Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Covers the period July 1-15, 2016

30 June 2016

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Sundin ang bugso ng damdamin. Subukang gawin agad ang lahat ng nakaatang na responsibilidad para may panahon na maglibang. Huwag matakot na magpursige para sa katuparan ng mga pangarap sa buhay. Sa mga may karelasyon, huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga bagay na maaring maging sanhi upang mairita sa bawat isa.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Matutong makibagay at magpakita ng kababaang loob. Makakatulong ang pagiging masayahin at kakayahang makinig upang lalo pang mapabuti ang sarili. May munti ngunit makabuluhang pagbabago na magaganap sa kalagitnaan ng linggo. Pigilan ang sarili na magbigay ng payo sa ibang tao lalo na kung hindi naman hinihingi. Tamang tama ang linggong ito upang lumabas kasama ang mga kaibigan.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Magulo at nakakalito ang pagpasok ng linggong ito ngunit huwag hayaang maapektuhan ang sariling disposisyon. Ngayon na ang tamang panahon para sa mga nagbabalak magsagawa ng pagbabago sa buhay. Maglaan ng panahon para gawin ang mga tunay na nakakapagbigay ng kaligayahan. Laging unahin ang kapakanan ng mahal sa buhay upang walang dapat pagsisihan.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Magbubukas ang bagong yugto ng importanteng relasyon at magiging sanhi ito ng tunay na pagbabago. Sa mga naghahanap ng pag-ibig, may makikilala na magbibigay ng puwang sa kanilang puso. Sari-saring tsismis laban sa iyo ang maririnig sa loob ng opisina at kung hindi mag-iingat ay maaring masira ng pinakaiingatang reputasyon.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Lilipas ang linggong ito na parang panaginip. Bukal ang loob ang pagtulong ngunit ang ilan ay walang ibang hangad kung hindi hanapan ng mali ang kapwa. Malaking gulo ang magaganap dahil sa pera kaya planuhin nang husto kung paano mababayaran ang utang. May mga taong sadyang makulit at maaring masira ang masayang disposisyon lalo na kung paiiralin ang pagiging mayamutin. May importan-teng proyektong masisimulan kasama ang pamilya.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Sa wakas ay kaya nang talikuran ang mga bagay na sadyang hadlang para makamit ang pangarap sa buhay.  Maraming tao ang tututol sa gagawing desisyon pero walang ibang makakapigil sa iyong sariling pagpapasya. Huwag hayaang maimpluwensyahan ng iba ang iyong mga plano. Malaki ang gagampanan ng kaibigan sa pagbabagong nais gawin sa buhay.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Isang kakaibang pagkakataon ang magbibigay sa iyo ng lakas ng loob upang gawin ang mga bagay na dating kinakatakutan. Mapapasabak sa isang gulo sa kalagitnaan ng linggo. Huwag magbitiw ng salita kung hindi ito kayang gampanan. Papasok ang pera kaya samantalahin ang pagkakataon upang mag-impok para sa kinabukasan. Bagamat marami ang pinagkakaabalahan, huwag hayaang mawalan ng oras sa pamilya.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Panahon na para sa tunay na pagbabago. Huwag mag-alinlangan na sabihin ang tunay na nararamdaman lalo na kung para sa kapakanan ng maraming tao. Kung nangangailangan ng payo, dumulog lang sa mga kaibigan dahil marami sa kanila ay taglay ang likas na pagiging matulungin. Huwag hayaang balutin ng lungkot ang pagkatao kahit napapalibutan ng problema.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Malalagay sa alanganing sitwasyon ngunit agad ding makakahanap ng solusyon lalo na kung laging bukas ang isip sa payo ng ibang tao. May nagbabadyang malaking gastusin kaya bilhin lang ang mga bagay na sadyang kailangan. Hindi masama kung magpapakitang-gilas sa trabaho lalo na kung talaga namang sapat ang kakayahan. Linisin ang kalat at mga basura sa paligid ng bahay upang guminhawa ang pakiramdam.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Pabor ang linggong ito para sa seryosong pagpaplano tungkol sa pag-ibig o kasal. May haharaping malaking problema sa pera kaya makakatulong kung hihigpitan nang kaunti ang sinturon bilang paghahanda. Mas mabuting kumunsulta sa abogado para sa tamang payo. Dahil sa kawalan ng tunay na layunin, maraming masasayang na panahon . Madaling mabagot at mayamot kaya magpahinga nang husto para magkaroon ng panibagong lakas na harapin ang hamon.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Hindi magkandaugaga sa dami ng sosyal na obligasyon kaya hirap kang asikasuhin lahat. Huwag hayaang maubos ang oras sa labas kasama ang mga kaibigan upang hindi mapabayaan ang tungkulin sa pamilya. May hindi inaasahang problema sa trabaho kaya huwag madaliin ang ginagawa. Kung balak huminto sa paninigarilyo, ngayon ang tamang panahon para mag-umpisa. Malaking kabiguan ang naghihintay sa iyo at ang tanging magagawa mo ay bumitiw.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Maraming positibong pangyayari ang magaganap sa linggong ito. Hahantong sa matinding away ang problema ng mga mag-asawa kaya mas mabuting dumulog sa mga propesyunal upang hindi na lumala ang sitwasyon. Bilhin lang ang importanteng bagay para hindi masayang ang pera. Sensitibo ang lalamunan.

Don't Miss