Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Mga nagpositibo pagdating sa HK, di na ililipat mula sa hotel

14 September 2022

Ng The SUN

 

Hindi na ililipat sa Penny's Bay o Kai Tak ang mga magpopositibo sa hotel

Simula sa Nobyembre ay hindi na ililipat mula sa hotel ang lahat ng mga bagong dating sa Hong Kong na nagpositibo sa Covid-19 habang naka quarantine.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga nakikitaan ng Covid-19 sa loob ng tatlong araw na pananatili nila sa hotel ay inililipat sa Penny’s Bay o sa Kai Tak para sa kanilang isolation.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang balita ay isang hudyat ng pagluluwag ng mga patakaran sa lahat ng mga parating sa Hong Kong mula sa ibang bansa. Sa Nobyembre din ang inaasahang umpisa ng pagtatanggal ng hotel quarantine para sa mga bagong dating sa Hong Kong, nguni't hindi pa ito kinukumpirma ng gobyerno.

Ayon sa isang pahayag ng gobyerno kagabi, “The arrangement will save confirmed cases from traveling and enable better utilisation of manpower and vehicles originally deployed for transporting confirmed cases, while reducing the transmission risk during the transportation process.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

(Ang bagong patakaran ay makakatulong na hindi na lumabas pa at magbiyahe ang mga nagpopositibo. Maiiwasan din ang pagtalaga ng mga tao at sasakyan para lang sila ay ilipat, na makakatulong din para mabawasan ang posibleng pagkalat ng sakit).

Sabi pa ng gobyerno, kailangan lang ng mga hotel nang ibayong paghihigpit para hindi maglilipat-lipat ang sakit.

PRESS FOR DETAILS!

Kabilang dito ang pagtatalaga ng ilang palapag kung saan mananatili ang mga nagpositibo sa Covid-19, pagdadagdag ng air purifiers, at paggamit ng kanilang mga tauhan ng tamang kasuotan bilang proteksyon.

Makikipag-usap daw ang gobyerno sa mga taga hotel bago ipatupad ang bagong patakaran.

Samantala, may isa pang hotel na sasali sa pagtanggap ng mga bagong dating para sa kanilang quarantine, samantalang ang isa pa ay magtatalaga ng karagdagang kuwarto.

BASAHIN ANG DETALYE

Ito ay matapos umatras ang apat na hotel sa hanay ng mga maaring gamitin ng mga parating.

Ang dinagdag na hotel ay ang EAST Hong Kong na nasa Quarry Bay, samantalang ang Four Points by Sheraton sa Tung Chung ay magdadagdag ng mga kuwarto.

Sa ngayon ay may 62 hotel na tumatanggap ng mga bagong dating mula sa ibang bansa, at nagtalaga ng 23,600 na kuwarto sa kabuuan.

 


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!
Don't Miss