Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pinoy ipinaaresto matapos hindi sumipot sa korte

04 March 2022

 

Dinidinig ang kaso sa West Kowloon Magistrates' Courts

Isang Pilipino ang inutos na arestushin kanina matapos hindi sumipot sa pagdinig ng kanyang dalawang kaso sa West Kowloon Magistracy.

Si Crisencio S. Alanguilan II, 44 taong gulang at nakatira sa Lantau, ay nakatakda sanang sagutin ang mga paratang sa kanya na paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance at sa Theft Ordinance ng Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nahuli ng pulis si Alanguilan sa Tung Chung, Lantau, noong Oct. 24, 2021 na may dalang isang plastic bag na may lamang methamphetamine hydrochloride o shabu.

Inakusahan din siyang nagnakaw ng isang bisikletang de kuryente na nakita sa kanyang poder. Ayon sa dokumento ng korte, hindi malaman kung saan at kailan ninakaw ang bisikleta, at hindi rin nalaman kung sino may-ari nito.

Pindutin para sa detalye

Binigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag kung bakit hindi siya sumipot sa paglilitis. Kung hindi niya makumbinsi ang korte sa kanyang paliwanag, kukumpiskahin ang piyansa na binayaran niya noong Jan. 18.

Iniutos ni Magistrate Cheng Lim-chi na arestuhin si Alanguilan matapos tawagin ang pangalan niya sa korte, at nalamang wala siya sa nakatakdang pagdinig. 

CONTACT US!

Isang security staff sa korte ang lumapit sa mga taong nakaupo sa loob para ipagtanong kung isa sa kanila ang nasasakdal. Nung walang sumagot ay lumabas ito at tinawag ang pangalan niya. 

Pagbalik ng sugo sa loob ng korte ay kinumpirmang hindi dumating si Alanguilan.

BASAHIN ANG DETALYE!

Nagtakda si Magistrate Cheng ng bagong piyansang $3,000 para sa pansamantalang paglaya ni Alanguilan sakaling mahuli siya at iharap sa korte. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss