Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Masuwerte ka ba sa Marso?

02 March 2017

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Samantalahin ang panahong ito upang mapabuti ang trabaho. Mabibigyan ka ng mahirap na gawain na kailangang gawin ng maayos, pero maganda ang magiging kapalit nito. Piliting kontrolin ang galit upang hindi makagawa ng bagay na pagsisihan mo, at iiwasan ka ng  mga nasa paligid mo. Sa ngayon ay mas mahalaga sa iyo ang ibang bagay kaysa materyal na pangangailangan. Lucky numbers: 4, 17, 22 at 31.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Bigyan ng katuparan ang matagal mo nang gustong gawin, pero iwasang mag-isip ang mga negatibong bagay. Maguguluhan ka dahil sa problema sa pananalapi. Iwasang magplano ng mga bagay na mahirap gawin. Manatiling nakatapak ang paa sa lupa, at isaalang alang kung hanggang saan ang kakayanin mo at ng mga kasamahan. Mahalaga ang pagkakaibigan upang matupad ang inaasam na proyekto. Lucky numbers: 9, 16, 25 at 41.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Kung anuman ang naging problema dati ay unti- unti na itong malulutas sa masayang paraan. Maayos ang kalagayan ng pananalapi, pero iwasang gumastos ng malaki. Tumataas ang pagtingin sa iyo ng marami dahil napapahanga mo sila at napapaniwala sa iyong kakayahan, kaya naipapagmalaki nila na kaibigan mo sila. Malamang na tumaas pa ang estado sa buhay kaya panatilihin ang pagsisikap. Lucky numbers: 1, 12, 29 at 36.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Mahihirapan kang makibagay ngayon sa mga anak, na parang ang anumang sabihin mo ay nakakasama sa kanila. Huminahon ka at manahimik muna. Pinaglalaruan mo ang damdamin ng taong alam mong mahal na mahal ka. Alam mong kontento ka, pero parang hindi ka masaya sa sitwasyon.  Huwag gaanong seryosohin ang mga problema, na parang nakadikit na sa iyo ngayon. Alalahaning kakambal na ng buhay ang mga problema. Lucky numbers: 11, 32, 35 at 45.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Mas gugustuhin mong manahimik muna at pag-isipang mabuti ang mga dapat mong gawin. Mas mahalaga ang kaligayahan ng pamilya kesa sa ibang bagay, dahil ang mga anak mo ang nagbibigay saya sa iyo. May mga pagbabago sa pamumuhay dahil sa magandang kita sa isang transaksyon na magpapadagdag ng saya sa pamilya. Matatag pa rin ang pader na itinayo mo laban sa mga taong nagsasabi sa iyong sumubok na umibig muli.  Lucky numbers: 19, 28, 42 at 46.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Ganado ka ngayong maipakita ang iyong pagkamalikhain sa iyong trabaho. Maging matigas sa iyong sinasabi upang paniwalaan ka. Mag-ingat sa mga kinakain na nagdudulot ng kidney stones. Magiging tampulan ka ng tsismis ng mismong mga kaibigan mo, na ikakasama mo ng loob. Upang maiwasan ito, mag-ingat sa iyong mga sinasabi at piliin ang mga kaibigan mo. Lucky numbers: 13, 24, 39 at 40.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Tanggapin ng maayos ang obligasyon upang maiwasan ang kumplikasyon sa hinaharap. Anumang problema mo ay malulutas lahat ito ng kusa. Sa kabila ng pagiging abala, huwag kaligtaang mag-ehersisyo o sumali sa sports. Ugaliing maging malinis lagi sa katawan upang makaiwas sa sakit. Makukumbinse mo ang mga kasamahan na tulungan kang matupad ang iyong plano.  Lucky numbers: 16, 18, 23 at 38.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Masusubok ng husto ng pasensya mo sa pagiging agresibo ng mga anak. Kung may anak na dalaga, lalo kang mag-aalala ngayon. Dagdagan pa ang pasensya at maging kalmado. Hindi ka interesado sa mga love affairs na pa-easy easy lang, pero huwag din namang hanapin ang imposibleng bagay. Mataas ang enerhiya mo ngayon, at kaya mong makuha ang gusto mo kung susbukan mo. Lucky numbers: 7, 15, 29 at 33.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Hindi inaasahang mga bagay ang sisira sa katahimikan mo. Pakaiwasan na maging bayolente sa reaksyon mo dahil lalo lang lalala ang sitwasyon. Sa kabila ng sipag at siglang ipinapakita sa trabaho, hindi mo makontrol ang agam-agam na pilit na pumapasok sa isipan. Mahihirapan ka ngayong lalo na magbawas ng timbang. Lucky numbers:16, 31, 39 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Malaki ang suporta at tulong na matatanggap kaya hindi ka gaanong mahihirapan sa nais mong gawin. Magkakaroon ng konting sugal sa pribado man o sa propesyonal na gawain. Pag-isipang mabuti bago magsalita dahil nakakasakit ka na ng damdamin ng iba. May pag-asa kang pumasa sa kukuning pagsusulit o admission test. Makakaiwas ka rin sa malaking pagkakamali at aksidente. Lucky numbers: 9, 15, 27 at 43.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Kailangang pagbutihan din ang iniatang na gawain sa iyo kahit na hindi ka gaanong makikinabang dito. Mag-ingat sa pakikipagrelasyon sa mga dayuhan o mga taong nasa malalayong lugar dahil mas malaki na ng tsansa na hindi maganda ang resulta nito. Kung may asawa, bigyan ng sigla ang pagsasama, at sumubok ng mga bagong bagay gaya ng pamamasyal sa ibang lugar. Maganda ang lagay ng kalusugan ngayon. Lucky numbers: 5, 21, 32 at 46.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Huwag ilagay sa pedestal ang minamahal dahil magiging delikado ito sa iyo. Sa oras na makita mo ang mga kapintasan nito, gaya ng iba, ay magugulat ka at mahihirapan kang tanggapin ito. Mag-ingat sa impeksyon sa sakit na mula sa pag-ubo, magpatingin agad. Sikaping maging masaya sa mga bagay na mayroon ka, at huwag nang pangarapin pa ang mga bagay na mahirap abutin, o pagsisihan ang bagay na wala na. Lucky numbers: 3, 9, 14, at 36.

Don't Miss