Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Koponan ng Indonesian, tinalo ang mga Pinoy sa Samoki volleyball tournament

25 October 2018

Nilampaso ng Indonesian Team na KSB Brizick, 3-0, ang pambato ng mga Pinoy na Wolf Team sa katatapos na Samoki Womens Volleyball Tournament-Summer League tournament na ginanap sa Victoria Park, Causeway Bay noong ika-30 ng Setyembre.

Ang tunggalian ay para sa kampeonato ng bracket A sa pasinaya. Hinirang na overall most valuable player at best spiker sa bracket A si Anyi ng KSB Brizick.

Hinati sa tatlong bracket and mga koponan - A, B at C - at ang unang makakuha ng 25 puntos sa bawat laban ay siyang panalo.

Sa bracket B, nagwagi ang Ilocos Warrior sa iskor na 3-2 laban sa D’Punisher, at pinarangalan bilang best player is Lola Doliente.

Sa bracket C, panalo ang Stray Cats laban sa Drifters sa  iskor na 3-1, at tinanghal na best player si Aileen Bariaud ng Stray Cats.

Kasalukuyan nang inihahanda ang autumn-winter league ng palaro at lahat ng volleyball teams ay inaanyayahang sumali. Tawagan lang si Marlyn sa numero 61597165 para sa anumang katanungan. – Marites Palma

Ang nagwagi sa Samoki Womens Volleyball Tournament-Summer League tournament Bracket A: KSB Brizick.

Bracket B Champion ~Ilocos Warrior A


Don't Miss