Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

USD200 na benepisyo mula sa OWWA para sa nagka Covid, paano makuha?

09 March 2022

ng The SUN 

Anunsiyo ng OWWA kung paano makakuha ng 'cash assistance' ang mga nagka Covid-19

Nitong mga nagdaang araw ay inulan ng batikos ang opisina ng Overseas Workers Welfare Administration sa Hong Kong dahil sa mahigpit nitong patakaran sa paggawad ng USD200 na ayuda para sa mga migranteng manggagawa na tinamaan ng Covid-19.

Ayon kasi sa anunsyo na inilathala nila sa kanilang Facebook account, kailangan munang may Gmail account ang isang OWWA member na nagpositibo para masagutan ang isang Google form na naka link sa kanilang official FB account.

Bukod dito, kailangan din nilang mag sumite ng “medical letter/certificate” bilang patunay na nagka Covid-19 nga sila. Pagkatapos ay kailangan pa nilang maghintay ng sagot na email sa kanilang gmail account.

Marami ang nabahala sa patakarang ito, lalo na at ang karamihan ng mga nagpositibo ay sa bahay lang pumirmi para sa kanilang “isolation” habang sila ay nagpapagaling kaya wala silang medical certificate o sulat na maipapakita. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bilang tugon sa mga katanungan, pinaabot ni Welfare Officer Virsie Tamayao sa The SUN ang ganitong sagot: “RT-PCR test result and notifications received through SMS from HKSARG (Hong Kong SAR government) is accepted po.”

Ayon naman kay Consul General Raly Tejada, maari ding mag sumite ng kaparehong patunay kahit ang mga dumaan sa rapid antigen test (RAT) sa pamamagitan ng pag report sa website ng Centre for Health Protection: www.chp.gov.hk/cdpi/

Nitong Lunes lang ay may inilunsad na bagong online platform ang CHP na para lang sa mga dumaan sa RAT na maari ding gamitin: www.chp.gov.hk/ratp

Kapag sumagot daw ang CHP sa pamamagitan ng text message, maari na itong gamitin na pruweba sa pag-apply ng ayuda, ayon kay Congen Tejada.

Ang ganitong text daw ng CHP ay maari nang gamiting pruweba
Ang hirap ng pagpapatunay ng positibong resulta mula sa RAT ay nagbibigay ng problema kahit sa pamahalaan ng Hong Kong. Libo-libo kasi ang noon pa nagpositibo at gumaling na pero hindi na nai-report sa gobyerno nang biglang dumagsa ang bilang ng mga nagkakasakit.

Sa katunayan, sa loob lang ng anim na oras matapos ilunsad ang website para sa mga gumamit ng RAT ay umabot agad sa mahigit 17,000 ang nagpatala na nagpositibo nitong Mar 6 at 7 lang. Hindi muna isinama sa bilang ang mga nagkasakit bago ang mga petsang ito.

Mula sa kabuuang bilang ay mahigit 14,000 ang tinanggap dahil may mga dumoble daw sa paglista. Pero may 2,000 lang ang nakumpirma kinabukasan dahil sila lang daw ang nakapasa ng mga kailangang dokumento, kabilang ang litrato ng kanilang positive na resulta mula sa RAT.

Dahil sa patuloy na kaguluhan at sa dami ng mga tinamaan ng sakit ay malamang na matagalan pa bago ang mga maisaayos ang pagtatala ng mga kaso.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ibig sabihin, lalong mahihirapan ang mga aplikanteng OFW na makakuha ng sapat na pruweba para makuha ang inaasam na ayuda mula sa OWWA.

Heto ang ilan sa mga komento na iniwan sa Facebook page ng OWWA ng mga apektadong aplikante:

“Huwag naman kaming pahirapan kasi nahihirapan na nga kami sa limitadong kilos namin dito sa bahay ng amo namin. Positive kami pero naka home isolation lang kami at yung antigen kit lang ang gamit namin...Pag lumabas kami para magpa medical test e mas may posibilidad na maikalat pa namin ang virus na dala dala namin, sana kaunting unawa naman po…”

“ Bagamat nai report ni amo na positive ako at naka isolation as of now wala namang certificate. If gusto niyo po tumulong sa amin na nag positive bakit need nyo pang madaming hinihingi. Matagal na kaming member ng OWWA pero ni minsan hindi kami nakaranas ng ayuda. Napaka unfair ninyo.”

“Sana pag tumulong lubusin na lang. Kagaya naming nag positive pero sa bahay lang at working pa din kahit sobrang sama ng pakiramdam. Minsan gutom pa. Tumulong na lang ng patas.”

CONTACT US!

“ Hello po, mam, paano kung dito lang sa bahay nag quarantine kasi positive po ako kahapon hanggang ngayon. Tumawag si amo sa ospital pero sabi walang nasagot kaya dito na lang ako sa bahay nagkulong.”

“Good morning mam, di ba pwedeng yung mga naka isolate lang sa bahay na nag positive e yung mga amo na lang namin ang magpapatunay na nag positive kami na helper nila? Para maka avail kami ng assistance ng binayaran naming OWWA. Hirap na kami mam sa sitwasyon namin as positive, hirap din kami kumuha ng medical certificate na sinasabi nyong requirement, hoping for your kind consideration mam. Salamat.”

“OWWA Hong Kong, umaasa po kaming masagot po ninyo ang kasagutan sa mga tanong dito para po maging malinaw sa ating mga kababayan na nag positive sa antigen test at nag home quarantine lamang po. Posible po ba na picture na lang ng antigen test result na pirmado ng employer ang ipasa po sa inyo? Maraming salamat po.”

Bagamat marami ang nag home isolation, may ilan din na pinaalis ng amo sa bahay

"Sana bigyan naman nila ng kunsiderasyon yung mga nag positive na naka home quarantine at may legit message from CHP kasi po mahirap din po naging lagay namin na nag positive at  nag isolate sa bahay. Kung magbibigay po kayo ng cash assistance huwag naman ninyo na pong pahirapan yung mga OFW..”

“Pwede po ba yung sick leave certificate from the clinic? Positive po ako at nagpa check up po sa clinic na nag ko cover ng positive cases.”

BASAHIN ANG DETALYE!

“Home quarantine po kami…walang medical certificate kasi di naman sa ospital. LOL.”

“OWWA, siguro naman po nagbabasa kayo ng mga nag co comment dito. Karamihan po ay  home quarantine dahil punuan po ang isolation facility. Saka yun din ang advice ng government, mag home quarantine. Kung tutulong po kayo huwag masyadong mahirap ang hinihinging requirement..”

“Nag email ako, until now no response.”

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss