Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Masuwerte ka ba sa Abril?

02 April 2017

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Ang taong minsang kinainisan mo ay muling mapapalapit sa iyo dahil marunong itong umunawa. Gagawin mo ang lahat upang makuha ang gusto mo, kahit hindi ka na matulog matapos lang ang dapat mong gawin. May swerteng darating. Piliting makibagay kung nais mong makontrol ang sitwasyon. Delikado na magmatigas ka at igiit ang gusto mo.  Lucky numbers: 17,22,35 at 37.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Masigla ka ngayon, kaya maging ang lovelife ay masaya. Kung masaya ang puso, positibo ang lahat ng bagay. Sa kabila nito, sakit sa kasu-kasuan, lalo na sa tuhod, ang mararanasan. May perang darating mula sa isang transaksyon o panalo sa sugal, na maari mong magamit upang ayusin ang pananalapi. Tandaan na kung may konting kalokohan sa pag-ibig, lagi ring may konting dahilan sa kalokohan. Lucky numbers: 5,9,15 at 40.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Huwag palampasin ang pagkakataong darating dahil baka hindi na maulit ito. Sa love life, huwag umasa ng malaking pagbabago. Masalimuot ang relasyon sa ilang katrabaho. Makakaranas ng pagsulpot ng hindi kanais-nais na mga taghiyawat at problema sa pagdumi. Iwasan ang mga pagkaing de-lata at maaalat na keso. Lucky numbers: 11, 25, 38 at 41.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Mag-ingat sa mga makakasalamuha mo. Isang kasamahan ang magtatangkang kuwartahan ka dahil sa ilang sensitibong bagay na nasabi mo. Linawing mabuti kung ano ang punto mo bago gumawa ng desisyon tungkol sa posibleng magiging kalagayan mo sa trabaho. Mabuti na ito upang maiwasan ang malaking pagkakamali. Ipagpaliban ang paggawa ng malaking desisyon sa ngayon dahil magulo pa ang isip mo. Lucky numbers: 16, 22, 35 at 41.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Mas magiging mainit ang pagsasama ngayon. Sa kabila ng pasensiyang ipinapakita, mahihirapan kang makipag-usap sa mga anak mo, na tila lalo ka pang sinusubukan. Panatilihing maging matuwid at nasa tamang landas ka sa lahat ng gagawin mo, kahit pa minsan ay natutukso ka nang lumihis, upang maiwasan ang mga kumplikasyon. Lucky numbers: 18, 29, 35 at 43.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Maswerte ka ngayon sa pagbaba-buy and sell. Harapin ang sinimulang bagay na malapit nang magkaroon ng resulta. Bigyan din ng atensyon ang negosyong nagsisimula nang gumalaw, kailangang bantayan ito ng husto. Hindi maiiwasang maghalo ang oras sa pag-ibig at trabaho. Iwasang balikan pa ang nakaraan, pagtuunan ang kasalukuyan at ang hinaharap. Wala ka nang magagawa sa nakalipas kaya mas mabuting talikuran na ito. Lucky numbers: 7, 19, 28 at 31.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Kung single, isang sentimental na bagay ang gugulo sa iyong katahimikan. Magiging posible lang ang pagkakasundo kung ikaw ang unang gagawa ng hakbang. Sa propesyon, maraming pagsubok ang darating, pero madali mong makikilatis ang problema kaya mababawasan ang hirap kahit paano. Maaari kang makaranas ng insomnia kahit wala kang gaanong alalahanin sa buhay; huwag mag-alala. Lucky numbers: 12, 23, 37 at 44.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Problema sa pera at trabaho ang ipag-aalala mo ng husto. Iwasang balingan ang alak at sigarilyo para lamang kumalma. Mae-enjoy mo ang pakikipag-usap sa mga hindi kakilala dahil may bago kang matututuhan. Magtiwala sa sarili na kaya mong gawin ang gusto mo. Huwag mag-atubiling ipahayag ang iyong saloobin at huwag hayaang maimpluwensyahan ka ng iyong mga kasamahan. Lucky numbers: 13, 27, 45 at 16.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Hindi mo magagawang magyabang dahil alam mong delikado ito. Dahil dito, hindi pagdududahan kung maaabot mo man ang tagumpay sa propesyon, materyal na bagay at katayuan sa lipunan. Pursigido kang mapagbuti ang iyong trabaho, pero makakaroon ng tensyon sa pagitan mo at mga kasamahan at maging sa nakatataas sa iyo. Lucky numbers: 6, 13, 17 at 29.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Iwasang ma-stress lalo na kung aktibo sa maraming bagay, o may malaking katungkulan o responsibilidad. Malaking tulong kung magre-relax ka. Kung may tuksong dumating, huwag seryosohin ito at umiwas na lang. Ang buhay ay ibinigay sa iyo bilang puhunan, pagyamanin ito at i-enjoy ng husto ang kasiyahang dulot ng buhay. Ang lahat ng sarap na malalasap habang nabubuhay sa mundo ay tubo ng pinagpaguran. Lucky numbers: 9, 18, 24 at 40.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Ngayon ay mas nanaisin mong i-enjoy nang husto ang buhay kaysa magpakapagod sa pagta-trabaho. Manghihinayang ka na naghintay pa ng matagal bago ito ginawa, na halos nakalimutan mo na kung paano ang mabuhay ng masaya. Tamang panahon na ayusin ang relasyon sa taong malalapit sa iyo. Samantalahin din ang panahong ito upang magtagumpay ang iyong negosyo. Lucky numbers: 8, 11, 31 at 42.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Ang problemang dumarating ay dahil sa maling komunikasyon, at sa mga bagay na natutunan dahil sa paglalakbay. Hindi mo ito ikakabahala, pero mapipilitan kang harapin ang mga normal na problema para malutas ito nang maayos. Subukan ninyong mag-asawa ng magkaroon ng parehong diskarte pagdating sa mga anak. Mapupukaw ang interes mo sa taong biglang susulpot sa buhay mo, pero walang magandang kahihinatnan ito. Maayos ang kalusugan kung iiwasan ang lahat ng sobra. Lucky numbers: 10, 15, 30 at 38.

Don't Miss