Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Sagad na ang pasensiya

07 April 2019


Nasagad na ang pasensiya ni Carla, 40, sa kanyang amo nang muli silang magbangayan tungkol sa perang pamalengke.

Ayon kay Carla, matagal na niyang tinitiis ang mga pasaring ng amo tuwing humihingi siya ng pamalengke.

CALL US!

Nandiyan daw kapag siya ay humihingi ng perang pamalengke ay ay napapamulagat ang kanyang among bruha at sabay sabing “No more so fast”?

Kulang na lang daw sabihing kinupit niya.

Call us!

Ani Carla: “mantakin mong bigyan ka ng $500 sabay may pa dryclean, pagkain ng aso at kung ano-ano pa hindi naman para sa pagkain, pagkatapos nagugulat so fast”?

Napundi daw si Carla kaya kinuha ang noteboook na listahan at ibinagsak sa mesa nang may pagtitimpi pa rin, pero nakita ng kanyang amo.

CALL US NOW!

Pagkatapos ay nag-usap sila ng masinsinan.

Kabilang sa mga iminungkahi niya sa amo ay ang ipagbukod na siya ng pagkain kung sa bahay sila maghahapunan.

Sinabi naman ng amo na kapag may iba pang kailangang bilhin ay kay “sir na siya humingi.

Call now!

Kakarampot na nga ang suweldo ko, gusto pa nila na magpaluwal ako palagi, sabi ni Carla.

Naikuwento niya sa mga kapwa Bicolana ang tungkol sa kanyang amo at may ilan na nagsabing likas daw sa mga Intsik ang mahigpit sa budget.

Call us!

Pero meron din naman na mahilig lang magpalista ng mga binibili para magabayan na din ang kasambahay kung paano pagkasyahin ang perang ibinibigay sa kanila.

Dahil sa kanyang pag-alma ay nawala na daw ang pagkasungit ng kanyang amo sa perang pamalengke, ayon kay Carla.

Kung hindi ito nagbago ay balak na niyang layasan kahit nakaisang taon pa lang ang kanilang kontrata. – George Manalansan



===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Don't Miss