Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

1 Pilipinang overstay at 2 na may utos nang pauwiin, balik-korte muli

Posted on 02 April 2023 No comments

Ng The SUN

Sa dulo ng pasilyong ito sa Fai Man Building nahuli ang 3

Napagalitan ang tatlong Pilipina na magkakasamang nahuli sa isang bar sa Li Yuen Street West (o mas kilala sa tawag na ale-ale) noong Agosto ng nakaraang taon nang humarap sila sa korte noong Biyernes na walang kasamang abugado.

Sinabihan sila ni Magistrate Minnie Wat na bumalik ulit sa Duty Lawyer Service at siguraduhin na may abugado na sila pagbalik nila sa korte sa Apr 28.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinayagan silang magpiyansa muli ng tig $1,000 hanggang sa susunod na pagdinig ng kanilang kaso.

Ang tatlo ay pare-parehong may problema sa visa. Si Mary Jean Batalla, 52 taong gulang, ay nakitang nag-overstay na nang 14 taon nang mahuli sa isang bar sa ikawalong palapag ng Fai Man Building sa Li Yuen Street West, Central, noong Aug. 19.

Pindutin para sa detalye

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa tagausig, nakita sa mga dokumento ni Batalla na dumating siya sa Hong Kong bilang turista at pinayagang mamalagi dito ng hanggang July 7, 2008 lang.

Bukod sa paglabag sa kundisyon ng kanyang visa dahil sa pag overstay, kinasuhan din siya ng pagbebenta ng alak ng walang kaukulang lisensiya. Ayon sa sakdal, ang mga alak ay nasa loob ng siyam na boteng plastic nang masamsam.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasama niyang nahuli sina Myrna R. Reyes, 33, at Rowena R. Abelido, 42, na parehong kinasuhan ng ilegal na pagtatrabaho sa bar gayong nakatakda nang pauwiin ng Immigration sa Pilipinas.

Sinampahan din si Reyes ng kasong ilegal na pagbebenta ng alak, katulad ni Batalla.

Bagamat may kanya-kanya silang address na binigay sa korte, pare-parehong walang trabaho ang tatlo dahil mahigpit na ipinagbabawal ito ng batas.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

eTravel registration to replace paper departure forms at Phl airports

Posted on No comments

By The SUN

Paper departure forms will no longer be collected at Philippine airports from May 1

From May 1, all departing passengers at Philippine airports will no longer be asked to fill in paper departure cards.

Instead, they will be asked to complete an online form through the eTravel portal, the same website used by arriving passengers in declaring their vaccination status and other personal details.

According to the Bureau of Immigration, outbound passengers will have to fill in the eTravel departure form not earlier than 72 hours to not later than three hours from the scheduled time  of their flight.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inbound passengers, on the other hand, are required to fill in the health declaration form on eTravel within 72 hours of their scheduled flight to the Philippines.

In a statement, Immigration Commissioner Norman Tansingco said, “This is a major step in streamlining documents presented by departing travelers, allowing for faster and more efficient immigration processing.”

An eTravel spokesperson said travelers may register at the portal starting April 15.

Pindutin para sa detalye

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In Hong Kong and many other places abroad, departing passengers are no longer asked to go through immigration personnel. Instead,their passports and air tickets are scanned by machines, which also check their biometrics.

In the Philippines, all outbound passengers will still have to go through immigration officers who check their documents and are empowered to ask questions about their travel. But the paper departure card  will no longer be collected at the immigration posts by the cut-off date.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The Philippines' paperless departure system is an initiative of a technical working group of the Inter-Agency Task Force, chaired by the Immigration Bureau.

It is a collaborative project with the Department of Information and Communications Technology, Department of Tourism, Bureau of Quarantine, Bureau of Customs, Department of Health, Department of Transportation, Department of Justice, and National Privacy Commission.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Immigration renews warning against illegal work

Posted on 01 April 2023 No comments

 

Immigration officers display the items seized from suspected illegal workers during the operations

The Immigration Department has renewed its warning against illegal work after its latest operations netted 12 suspected illegal workers, six suspected employers and one suspected aider and abettor.

