Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Masuwerte ka ba sa Hunyo?

14 June 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Mahahanap mo ang balanse sa dati nang nakasanayan at sa bagong paraan, at sa pagiging matapang at maingat. Dahil sa mga bagong pangyayari, posibleng mabago ang iyong buhay. Sa trabaho, mahalaga pa rin ang pakikipagtulungan. Manunumbalik ang iyong sigla at karisma at tahimik, walang gulo, at masaya ang pakikipag-kaibigan. Pagdating sa pamilya, hindi mo hahayaang makialam ang ibang tao. Lucky numbers: 7, 15, 13 at 21.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Marami kang obligasyong kailangang harapin kaya nahihirapan kang bunuin ang lahat ng mga ito. Huwag hayaang maapektuhan ang pamilya ng dahil sa pakikipagkaibigan mo. Sa trabaho, iwasan ang mga hindi inaasahang aberya at huwag ipilit ang mga bagay. Hindi mababago ang relasyon sa kabila ng mga nangyayari sa iyo ngayon. Isang malaking kabiguan ang mararanasan, ang tanging paraan na mabawasan ang pinsala ay ang paglayo. Lucky numbers: 17, 30, 35, 40 at 44.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Ang alitan sa isang mahal sa buhay ay hindi agad matatapos. Bakit hindi subukang kalimutan na lang ito? Iwasang matukso na gumastos sa mga bagay na madali mo rin namang pagsasawaan. Sensitibo ang mga mata, protektahan ito sa ilaw na nakakasilaw at alikabok. Bisitahin ang mga magulang. Maganda ang resulta ng pagtutulungan sa trabaho, pero iwasan ang pagiging agresibo na subukan ang lahat ng bagay. Lucky numbers: 8, 12, 22, 31 at 40.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Positibo at sigurado ka sa sarili kaya kakayanin mo ang lahat. Kakasihan ka rin ng suwerte sa mga gagawin mo. Hindi inaasahang pera ang darating. Sa trabaho, hindi napapanahon ang pagpapalit ng linya o lugar. Kung may alitan kayo ng taong malapit sa iyo, piliting maayos ito agad. Babalik ang mga dating samaan ng loob sa relasyon, harapin agad ito at maging matapat upang matapos na, at akuin din ang pagkakamali. Lucky numbers: 9, 23, 34, at 37.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Unti-unti ay mararating mo na ang tagumpay. Iwasang magkaroon ng kumplikasyon ng dahil sa pera. Kung hindi na makatiis sa pagsasama, mabuti pang kumalas ka na upang hindi lumala ang sakit na nararamdaman, at mabigyan ng tsansa ang sarili na makahanap ng ibang mamahalin. Madali kang mapagod. Mas bibigyan mo ng halaga ang pamilya mo ngayon at mas magiging inspirado ka. Samantalahin ito upang simulan ang personal mong proyekto. Lucky numbers: 11, 16, 29 at 46.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Mag-ingat na maging tampulan ng usapan dahil para kang nakikipagdebate sa bawat paksang mapag-usapan. Maswerte ka ngayon na makahanap ng trabaho o makakuha ng dagdag sa sahod. Maganda ang lagay ng pisikal at mental na kalagayan. Tama lang na mapapangiti ka dahil maligaya ka rin sa piling ng iyong minamahal at naipapakita at napaparamdam mo ang iyong pagmamahal. Lucky numbers: 5, 11, 28 at 35.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Ang pag-angat sa trabaho ay kapansin-pansin. Magandang panahon na makipag-kaibigan, dahil magiging pangmatagalan ito. May tsansa kang bigyan ang sarili ng kasiyahan sa pamamasyal sa ibang lugar. Mahina ang resistensya mo ngayon, balutin ang sarili upang hindi lamigin. Maglalaan ka ng oras para sa pamilya, kung may alitan sa kamag-anak, piliting makipagkasundo agad. Lucky numbers: 20, 24, 37 at 41.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Naiinis ang ibang tao sa iyo dahil sa pananahimik at sa pagiging masikreto mo, pilitin ang sarili na magbahagi ng nararamdaman. Sa trabaho, malulusutan mo ng maayos ang isang mahirap na sitwasyon. Iwasan ang patuloy na pamimigay mo ng pera ng hindi ito pinag-iisipan, huwag hayaang abusuhin ang kabaitan mo ng mga kaibigan. Mataas ang enerhiya mo ngayon kaya marami kang magagawa, pero baka maging sanhi rin ito na magkamali ka ng kilos at maaksidente; mag-ingat. Lucky numbers: 16, 24, 39 at 43.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Tamang panahon na gawin ang delikadong hakbang, o humiling at manghingi ng suporta. Ang maliit na pagtatalo sa kapitbahay ay maaring lumaki, piliting makipag-usap ng maayos. Sa tarabaho, magiging maganda ang mga desisyon mo at sa pamamalakad sa negosyo. Marami pa rin ang namamatay sa tetanus kaya magpa-iniksyon agad kung kinakailangan, lalo na kung nahihilig ka sa paghahalaman. Lucky numbers: 8, 26, 33 at 40.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Unti-unti ay mapapakawalan mo ang sarili sa mga kontradiksyon nabuo mo. At bigla ay makakahanap ka ng magandang solusyon sa problema mo. Tahimik, pero maalab ang love affair mo ngayon. Ang mga nalulungkot ay makakatagpo ng magpapasaya sa kanila ngayon. Masigla at masipag, marami kang pagkakaabalahang bagay nang walang iniindang pagod. Pero mas mainam kung ituon ang enerhiya sa mga importanteng bagay. Lucky numbers: 17, 25, 31 at 42.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Masasagad ng husto ang pasensya mo sa trabaho, pero maaayos din ang lahat. Mag-ingat sa ilan mong kaibigan na magbubuyo sa iyo sa kapahamakan. Alisin agad sa isipan ang maitim o negatibong ideya bago pa ito makasama sa iyo. Ang nerbiyos ay sumusulpot ng hindi inaasahan, at lumalabas sa mga taghiyawat sa mukha, pamamantal, singaw sa bibig o ang pagsambit ng masasakit ba salita na hirap mong mapigilan. Lucky numbers: 6, 18, 29 at 41.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Masaya ang tahanan dahil nagkakaunawaan. Huwag agad sumuko sa mahalagang trabaho na iniatang sa iyo dahil maraming susuporta sa iyo. May matatagpuan kang bagong pagkakakitaan. Magiging inspirado ka at mahahawakan mo ng maayos ang iyong pera; hindi magtatagal ay matutupad na ang mga pangarap mo. Dagdagan ang pag -iingat upang hindi magkasakit sa panahong ito. Lucky numbers: 14, 18, 29 at 37.

Don't Miss