Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Kris, tuloy ang alitan sa dating business partner

16 January 2019

Patuloy ang paglala ng alitan sa pamagitan ng aktres at product endorser na si Kris Aquino at ang dating business partner at matalik na kaibigan na si Nicko Falcis.

Nagpa-interview na si Nicko kamakailan, at sinabing may utang pa si Kris na Php20million sa kanya dahil sa mga commission na dapat niyang kinita matapos makapagsara ng mga advertising deal ng aktres.

Bago nito, inakusahan siya ni Kris ng paggamit ng credit card ng kanilang kumpanya para sa mga personal niyang gastusin na umabot sa mahigit Php1million ang halaga.

Kris Aquino
Nitong huli, inilabas din ni Kris na kabilang ang Php40 million mula sa trust fund ng mga anak niyang sina Josh at Bimby ang pinangambahan niyang tinangay ni Nicko.

Ang nangyari pala ay ginamit ito ni Nicko para i-invest sa franchise ng Potato Corner sa Thailand. Bagamat sa pangalan ni Nicko nakalista ang investment, sinabi naman ng kumpanya na alam nilang ang “beneficial” o tunay na may-ari ng pera ay si Kris kaya wala siyang dapat pangambahan.

Umabot na din sa media ang matinding awayan ng dating business partner. Kamakailan ay ibinalita ng TV5 na sinulatan sila ng mga abugado ni Kris si Divina Law para balaan na ang patuloy nilang pag-interview kay Nicko at kapatid nitong si Jess na malamang na labag sa batas.

Hindi naman ito pinansin ng TV5, kung saan may programa sa radio ang nakababatang Falcis na si Jess, isang abugado.

“Kami po sa News5 ay tinitiyak na patas ang aming pagbabalita at sinisikap na makuha ang bawat panig ng kampong sangkot sa isyu,” sabi ng kanilang pahayag.

“Bagama’t meron pong programa sa Radyo Singko ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Falcis ay wala po kaming pinapaboran.”

Nagpatutsada din ang nakababatang Falcis, na nagpost sa Facebook ng tanong na: “Who crowned Kris Aquino”, kung saan tinawag nito ang aktres na “a has been, self-proclaimed for branding purposes Queen of Media.’

“Kris Aquino was the one who first defamed my brother. Our responses are only in self defense…She started with lies, we’ll finish with the truth,” sabi pa nito.

Kasalukuyan pa ring nagpapatingin sa isang ospital sa Singapore ni Kris para sa sinabi niyang sakit na autoimmune disorder.

Si Nicko naman ay nahaharap sa reklamong theft na isinampa ng aktres sa pitong lungsod sa Metro Manila, samatalang si Jess ay kinasuhan ni Kris ng cyberlibel sa Department of Justice.

Julie Ann, inaming break na sila ni Benjamin
Sa unang pagkakataon ay inamin ni Julie Anne San Jose na break na sila ni Benjamin Alves noong pang isang taon.

Unang lumabas ang mga balita na break na ang dalawang kapwa Kapuso noong nakaraang Nobyembre, matapos na pumanaw ang ama ni Benjamin,29. Sinundan ito ng balitang nag unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.

Isang maiksing “yes” lang ang sagot ni Julie Anne, 24, nang tanungin kung totoong hiwalay na sila ng boyfriend, sa press conference ng kanyang nalalapit na concert series kasama si Christian Bautista noong Jan. 10.

Sa sumunod na tanungan, kinumpirma niya na noong isang taon pa sila nagkahiwalay, at mas maigi daw ang sitwasyon niya ngayon.

Inamin din niyang hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni Benjamin kaya hindi na sila magkaibigan ngayon.

Sa ngayon ay ang trabaho na lang daw muna ang pagtutuunan niya ng pansin at hindi ang lovelife. Hindi pa raw siya handang makipagrelasyon muli.

Bukod sa mga concert ay abala din si Julie Anne sa kanyang weekend variety show na TV7 kung saan kasama niya ang lahat ng mga batikang mang-aawit ng Channel 7.

John Lloyd at Ellen, nag Tokyo Disney kasama ang baby
Naglabas ang showbiz website na PEP ng mga litrato ng actor na si John Lloyd kasama ang girlfriend niyang si Ellen Adarna, pamilya nito at ang anak nilang si Elias habang nasa Tokyo Disneylang noong Bagong Taon.

Nakasuot ng magkaternong asul na jacket sina Ellen at John Lloyd, na karga-karga si Baby Elias. May isa pang litrato kung saan ang batang anim na buwan na ngayon ang edad ay nakaupo sa stroller katabi ng pamilya sa harap ng Cinderella castle.



Binura ang mukha ng bata sa lahat ng mga litrato para hindi ito makilala.

Noong Pasko, may lumabas na litrato si Ellen kasama ang pamilya habang nagkakasiyahan sa bahay ng isang tiya niya sa Alabang. Wala sa litrato si John Lloyd at hindi rin matukoy kung ang baby na nasa litrato ay ang anak nilang si Elias, kaya marami ang pumuna sa litrato.

Mahigit ng isang taon na hindi lumalabas sa anumang pelikula o palabas ang dalawa, at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapahiwatig kung may balak silang bumalik sa showbiz.



Naging kontrobersiyal ang pagmamabutihan ng dalawa dahil noong mga panahong iyon ay balitang karelasyon pa ni John Lloyd ang Kapamilya aktres na si Angelica Panganiban, samantalang si Ellen ay kabi-break pa lang kay Baste Duterte.

Adults na sina Mavy at Cassy
Usap-usapan sa showbiz ngayon ang glamorosong 18th birthday party ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi na ginanap sa One Canvas Events Place sa Makati noong Jan. 12.

Ang gown ni Cassy na may mahabang train ay dinisenyo ng sikat na couturier na si Francis Libiran, na siya ring may gawa ng sinuot ni Mavy at ng kanilang mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

Ang Hollywood-themed party ay dinaluhan ng ilang kapwa nila showbiz royalties, katulad ng dalawang anak ni Sunshine Cruz, ni Ruffa Gutierrez at Marjorie Barretto.



Ang kambal na dating nakikita lang sa mga commercial ay parehong contract star na ngayon ng GMA7, kung saan kasama nila ang kanilang mga magulang.

Bagamat pareho nang adults, masaya daw sila na kasama sa bahay ang kanilang mga magulang at walang balak na bumukod. Pati sa mga gagawin nilang project sa GMA7, ang mga magulang din nila ang gusto daw nilang makasama.



Samantala, naging kontrobersyal ang suot na gown ni Angelina Montano, anak ni Sunshine, dahil may pumuna na hindi ito akma sa kanyang edad.

Sabi ng isang netizen na ang Instagram user name ay @expensive-addict: “Ke bata bata pa pinagsusuot mo na ng ganyan damit. Hays [crying emoji].”

Hindi naman ito pinalampas ni Sunshine na agad na nag comment ng: “She’s 17 years old. Attending a Hollywood-themed party. Ano problema sa suot nya (What’s wrong with what she’s wearing) if I may ask?”

Hindi na sumagot ang pumuna.

Bago ito, nag post si Sunshine ng komentong may paghanga sa panganay na anak, na sinang-ayunan ng mga iba pang nagkomento, na ang karamihan ay nagsabing magkamukha ang mag-ina. May mga nagsabi naman na ang kamukha ni Angelina ay ang American actress na si Alexis Bledel o ang Cuban-American singer na si Camila Cabello.

Bagama’t marami ang humanga sa ganda ng panganay ni Sunshine, mukhang wala itong balak mag-artista dahil ang pangarap nito ay maging isang professional na singer.

Bagamat kilala na ngayon bilang mahusay na aktres si Sunshine, marunong din itong kumanta dahil mula sa popular na angkan ng Cruz na mga musikero.



Suportahan po natin ang ating mga sponsor:









Don't Miss