Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Binawing grasya

06 March 2019

Apat na laisee ang natanggap ni Joy noong Chinese New Year.

Ang red packet mula kay Kong Kong ay naglalaman ng $1000; kay Mama, $200; ang amo niya ay tig $200 din kaya $1,600 ang kabuuang natanggap niya.

Pagkatapos ng Chinese New Year ay nagbigay si Joy ng isang buwang pasabi sa amo, at sinabi niya ang mga hinaing niya, mula sa kulang na pagkain at pahinga, at ang mataas na pamantayan nila sa trabaho.

Call us!

Hindi natuwa ang amo sa mga sinabi niya kaya kahit alanganing oras na ay pinababa siya at binawi ang lahat ng red packet na ibinigay sa kanya.

Ayaw pang magbigay ng kahit magkano kaya bumaba siyang walang baon kahit singko, pero hindi din siya pumirma sa kahit anong kasulatan.

CALL US NOW!

Kinalingguhan ay nagtungo si Joy sa OWWA at inireklamo ang amo.

Tinawagan naman siya ng kanyang agency sa araw ding iyon para ibigay ang perang dapat niyang matanggap pero hindi ang laman ng mga lai see packet.


Call!

Pinayuhan siyang ireklamo ang amo sa Labour Department pero hindi na siya nag-aksaya ng oras para makahanap ng bagong amo bago matapos ang 14 na araw na palugit para sa kanyang pamamalagi.

Masigasig siyang naghanap ng amo ngunit hindi siya pinalad. Ngayon ay nasa Pilipinas na siya kasama ang kanyang asawa at mga anak. Si Joyce ay 26 taong gulang at mula sa Cagayan Valley. – Marites Palma



===
 
BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!

View details...

Call us!

Call now!

Call us!
Call us!
Call us!

Call us!




Don't Miss