Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Sagot sa suspetsosang amo

07 September 2017

Sa katagalan ni Ella sa kanyang among Intsik ay nasanay na siya sa pagka kuripot nito at suspetsosa.

Minsan, matapos niyang sabihan ang amo na ubos na ang kanilang sabong panlaba ay sinabi nito ang,”I don’t know what you do with the washing detergent, why does it go quickly?”

Sa inis ni Ella sa narinig ay sinagot niya ng, “Madam, didn’t you know? I eat it”. Hindi agad nakaimik ang amo, bago halos pabulong na sinabi ang “chisin” o luko-luko.

Magmula noon ay hindi na muling nagtanong ng may pagdududa ang amo. Si Ella na 54 taong gulang, ay taga Molo, Iloilo, at mahigjt walong taon nang naninilbihan sa kanyang among kuripot. - Merly Bunda

Don't Miss