Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nahulihan ng pampatulog, pinagmulta ng $2k

Posted on 04 April 2023 No comments

 

Hindi pinansin ng korte ang sabi ng akusado na binili lang niya ang gamot para makatulog

Ang paggamot sa sarili ay mapanganib, hindi lang sa kalusugan kundi sa bulsa na rin.

Ito ang natutunan ng Pilipinong si R. Bularin, 39 taong gulang, nang patawan siya ng multang $2,000 sa West Kowloon Courts kanina dahil nakuhaan siya ng 13 tabletang pampatulog na may sangkap na zopiclone, na nakalista bilang Part 1 na lason sa Poisons List ng Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Isinantabi ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung ang katwiran ni Bularin na nabili lang nya ang gamot sa isang botika dahil hirap siyang matulog sa gabi.

Hindi rin pinansin ang sinabi niya na may papel siyang maipapakita na magpapatunay sa kanyang sleeping disorder.

Pindutin para sa detalye

Ang dahilan ay ang pagkakaroon lang ng ganitong lason ay isa nang pagkakasala at paglabag sa Pharmacy and Poisons Ordinance.

Nang basahin sa kanya ang kasong pagkakaroon ng Part I Poison, umamin na lang si Bularin. Humingi na rin siya ng paumanhin dahil hindi niya alam na bawal ang ginawa niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inaresto siya ng mga pulis noong Nov. 29 sa Tung Chung Shopping Center sa Tung Chung, New Territories, matapos siyang sitahin.

Nang kapkapan siya ay nakita sa bulsa ng kanyang pantalon ang 13 tableta ng pinagbabawal na gamot. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kinumpirma ng Government Laboratory na ang mga tableta ay may sangkap na zopiclone.

Ayon sa National Institute of Health ng Canada, mapanganib na gamot ang zopiclone at hindi dapat mapasakamay ng mga tao nang walang reseta ng doktor, dahil ito ay nakaka-adik.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang mga nasanay nang uminom nito bilang pampatulog ay nagkakaroon ng withdrawal symptom gaya ng pagkabalisa, panginginig, paglakas ng tibok ng puso at iba pa, dagdag nito. Bumabalik din ang problema sa pagtulog.

Sa mga doktor, ang payo nito ay huwag magreseta ng zopiclone nang pangmatagalan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Pinoy na muling nanakit sa asawa, sinentensyahan ng community service

Posted on No comments

 Ng The SUN

Binalaan si Novo sa korte na makukulong na siya sakaling umulit siya sa kasalanan

Binigyan ng huling pagkakataon ang isang Pilipinong supervisor sa isang restaurant na magbago na para hindi makulong bago sinentensyahan kanina sa Eastern Court ng 160 oras na community service dahil sa pananakit sa asawa.

Inutos din ng mahistrado na bayaran ni Lito Felnar Novo, 48 taong, gulang, ang $2,000 na parusa sa ilaim ng bindover order na ipinataw sa kanya noong 2021 noong una niyang saktan ang kanyang asawa.

Agad kinaltas ang piyansa niyang $1,000 para mabayaran ang multa, at inutusan siyang bayaran ang balanseng $1,000 sa Huwebes.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bago siya sinentensyahan, sinabi ni Deputy Magistrate Leona Chan na ito na ang huling pagkakataon na papayagan siyang makaiwas sa kulong dahil sa pananakit sa kanyang asawa.

Hiniling ng abugado ni Novo ang community service, kasabay ng pagsasabi na ipinaintindi niyang maigi dito na kailangan na niyang sumunod sa utos ng korte, kung hindi ay makukulong na siyang talaga.

Ayon sa Offenses Against the Person Ordinance, ang parusa sa kaso niyang common assault o ordinaryong pananakit ay pagkakakulong ng hanggang isang taon.

Pindutin para sa detalye

Sabi ng abugado, hindi na siya magbibigay pa ng paliwanag kung bakit nagawa ni Novo na muling saktan ang asawa.

Ang tanging masasabi daw niya ay alam na nito ngayon na hindi na siya dapat umulit, at kailangang sumunod siya sa utos ng korte.

Sa naunang pagdinig, sinabi ng abugado na hiniling ni Novo na patawan siya ng kahit anong parusa, huwag lang kulong, dahil may sinusuportahan daw siyang mga magulang at anak sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong una siyang makasuhan ay isinailalim si Novo sa bindover order, kung saan nangako siyang hindi na muling lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon, kung hindi ay kailangan niyang bayaran ang multang $2,000 at magkaka record siya.

Hindi niya ito natupad dahil muli niyang sinaktan ang kanyang asawa sa kanilang tirahan sa Leishun Court sa Leighton Road, Causeway Bay noong Dec 5, 2022.

Umuwi siyang lasing noong gabing iyon, at hindi agad mabuksan ang pintuan kaya kumatok siya. Nang pagbuksan siya ng asawa ay sinabunutan niya ito dahil sa tagal nang pinaghintay niya sa labas.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nagpunta sa Ruttonjee Hospital ang babae at inireklamo na sumakit ang kanyang anit dahil sa pagkakasabunot sa kanya. Ipinaalam sa pulis ang pangyayari at inaresto si Novo.

Noong una ay itinanggi ni Novo ang paratang, pero sa takdang paglilitis ng kaso noong March15 ay bigla siyang umamin, kaya itinakda ang kanyang sentensya habang nanghingi ang korte ng background report tungkol sa kanya.

Mismong ang abugado ni Novo ang nagsabi sa korte na hindi maganda ang lumabas sa report ng probation officer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bago isara ang kaso ay tinanong ni Magistrate Chan sa abugado ni Novo kung ano na ang sitwasyon ng mag-asawa. Ang sagot nito ay pagkatapos ng pagdinig sa kaso ay nakatakda daw mag-usap ang dalawa.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

WhatsApp hotline, maaring gamitin pag nagkaproblema sa ibang bansa

Posted on No comments

 

Tauhan ng AHU sa Immigration Department

Sinimulan ngayon ng Immigration Department ang isang serbisyo na magpapadali sa paghingi ng saklolo kung sakaling magkaroon ng problema ang isang naninirahan sa Hong Kong habang ito ay nasa ibang bansa.

Ito ay ang 1868 WhatsApp Assistance Hotline na bukas sa lahat ng mga residente sa Hong Kong, kabilang ang mga OFW na may employment visa.

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ang serbisyong ito ang ipinalit sa WhatsApp hotline 5190 8909 na ginamit ng Immigration upang makatulong sa mga taga-Hong Kong na nabiktima ng mga job scam sa ibang bansa nitong mga nakaraang buwan.

Ang Hotline ang magiging tulay upang makahingi ng tulong sa Assistance to Hong Kong Residents Unit (AHU) ng Immigration, gamit ang WhatsApp. 

May tatlong paraan para ma-kontak ang AHU:

PINDUTIN PARA SA DETALYE

·        Magpadala ng mensahe o tumawag sa (852) 1868 na gamit ang WhatsApp.

·        Kumontak sa pamamagitan ng internet na gamit ang WhatsApp. Pindutin lang ito: http://wa.me/message/IGSJWR2HF5PZI1?src=qr .

·        Buksan ang website kung saan pwedeng mag-iwan sa AHU ng mga detalye ng problema at personal na impormasyon, upang sila ay ma-kontak. Pindutin ito: https://webapp.es2.immd.gov.hk/ahu-client/#/form-module/form?lang=en-US&svcId=807&applicationId=807&formId=General.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang impormasyon na makukuha mula sa website ay makakatulong sa pagtukoy ng tamang tulong at saan magmumula ang tulong – kung sa Immigration, sa ibang sangay ng gobyerno, o mga pribadong organisasyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Immigration, tinitingnan din nila ang paggamit ng iba pang social media channel upang mas padaliin pa ang pag-konekta sa AHU. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Filipino who threatened to burn down Consulate gets 10 weeks in jail

Posted on 03 April 2023 No comments

By The SUN

 

Still shot from the last incident in which Bondoc was accosted while loitering outside the Consulate 

Filipino resident Ronald B. Bondoc, 42, was sentenced to a total of 10 weeks in jail after being found guilty after trial of three offences, including issuing a threat over the telephone to burn down the Consulate offices and hurt its staff.

Magistrate Leona Chan Pui-man imposed the sentence earlier today, Monday, despite Bondoc’s plea for him to be allowed to render community service instead of being put behind bars.

“I am willing to go for community service because somebody has to take care of them (my family),” Bondoc said, who had to do his own mitigation after dispensing with his defense counsel from the Duty Lawyer Service.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The magistrate replied that this was not viable, as she intended to impose a custodial sentence on him. But she acknowledged receiving a letter from Bondoc’s live-in partner asking for leniency.

Bondoc's partner attended court along with her baby whom she delivered only yesterday, as well as two social workers. She sobbed and said a faint “yes” when the magistrate asked if she intended to ask for social welfare assistance for herself and her children.

The couple has an elder daughter, who is 15 months old.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Magistrate Chan sentenced Bondoc to eight weeks in jail for the first charge of criminal intimidation. She noted that the accused had repeatedly issued the threat to burn down the Consulate and hurt its staff, particularly, “Arnel,” in a telephone call lasting more than an hour on Jan 22 last year.

However, taking note of his family’s circumstances, she exercised her discretion to reduce this to six weeks’ imprisonment, as “an act of leniency.”

For the second charge of common assault which stemmed from Bondoc going to the Consulate on Jan 24, 2022 armed with a golf club, and then grabbing a staff member by the neck before pushing him to the ground, the magistrate imposed a sentence of four weeks in jail.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Two weeks of this sentence will have to be served concurrently, and the other two weeks, consecutively, to the first sentence of six weeks in jail.

Magistrate Chan noted that the Consulate personnel was not seriously hurt in the incident, even if Bondoc had purposely armed himself with a golf club at the time of the incident.

Another four weeks’ imprisonment was added to his sentence for the third charge of loitering causing concern, which happened on March 28, 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The court noted that Bondoc’s act was premeditated, as he had brought along a metal bar when he hung around the lift lobby of the Consulate before being taken away by the police.

Two weeks of this sentence were to be served consecutive to the previous sentences, making a total of 10 weeks’ imprisonment.

In closing, the magistrate she would use her discretion in ordering that social welfare assistance be extended further to Bondoc’s family.

Before sentencing, the magistrate said she had taken note of Bondoc’s letter for mitigation, in which he apologized for what happened, and his promise to control his anger in the future.

She also noted that Bondoc had lost his job as architectural draftsman after his company was told about his pending case, leading him to work in a restaurant.

She also said she was aware of repeated disputes between the defendant and Consulate staff, which led to Bondoc being barred from certain parts of the Consulate offices.

“The court understands that the defendant was disturbed. There is no justification, however, to resort to violence,” said the magistrate.

In defending himself, Bondoc said the reason he got mad at the Consulate was because staff there told him he could not unilaterally change his civil status in his passport application to “single” even if he and his wife had already separated. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

 

Pamasahe sa Star Ferry, itinaas simula ngayon

Posted on No comments
Itinaas ang pasahe sa Star Ferry upang bawasan ang pagkalugi nito

Nagtaas ngayon ang pamasahe sa dalawang ruta ng Star Ferry, sa Central-Tsim Sha Tsui at sa Central-Wanchai, ayon sa batas na inaprobahan noong nakaraang taon upang mabawasan ang pagkalugi nito.

Ang libreng sakay ng mga senior na ibinibigay sa mga may edad na 65 pataas, ay itinigil na rin. Ang singil ngayon sa kanila, na tinatawag nilang concessionary fare, ay $2.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang pinakamalaking itinaas, sa 56%, ay ang pasahe para sa upper deck ng rutang Central-Tsim Sha Tsui na ngayon at HK$5 mula Lunes hanggang Biyernes, mula sa HK$3.20. Tuwing Sabado at Linggo, ang pasahe ay ginawang HK$6.50, mula sa HK$4.20.

Sa lower deck, ang pasahe ay ginawang $4, mula sa $2.60 mula Lunes hanggang Biyernes, at $5.6 mula $3.6 tuwing Sabado at Linggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pasahe ng mga bata ay itinaas din sa $2.90 para sa upper deck at $2.80 para sa lower deck mula Lunes hanggang Biyernes, at $3.9 sa upper deck at $3.7 sa lower deck tuwing Sabado at Linggo.

Para sa rutang Central-Wanchai, ang bagong pasahe ay $5 sa Lunes hanggang Biyernes at $5.5 tuwing Sabado at Linggo. Ang pasahe ara sa bata ay $2.90 tuwing Lunes hanggang Biyernes, at $3.90 tuwing Sabado at Linggo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang buwanang tiket sa parehong ruta ay magkakahalaga ng $190, at ang pang-turistang tiket para sa apat na araw ay $50. Ang dagdag singil para da mga may dalang bisikleta ay $25.

Ang Star Ferry, na nagdiwang ng ika-100 anibersaryo noong 1998, ay itinuturing na isa sa tourist attraction ng Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang serbisyo nito sa dalawang ruta ay gumagamit ng siyam na lantsa.

Itinaas ang pasahe dito matapos bumaba ang bilang ng mga sumasakay dahil sa paglawak ng serbisyo ng MTR na nagbukas ng ilang bagong ruta at istasyon, at sa mga protesta at kaguluhan noong 2019.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!


Today is Palm Sunday

Posted on 02 April 2023 No comments

 

Procession at St Jude's Church in North Point signalling the start of the Palm Sunday mass

Christians all over the world marked Palm Sunday today, and those in Hong Kong were among who carried the tradition of waving palm branches to re-create the celebration of Christ’s final arrival in Jerusalem.

Palm Sunday, also known as Passion Sunday, is the last Sunday in Lent and the beginning of Holy Week, the most important weeks of the year for Christians. The date changes yearly because Easter is observed based on the Jewish holiday of Passover.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In line with tradition, today’s gospel recalls the time Jesus was condemned to death by the then Roman governor Pontius Pilate, due to clamor from people who wanted him punished for supposed blasphemy, as he called himself King of the Jews.

The Bible teaches that when Jesus rode into Jerusalem for the Passover he was greeted by a large crowd waving palm branches, with many of them shouting, “Hosanna to the Son of David” or “Blessed is the King of Israel,” or other chants to show their recognition of him as Christ the King.

Pindutin para sa detalye

PINDUTIN PARA SA DETALYE

According to his apostles Matthew, Mark, Luke and John, the people lay down their coats and palm branches on the ground as a sign of respect and adoration as Jesus passed by, riding a young donkey.

Recreating the scene of Jesus' arrival in Jerusalem

The people of Jerusalem had looked at Jesus as their savior from Roman oppression. But only days later, he was crucified, betrayed by one of his apostles.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Easter Sunday is when Christians rejoice again, as they believe this marked Jesus’ resurrection and ascension to heaven.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss