Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Chinese Horoscope

11 November 2019



BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Magpakita ng imahinasyon at lambing sa love life upang hindi mamatay ang romansa. Bigyan ng oras ang pagkakaibigan, matutong makinig at magpakita ng suporta. Sa trabaho, may sisiklab na usapin at magkakaroon ng mga pagtatalo. Ang transaksyon sa lupa ay maaayos ng ayon sa gusto mo.  Lucky numbers: 13, 21, 33 1t 44. 

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Madali kang makaka-adjust sa mga pagbabagong magaganap. Maginhawa ang pamumuhay mo ngayon pero baka magka-problema ng dahil sa mana o sa kung sino ang hahalili sa puwesto. Maligaya ang love life. Huwag pahirapan ang pamilya ng dahil sa sobrang paghihigpit. Ang maliit na problema sa kalusugan ay huwag palakihin o palalain. Lucky numbers: 11, 29, 33 at 45.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Hindi ka takot humarap sa problema dahil matapang ka, hahanapan mo ng solusyon ang lahat. Malaki ang tsansa na magtagumpay ka na sa iyong trabaho o negosyo. Matatag ang pinansyal na kalagayan; singilin din ang mga may utang sa iyo. Huwag gatungan ang pagseselos ng kapartner dahil posibleng maging bayolente ang reaksyon nito. Lucky numbers: 16, 22, 33 at 45.

Call us!

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Balisa ka sa panahong ito, piliting mabawasan ang tensiyon. May mga problema sa trabaho, manahimik ka muna. Nasasanay kang laging tinutulungan, maging responsable. Bantayan ang mga anak upang maiwasan ang aksidente sa loob ng tahanan. Lucky numbers: 9, 12, 35 at 40.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
May pagbabago sa love life- posibleng mauwi sa pag-iibigan ang pagkakaibigan. Ikaw ang sentro ng atensyon sa tahanan mo ngayon. Maging masaya sa maliliit na bagay na nagaganap sa buhay. Mag-ingat na madulas o magkasakit ng dahil sa lamig. Huwag sayangin ang mga pagkakataong dumarating at ingatan ang pananalapi. Lucky numbers: 12, 31, 37 at 43.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
May sapat kang tapang at lakas na harapin ang mga problema. Iwasang pagselosin ang kapartner. Huwag ikumpara ang sarili sa mga kapamilya. Hinay-hinay sa gastos upang makaiwas sa alanganing sitwasyon. Mas makabubuti kung itatago ang sobrang cash upang magamit sa mas importanteng bagay. Samantalahin ang pagkakataon na dumami ang mga kakilala at kaibigan na maaaring makatulong sa iyo. Lucky numbers: 9, 18, 27 at 34.

CALL NOW!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Iwasan ang importanteng pakikipag-usap sa trabaho o negosyo dahil maikli ang pasensya mo ngayon. Isang magandang pag-ibig ang posibleng magsimula. Ang problema ng mag-asawa ay dapat pag-usapan ng maayos. Pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng sports, kung hindi ay susumpungin ka ng pananakit ng sikmura. Pipilitin mong maging komportable ang kalagayan ng mahal sa buhay. Lucky numbers: 5, 7, 19 at 41.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Lulutang ang maganda mong katangian at magbubunga ng maganda ang iyong pagsisikap. Masaya ang samahan sa pamilya, huwag nang ungkatin ang dating away. Iwasang makipag-kumpetensya sa asawa. Mababawasan ang iyong sigla. Matutukso kang mamili ng husto. Lucky numbers: 17, 24, 38 at 44.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Masaya ang lovelife. Ito ang tamang oras na makipagkasundo sa nakaalitang miyembro ng pamilya, huwag nang patagalin ito. Huwag gaanong intindihin ang problema dahil kusa itong maayos. Kung naninigarilyo, oras na upang tigilan na ito at nang hindi lumala ang lagay ng kalusugan. Lucky numbers: 6, 13, 33 at 46.

CALL OUR HOTLINE!

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Mahaharap sa mahirap na problema pero nariyan ang mga kaibigan mo na handang tumulong sa iyo. Makakatuklas ka ng mahalagang bagay tungkol sa iyong sarili. Hindi ito ang tamang panahon upang pag-usapan ang tungkol sa mana. Kung may asawa, samantalahin ang panahong ito upang ayusin ang pamamahay. Lucky numbers: 3, 16, 22 at 39.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Puno ka ng sigla at masayahin ka, kaya natutuwa ang lahat ng nasa paligid mo. Maaliwalas din ang samahan ng pamilya kaya mapapanatili mo ang kapayapaan ng loob kahit iniinis ka ng iba. Maaayos mo rin ang mga gastusin. Hindi inaasahang pagbabago sa trabaho ang magaganap, pero makakabuti ito sa iyo sa bandang huli. Lucky numbers: 7, 18, 34 at 40.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Maging praktikal, iwasang maging masyong ambisyoso sa gusto mong gawin. Posibleng magka-allergy, iwasan ang dairy products, shellfish, baboy, at manok; dagdagan ang kain ng salad at mga gulay. Iwasang umuwi na mag-isa kapag malalim na ang gabi upang maiwasan na maging biktima ng karahasan. Umiwas din sa magugulong lugar. Lucky numbers: 13, 15, 21 at 45.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Call us now!
Call now!
Call us!
CALL US NOW!
CALL NOW!
Call now!
Call us!
CALL US NOW!
Don't Miss