag may nararamdaman ay huwag itong ipagwalang-bahala.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Pagkakaisahan ka ng mga taong makitid ng pag-iisip pero mas makakabuti kung dedmahin na lang sila. Kung anuman ang nakalatag na plano ay makakabuting ipagpaliban na muna dahil hindi pa napapanahon. Bigyan ng oras ang pamilya lalo na ang kapareha dahil nakakaramdam ito ng kalungkutan. Ingatan ang kalusugan lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa panunaw, at hanggat maari ay iwasan ang alcohol dahil malaki ang tsansa na magkaroon ng ulcer.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Mabilis ang pag-unlad kung isasa-isip ito. Planuhing mabuti ang buhay, dahil dito nakasalalay ang kinabukasan, maliban sa sipag at tiyaga. Dito rin manggagaling ang lakas ng loob na harapin ang mga hamon ng buhay.

Don't Miss