Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Tinakbuhang utang

04 March 2019

Tinakasan ni Ruby ang natitira niyang utang ng $12,000 sa Public Finance walong taon na ang nakakaraan dahil diumano ay gipit siya sa pera.

Nang makatapos siya ng mahigit tatlong taon sa bagong amo sa Po Lam ay naisipan niyang mangutang muli kaya pumunta siya sa CCSL (Community Card Services Limited) para magpalista para sa bagong utang.

Ang hindi niya alam ay doon mate-trace ng Public Finance ang bagong address at contact number niya kaya agad siyang tinawagan, at ang amo niya ang nakasagot.

Doon nalaman ng kanyang matandang alaga na may tinakasan siyang utang walong taon na ang nakakaraan.

Call us!

Bigla siyang tinerminate ng matanda at pinababa ng walang bayad kapalit ng isang buwang abiso.

Ayon sa matanda, sinabihan na niya si Ruby noong bago pa lang ito na ayaw niyang mangutang ito sa mga financing company dahil ayaw niyang magamit ang address at telepono niya para dito.

Call!

Binigyan siya ng amo ng release letter na ang nakasaad na dahilan ay “guilty of dishonesty.”

Kahit anong pakiusap ni Ruby ay hindi ito pinakinggan ng matanda.

Call us!

Hinayang na hinayang si Ruby dahil mabait ang matanda at lagi siyang isinasama sa pamamasyal.

Maluwag din ang kanyang trabaho dahil may cook ang amo na Chinese.

Ang isa pang iniyakan niya ay may dalawa siyang anak na nasa year 9 at 11 pa lang sa pasukan.

Si Ruby ay 51 taong gulang na single parent at nakatira sa Las Pinas. - Rodelia Villar


===
BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

View details...

Call us!

Call now!

Call us!

Call us!
Call us!

Call us!
Don't Miss