Immigration mounted territory-wide anti-illegal worker operations codenamed "Lightshadow" and "Twilight", and a joint operation with the Hong Kong Police Force codenamed "Windsand" for four consecutive days, from March 27 to March 30.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Immigration Task Force officers raided 60 target locations including commercial buildings, a farm, premises under renovation, residential buildings, restaurants, retail shops, a salon and warehouses.

Eleven suspected illegal workers, six suspected employers and one suspected aider and abettor were arrested.

The arrested illegal workers comprised two men and nine women, aged 38 to 70. Among them, four women were holders of recognizance forms, which prohibit them from taking any employment. Three women were suspected of using and being in possession of forged Hong Kong identity cards and one woman was suspected of using and being in possession of a Hong Kong identity card related to another person.

Pindutin para sa detalye

Another five men and one woman, aged 27 to 63, were suspected of employing the workers while one woman, aged 19, was suspected of aiding and abetting persons who breached their condition of stay in Hong Kong.

During operation "Windsand", one male Mainland visitor, aged 36, was arrested for breaching his condition of stay by being involved in suspected parallel goods trading at Po Wan Road in Sheung Shui district. The goods included cosmetics products and health products.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Immigration said, "Any person who contravenes a condition of stay in force in respect of him or her shall be guilty of an offence. Also, visitors are not allowed to take employment in Hong Kong, whether paid or unpaid, without the permission of the Director of Immigration. Offenders are liable to prosecution and upon conviction face a maximum fine of $50,000 and up to two years' imprisonment. Aiders and abettors are also liable to prosecution and penalties."

 It warned, "As stipulated in section 38AA of the Immigration Ordinance, an illegal immigrant, a person who is the subject of a removal order or a deportation order, an overstayer or a person who was refused permission to land is prohibited from taking any employment, whether paid or unpaid, or establishing or joining in any business. Offenders are liable upon conviction to a maximum fine of $50,000 and up to three years' imprisonment.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Under the prevailing laws, it is an offence to use or possess a forged Hong Kong identity card or a Hong Kong identity card related to another person. Offenders are liable to prosecution and upon conviction face a maximum fine of $100,000 and up to 10 years' imprisonment," it added.

Immigration also reiterated that it is a serious offence to employ people who are not lawfully employable and punishable by fine of $500,000 and 10 years' imprisonment.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The High Court has required lower courts to give the employer of an illegal worker an immediate custodial sentence.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Anim na taon na kaso laban sa Pilipinang nag overstay, tuloy pa rin

Posted on No comments

 

Patuloy ang  pag-inog ng kaso ng overstay

Anim na taon na ang kasong isinampa laban kay Emelita Arista sa Eastern Court noong 2017 dahil nag-overstay siya nang mahigit 10 taon. Sa paghaba ng kaso ay malayo ang narating ng Pilipina sa sistema ng hustisya upang manatili sa Hong Kong.

Una, humingi siya ng refugee status kaya ipinagpaliban ang kasong nasa Eastern Court habang dinedesisyunan ng Immigration Department ang hiling niya na huwag siyang pauwiin.

Sa huli ay nakarating ang kaso niya sa Court of First Instance (CFI) ng High Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Noong Jan. 19 naglabas ang CFI ng desisyong bumigo sa kanyang hiling na payagan siyang iapela -- kahit atrasado na nang limang buwan -- ang desisyon ng Immigration Department na pagkaitan siya ng asylum.

Sinabi ni Deputy High Court Judge Bruno Chan na dahil wala rin namang pag-asang manalo ang apela niya, tinanggihan ding tuluyan ang kanyang hinihinging judicial review.

