Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Move on na, pagkatapos masaktan

13 October 2016

Dati nang OFW si Emily nang makilala niya si Chris. Naging magkasintahan sila at ikinasal. Hindi na bumalik si Emily sa abroad dahil nagkaanak na sila ni Chris. Ang problema nga lang ay walang permanenteng trabaho si Chris at umaasa lang sa kanyang mga magulang sa lahat ng kanilang pangangailangan.

Ilang taon din na ganito ang pamumuhay nila kaya kalaunan ay hindi na natiis ni Emily ang umasa pa sa kanyang mga biyenan, at nagpasyang mag abroad muli. Madali naman siyang nakaalis dahil marami siyang kamag anak at kapatid na tumulong sa kanya. Makalipas ang isang taon ay nakaipon sila ni Chris ng sapat para makapag down payment sa isang bahay.

Pero lingid sa kanyang kaalaman ay may kinalolokohang babae na pala ang kanyang asawa. Dahil kapitbahay lang nila ang babaeng kalaguyo ng asawa, mabilis na kumalat ang balita at nakarating kay Emily.

Kinausap niya ang kanyang mga biyenan at napatunayan niyang totoo ang mga balitang nakarating sa kanya. Halos mabaliw si Emily sa nalaman niya. Mabuti na lang at mabait at maunawain ang matandang employer niya at inunawa ang kanyang pinagdadaanan. Ilang buwan ding halos maubos na ang luha ni Emily sa sakit na dinanas niya.

Kinausap niya si Chris tungkol dito at ito pa ang nagalit imbes na umamin sa kanyang kataksilan.

Nagpasiya si Emily na umuwi sa Pilipinas upang ayusin ang problema ng kanyang pamilya. Nagpaalam ito sa kanyang among taga Cyprus at pumayag naman. Sinabi din ng matanda na ano mang oras na gusto niyang bumalik ay bukas palad siyang kukunin muli.

Kinuha ni Emily sa poder ng pamilya ni Chris ang nag-iisang anak nila at tuluyan nang hiniwalayan ang kanyang asawa, at namuhay silang mag-ina sa  tulong ng kanyang mga kapatid. Pero dahil hindi sanay na umasa sa iba, matapos ang mahigit isang taon ay nagsabi siya sa dating amo na babalik na siya sa trabaho.

Masaya naman nitong tinanggap muli si Emily na agad na nag-process na ng kanyang papeles. Noon na biglang “nagpaparamdam” na muli si Chris, na kung minsan ay bigla na lang kakatok sa kanilang pintuan at dadalaw umano sa anak.

Natatawa na lang si Emily dahil sa isip niya, kay tagal niyang nagdusa hanggang naka move on sa mapait na sinapit, kaya hindi na muli siyang papayag na masaktan pa muli. Nasira na ang tiwala niya sa dating asawa at kahit dalawang beses pa silang kinasal ay hindi iyon sapat para hayaan niyang masaktan pa siyang muli.

Ngayon ay ituring man niyang kaibigan ang dating mister ay dahil lang sa kanilang anak. Handa siyang magsimulang muli ngunit hindi na kasama ang dating asawa. Ika nga niya, “move on, move on din pag may time.”  -Jo Campos

Don't Miss