Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Mula sa mapang-abusong amo, napunta siya sa mabait

03 January 2017

Hindi maganda ang naging karanasan ni Rhonna sa kanyang dating amo. Nakaranas siya ng pang-aabuso, hindi pagpapakain ng wasto, at pagpapahiya sa mga pampublikong lugar. Ugali din ng dating amo na magpalinis ng punching bag sa kanya habang sinusuntok ito, kaya’t ramdam ni Rhonna ang pwersa ng suntok lalo na at may pagka balingkinitan siya.

Isang araw ay naisip niyang takasan ang abusadong amo matapos siyang sigaw-sigawan at mura-murahin sa isang mall, sa pamamagitan ng pagtatago sa toilet. Nagpasya siyang pumunta sa kanyang agency, kung saan niya isinumbong ang kanyang hindi magandang kalagayan.

Tinulungan naman siyang makahanap ng bagong trabaho, at sa kabutihang palad ay mabait ang naibigay sa kanyang among babae.

Isa itong psychology graduate, at hindi siya nag-atubiling i-kwento ang kanyang dating karanasan. Nang malaman ng amo niya na siya ay mahilig sa pag-guhit at pagpipinta, sinabihan siyang maaari siyang magpinta sa dingding ng kanilang bahay. Nagustuhan ng amo ang kanyang ginawa, kaya sinabihan siya na maaari niyang palit-palitan ang disenyo kung kailan niya maisipan.

Masaya si Rhonna na naipagpapatuloy niya ang kanyang hilig sa pagguhit at pagpinta habang nagtatrabaho sa among mabait at nakakaintindi sa kanya. – William Elvin 

Don't Miss