Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Chinese horoscope

01 March 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Marami kang bagay na makakamit at tuloy rin ang iyong pag-unlad. Masaya at kuntento ka rin sa love life kaya hindi mo na kailangang kumilos pa upang tumibay pa ito. May tsansa ng masayang reunion kasama ng mga kaibigan. Mag-ingat na madukutan o manakawan. Iwasang magalit o mawalan ng pasensya upang mapanatili ang kapayapaan ng loob. Lucky numbers: 9, 17, 21 at 37.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Mataas ang enerhiya at puno ng magagandang ideya. Pero mag-ingat upang hindi magkamali, at magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa maraming bagay. Maganda ang lagay ng pananalapi, ang gastos ay agad mapapalitan ng pumapasok na pera. Iwasan ang magpautang sa kaibigan! Malapit ka sa tukso, isipin ang hindi magandang idudulot nito. Maganda ang kalusugan, pero mag-ingat sa nerbiyos at high blood pressure. Lucky numbers : 19, 21, 25 at 41.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
May mga orihinal at kakaiba kang ideya na magagamit sa iba pang larangan, samantalahin ito. Sa trabaho, huwag mag-atubiling humawak ng ambisyosong proyekto. Mag-ingat sa insomnia, bawasan ang kain sa gabi at iwasan ang mga stimulants. Kailangan ng maayos na budget, at dapat na sundin ito ng buong higpit. Ang pinagdaraanang problema sa relasyon ay mabibigyan ng solusyon at magiging maaliwalas muli ang paligid. Lucky numbers: 11, 20, 23 at 28.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Dahil sa kakaibang sigla ay matitibag mo ang anumang hadlang sa iyong pag-asenso. Marami ka ring magagawa ng hindi makakaramdam ng pagod. Magiging mainitan ang pagtatalo kung walang gustong magpakumbaba. Makakahanap ka ng paraan upang mapalakas ang pananalapi. Mag-ingat sa pananalita dahil baka mapahamak ka, iwasang pag-usapan ang maselang bagay at huwag ipagsabi ang sekreto mo kahit kanino. Lucky numbers: 16, 31, 32 at 40.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Iwasang sumugal o sumubok ng bagay na hindi sigurado dahil malaki ang magiging kapalit nito. Matutong makisama sa mga tao upang maiwasan ang pagtatalo. Sa trabaho, pwede mong ipagpatuloy ito nang walang alinlangan. Huwag lang masyadong mataas ang ambisyon, kikita ang transaksyong papasukan. Kung gumagamit ng mga metal na kasangkapan, mag-ingat sa aksidente. Lucky numbers: 5, 13, 29 at 32.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Makakabuti sa relasyon ang paglalakbay upang mabawi ang kapayapaan ng loob. Higpitan ang hawak sa pera upang maiwasan ang kagipitan. Ito ang tamang oras na tanungin ang sarili kung nais mong sumulong pa ng husto sa iyong propesyon. Ang mga anak mo ang sentro ng iyong atensyon. Piliting kayanin na tigilan na ang paninigarilyo o labis na pag-inom ng alak at kape, at ang pagkain ng matataba, maalat o matatamis na pagkain. Masama sa iyong kalusugan ang lahat ng mga ito. Lucky numbers: 11, 15, 30 at 31.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Marami kang bagay na dapat desisyunan na nakakapagpakaba sa iyo. Ang relasyon ay nananatiling masaya. Ikaw na ang gumawa ng unang hakbang upang makipagbati sa kaibigan. Marami kang magagandang ideya na kung magagamit ay makakatulong ng malaki sa iyong gastusin. May tsansa kang baguhin at ayusin ang iyong gawain, at mapapatunayang malaki ang maitutulong nito. Lucky numbers: 9, 17, 14 at 33.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Magulo ang isip mo, kaya iwasan muna ang importanteng desisyon at huwag ipilit ang mga bagay. Kung magsisipag ng husto ay magtatagumpay ka sa trabaho. Mag-ingat na maapekuhan ang relasyon ng dahil sa pera. Kailangan ng kontrol sa pagkain: bawas sa taba, alat at tamis upang makamit ang inaasam na pigura at maayos na kalusugan. Lucky numbers: 7, 24, 29 at 36.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Hindi ka mahihiyang humingi ng suporta sa mga kilalang tao upang maiparangalan mo ang iyong proyekto. Malakas din ang loob mong ipahayag ang pagmamahal mo na matagal nang hinihintay. Limitahan ang paggastos sa mga bagay na kailangan lang. Nag-aalala ka para sa pamilya; hirap kang kausapin ang mga anak kaya nanaisin mo na lang na manahimik na lang, pero hindi ito ang tamang solusyon. Lucky numbers: 8, 22, 28 at 37.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Hindi maiwasang pag-usapan ka ngayon dahil sa isang mahalagang pangyayari. Makakaramdam ng pananakit ng paa at lalamunan. Mag-ingat sa kasamahan na gusto kang pabagsakin. Delikadong panahon ito kung nagtatrabaho sa kulungan o alagad ng batas. Ang mahalagang transaksyon ay nangangailangan ng pasensya at mahabang preparasyon; kung mamadaliin ito, baka hindi magiging maganda ang resulta. Lucky numbers: 12, 13, 20 at 42.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Lalakas ang karisma at hahangarin mong umibig muli at ibigin ka. Hindi ka makakaligtas sa problema sa pamilya, magpakita ng kababaang loob. Huwag sagarin ang katawan sa trabaho dahil hindi ka immune sa sakit. Marami kang pagkakaabalahan at magiging aktibo ang social life, pero mag-ingat na magtiwala agad. Lucky numbers: 25, 31, 29 at 44.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Kung ang love life ay nakakasawa na, gamitin ang inahinasyon at sumubok ng ibang bagay. Humingi ng payo upang makatipid sa babayarang tax. Pigilan ang sarili na bilhin ang isang napakamahal na bagay. Mainit ang panahong ito para sa awayan at pagtatalo; tumahimik at magsalita lang kung kailangan. Magiging magulo rin ang relasyon sa mga kasamahan at pamilya, kailangan mo ring magbigay at tanggapin ang kamalian. Lucky numbers: 13, 15, 29 at 37.

Don't Miss