Ito na dapat ang huling hakbang bago siya pauwiin, pero hindi ito naging hadlang kay Arista upang pahabain pa ang kanyang kaso. Bagkus ay ito pa ang naging dahilan niya.

Pindutin para sa detalye

Humarap siya sa Eastern Court noong Miyerkules (Mar. 29) upang ipagpatuloy ang orihinal na kaso niya.

Sa tulong ng libreng abogado mula sa Duty Lawyers’ Service ng korte, sinabi niya na Marso na nang makita niya ang desisyon ng High Court kaya kailangan niya ng tatlong buwan para pag-aralan ito.

Humingi siya na ipagpaliban sa June 26 ang pagdinig, na sinang-ayunan naman ni Magistrate Lam Tsz-kan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Unang dumating si Arista sa Hong Kong bilang domestic helper noong 1999, at umuwi sa Pilipinas noong 2003 pagkatapos ng dalawang kontrata.

Noong 2006, bumalik siya sa Hong Kong bilang turista. Nahuli siya pagkalipas ng  mahigit sampung taon, o noong Feb. 19, 2017.

Sa kanyang aplikasyon sa non-refoulement o proteksyon mula sa pwersahang pagpapauwi sa kanya, sinabi ni Arista sa Immigration na nag-overstay sya dahil natatakot siyang umuwi sa Pilipinas kung saan may banta sa kanyang buhay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sinabi nya na binalaan siya ng kanyang pinsang si Ruel na papatayin kung hindi nya ititigil ang pag-angkin sa isang parte ng lupain na namana niya sa kanyang ama.

Ibinasura ng Director of Immigration ang dahilan ni Arista dahil pribado at pampamilyang away ito ay walang kinalaman sa polisiya ng gobyerno ng Pilipinas. Maliit din ang tsansang masasaktan siya ni Ruel, dahil sa laki ng Pilipinas ay pwede siyang manirahan na malayo dito.

Umapela si Arista sa Torture Claims Appeal Board, na tumangging baliktarin ang desisyon.

Pagkatapos nito ay lumapit naman siya sa High Court upang hingin na ibasura ang lahat ng mga naunang desisyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero tinanggihan ito ni Judge Chan, na nagsabing hindi trabaho ng High Court na litisin ulit ang mga kasong nadesisyunan na, maliban sa kung may maling interpretasyon sa batas.

At isa pa, ayon ng patakaran ng korte, may tatlong buwan lang si Arista para umapela sa High Court pagkatapos ng desisyon ng Torture Claims Appeal Board, pero walong buwan na ang lumipas bago siya lumapit sa High Court.

“Hindi ako makakita ng kahit anong magandang rason sa sobra niyang pagkaantala,” dagdag ni Judge Chan sa Ingles.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

2 DH akusado sa pagnanakaw ng $2.37M

Posted on 31 March 2023 No comments

 

Inutos ng mahistrado sa Kowloon City Courts na ibalik ang dalawang Pilipina sa kulungan.

Dalawang Pilipinang domestic helper na may kasong pagnanakaw ng $2.37 million na halaga ng relo at alahas, ang ibinalik sa kulungan ngayon matapos humarap sa Kowloon City Courts.

Sina Bernadette Paranas at Gina Quinones, 39 at 33 taong gulang, ay inakusahang nagnakaw ng walong mamahaling relo, isang bracelet at isang gintong singsing na ang kabuuang halaga ay $2.37 million.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Naganap diumano ang pagnanakaw sa pagitan ng May 2021 at Nov. 26, 2022 sa isang flat sa Sheung Shing Court sa Kowloon City.

Sinampahan sila ng Kowloon City Police ng paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance, na nagpapataw ng hanggang 10 taong pagkabilanggo sa ganitong klase ng krimen.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Hiningi ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdining sa May 25 para sa dagdag na imbestigasyon at payong legal.

