Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

30 December 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Mahihirapan ka sa pera sa taong ito dahil hindi maganda ang kita sa negosyo. Pero huwag pabayaan ang kalusugan ng dahil sa sobrang pagta-trabaho, sa halip humanap ng mas magandang kita gamit ang meditasyon at pag-iisip. Ugaliin ang pagbabasa upang madagdagan ang kaalaman at magiging maganda resulta nito para sa iyo sa taong ito. Lucky numbers: 7, 12, 31 at 46.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Halos wala kang magiging problema sa taong ito. Mas tataas ang karisma mo sa opposite sex, at makakaranas ng masasayang sandali sa pag-ibig. Higit sa lahat, marami ang hahanga sa iyong talino at magandang pananaw. Malapit ka sa tukso, piliting maging tapat at huwag gumawa ng kataksilan na maaring magdulot ng kahihiyan o makasira sa iyong katahimikan ng loob. Lucky numbers: 19, 26, 30 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Asahan ang pagkakaroon ng problema sa pagsasama o pamilya, gaya ng karamihan, sa taong ito. Sa halip na harapin ang problema ng buong tapang, mas pinipili mong magmukmok. Walang mangyayari kung hindi mo tatanggapin ang problema, kahit wala pang solusyon ito sa ngayon. Ang mahalaga ay maging matapang ka upang mabago ang pananaw at mabawasan ang sakit ng ulo. Lucky numbers: 7, 12, 15, 23.                                                                                                                                                                 

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Magiging maganda ang pasok ng taong ito. Magpapatuloy ang tagumpay na tinatamasa lalo na sa larangan na kailangang maging malikhain. Sa kabila ng panalo, nakakaramdam ka pa rin ng lungkot minsan. Kailangang abalahin ang sarili sa patuloy na pag-aaral upang hindi ka mabagot sa gawain. Lucky numbers: 16, 22, 31 at 44.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Makakaranas ng panloloko sa taong ito. Mag-ingat sa mga nakakasalamuha at iwasang maniwala at magtiwala agad sa mga sinasabi sa iyo. Bigyan ng oras ang sarili, magpaganda at maki-halubilo at baka makilala mo na ang taong magpapatibok ng puso mo. Magpakita ng kabababaan ng loob. Lucky numbers: 20, 25, 33 at 47.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Kakasihan ka ng swerte sa taong ito, at magtatagumpay sa maraming bagay na papasukan. Pagdating sa pag-ibig, isa ka sa magiging pinakamapalad, pero mas magiging masaya ka kung ang mahanap na pag-ibig ay matibay at pangmatagalan at hindi panandalian lang. Isa pang magbibigay sa iyo ng kasiyahan at magpapayaman sa kaisipan ay ang pagkakaroon ng  dagdag karunungan.  Lucky numbers: 11, 27, 38 at 45.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Lagi kang handa ka sa mga mangyayari, pero sa panahong ito ay mababagot ka at magiging pabaya kaya makakagawa ka ng mga pagkakamali. Upang hindi masayang ang oras, sumali sa mga cultural clubs o makilahok sa mga seminar o diyalogo. Magiging interesado ka rin sa pamumuhay ng mga tao sa ibang bansa, sibilisasyon at maraming bagay na ngayon mo lang natutuklasan. Lucky numbers: 4, 18, 36 at 40.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Ang pananaw mo sa buhay ay ito ay isang komedya, sa halip na trahedya kaya nababawasan ang negatibong pananaw at kabiguan. Mag-i-enjoy ka sa paggawa ng mga bagay, pero laging mag-ingat. Interesado kang mag-aral ng pilosopiya, at kung ipagpapatuloy mo ito ay magiging kapaki-pakinabang sa iyo. Lucky numbers: 12, 29, 34 at 42.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Mahihirapan kang labanan ang tukso na magkaroon ng bawal na pag-ibig, at hindi rin madali para sa  malalapit sa iyo na pigilan ka dahil alam nilang magiging kumplikado ang buhay mo. Pag-aralan at timbanging mabuti ang lahat bago ka makipagkasundo. Ang love affairs mo sa taong ito ay panandalian lang at hindi lalalim pa tulad ng inaasahan. Lucky numbers: 6, 17, 27 at 44.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Walang gaanong kaganapan ang taong ito para sa iyo. Pero magiging masaya at mae-enjoy mo ang buhay kung maglalaan ka ng oras sa pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga kababaihang nangangailangan ng tulong na makapamuhay ng maayos, mga biktima ng karahasan o nakakaranas ng pag-aapi. Malaking hamon ang makatulong na maibalik ang dignidad ng kababaihan. Lucky numbers: 12, 13, 21 at 28.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Magiging maayos ang kalagayan mo sa taong ito. Ang bagong taon ay maghahatid ng bagong sigla sa pisikal na kalusugan at maging sa pag-iisip. Mas magiging pasensyosa ka at mapagtimpi sa mga nakikitang pagkakamali ng mga taong malalapit sa iyo, kaya mapapanatili mo ang iyong kapayapaan ng loob. Makakatulong ang meditasyon at pagbabasa upang mapanatili ang katahimikan ng loob. Lucky numbers: 4, 14, 16 at 39.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Dahil sa tradisyunal na paniniwala sa kasagraduhan ng kasal, hindi ka komportable sa mga nakikitang kababawan at kawalan ng importansya sa relasyon na magiging laganap sa taong ito. Magpakita ng pasensya at sense of humor pagdating sa ganitong sitwasyon sa halip na magalit o mainis upang hindi maapektuhan ang kapayapaan ng loob at maiwasan na tumaas ang presyon ng dugo. Lucky numbers: 16, 28, 31 at 43.

Don't Miss