Dahil hindi sila humiling na mapalaya sa bisa ng piyansa, inutos ni Magistrate Lau Suk-han na ibalik sila sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kanilang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa taga-usig, sakaling humiling sila na payagang magpiyansa ay hahadlangan niya ito dahil sa bigat ng kaso nila.

Gayunpaman, ipinayo ni Magistrate Lau na may karapatan silang pumunta sa High Court para doon humiling ng piyansa.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Nasentensyahan dahil sa ninakaw na $145 na earphones

Posted on No comments

 By The SUN

Pinaaresto ng amo ang akusado matapos nitong kunin ang kanyang earphones  

Huwag na huwag kukuha ng anumang bagay na hindi sa iyo dahil maaari kang makasuhan ng pagnanakaw.

Ito ang masakit na leksyon na natutunan ni J. Albuero, 27 taong gulang, nang masentensyahan siya sa Eastern Magistrates Court kanina matapos umamin na ninakaw niya ang “PLG wired earphones” ng kanyang among lalaki na nagkakahalaga ng $145.

Hindi niya napigilan ang humagulgol pagkalabas ng korte kasama ang mga umalalay sa kanya mula sa Bethune House Migrant Women’s Refuge.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kahit kasi sinuspindi ang kanyang sentensyang dalawang buwan at isang linggong pagkabilanggo sa loob ng 12 buwan ay may record na siya, at malamang na mapauwi na.

Bale isang buwan lang nakapagtrabaho si Albuero sa mga among taga Victoria Road sa Sai Wan nang maaresto siya noong Jan 15 matapos malaman ng among si Kwok Koon Wang ang pagkuha niya ng earphone.

Una diumanong napansin ni Kwok na nawawala ang kanyang earphone noong Jan 12 kaya tinanong niya si Albuero kung kinuha niya ito, pero tumanggi siya sa paratang.  

Pindutin para sa detalye

Noong Jan 15 ay sinabi ng asawa ni Kwok na nakita niyang ginagamit ni Albuero ang earphone kaya tinanong nila ito muli. Dito na inamin ng akusado na kinuha niya ang earphone dahil nakatuwaan niya, pero sinauli niya ito muli sa lalagyan.

Ang lahat ng kanilang mga usapan ay nakunan sa CCTV.

Nakiusap si Albuero sa mga amo na patawarin na lang siya, pero hindi pumayag si Kwok, at agad siyang pinaaresto.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abugado, si Albuero ang tanging sumusuporta sa kanyang dalawang anak na nasa Pilipinas, na edad 9 at 4 na taon. Ito ang una niyang pagtatrabaho sa Hong Kong, at dumating siya dito noong Disyembre ng nakaraang taon.

Hiniling ng abugado na patawan si Albuero ng magaang na sentensya dahil pinagsisihan niya nang lubos ang nagawa niyang pagkakamali, at agad niya itong inamin. Maliit lang din daw ang halaga ng gamit na kinuha niya, at maisasauli pa ito sa amo pagkatapos ng paglilitis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon kay Magistrado Minnie Wat, wala siyang nakitang dahilan sa mga pinahayag ng abugado para bawasan niya ang sentensya ng nasasakdal. Mabigat daw ang kaso dahil nilabag ng akusado ang tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang amo.

Pero dahil inamin niya ang kanyang pagkakasala ay mababawasan ang dapat na sentensyang tatlong buwang pagkakabilanggo ng ¼, kaya magiging 2 buwan at 1 linggo na lang ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isinaalang-alang din daw niya na maliit lang ang halaga ng ninakaw, na maibabalik pa sa may-ari, kaya nagdesisyon siyang isuspindi ang sentensya ng 12 buwan.

Pero binalaan niya si Albuero na sakaling lumabag itong muli sa batas sa loob ng panahon na ito ay itutuloy ang pagkulong sa kanya base sa sentensya, bukod pa sa ano pa mang parusa ang ipapataw sa kanya sa bagong kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss