Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo sa Nobyembre

18 November 2019


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Mahaharap ka sa malaking problema kung patuloy mong ginagawang biro ang lahat ng bagay. Kailangang mag-ingat sa trabaho dahil habang umaasenso ka, mas dumarami ang kalaban mo. Maayos ang kalusugan at masaya ang tahanan, pero mas mabuting dagdagan ang pagmamahal at pagiging mapagbigay. Huwag pigilan ang nararamdaman. Lucky numbers: 13, 23, 31 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Makaka-adjust ka ng husto sa mga bagong paligid at kasamahan at makakaasa ka ng suporta sa kanila. Mababawi mo rin ang lakas at sigla ng katawan at mawawala na ang pangamba at kawalan ng pag-asa ng nakaraan. Iwasang tumiklop agad kapag nasaling ang pride, bawasan ang pagiging emosyonal. Magiging matibay ka naman sa pagharap sa mga problemang dumarating sa pamilya.Lucky numbers: 7, 19, 34 at 43.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Huwag mag-atubiling magsabi ng problema sa matalik mong kaibigan. Mas mapapaganda ang kalagayan sa trabaho, pero mag-ingat sa kasamahan. Problema sa pera ang maaaring maging sanhi ng away sa kamag-anak; mag-ingat. Handa kang ibigay ang lahat para sa minamahal pero huwag sisihin ang sarili kapag may problema. Lucky numbers: 19, 22, 39 at 40.

Call us now!

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Ang alalahanin tungkol sa problema sa pamilya ay nakakaapekto sa iyong kalusugan. Bigyan ng pansin agad ito upang makaiwas sa mas malaki pang problema. Makakatulong na maibsan ang dinadala sa tulong at suporta ng karelasyon. Ingatan ang kalusugan at iwasan na ang lahat ng bagay ay maging sobra, lalo na sa pagkain. Lucky numbers: 16, 19, 24 at 45.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Nahihirapan kang makaipon, pero kailangan mong magtipid ng husto ngayon. Magsasawa rin sa pagbibigay ng payo ang mga nagmamalasakit sa iyo kung patuloy mo silang kakalabanin. Marami kang tsansa na mahanap ang kapartner na makakasundo mo nang husto. Mag-ingat na mapagod ng husto sa trabaho na maaring makasama sa katawan, kahit pa maganda ang intensyon mo, dahil mahina ang resistensya mo. Dagdagan ang tulog. Lucky numbers: 17, 29, 33 at 36.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Magandang panahon upang isulong ang buhay dahil may ambisyon ka, motibasyon upang kumilos at naniniwala kang tsansa mo na ito. Nasa tamang direksyon ka na upang matamo ang tagumpay at walang makakapigil sa iyo, pero mag-ingat sa mga naiinggit. Piliting kontrolin ang paggastos, dahil may paparating na problema sa pera. Huwag gaanong alalahanin ang love life dahil kusang maaayos ang lahat na ayon sa iyong gusto. Lucky numbers: 2, 18, 28 at 39.

CALL OUR HOTLINE!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Makakaasa ka sa pagiging prangka at pagsasabi ng totoo ng mga kaibigan. Magbalik-tanaw sa mga mga nakalipas mong desisyon at pagpili. Sa trabaho, malakas ang iyong imahinasyon kaya nakakaisip ka ng mga bagong ideya; ito ang tsansa mo na makuha ang promosyon na matagal mo nang inaasam. Maingat ka ngayon sa pera; gumastos lang para sa mga bagay na talagang kailangan. Lucky numbers: 16, 17, 37 at 42.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Lahat ng bagay ay papabor sa iyo kaya samantalahin ang bihirang pagkakataong ito. Ang ambisyon ay makakamit mo at mapapahalagahan ang iyong trabaho. Napapanahong tulong ang ibibigay ng kamag-anak o kaibigan sa oras ng kagipitan. Sa kabila ng distansyang namamagitan sa iyo at sa taong mahal mo, mararamdaman mo na hindi pa huli ang lahat, at makakaasa kang hindi hindi pa pumapalya ang intuisyon mo. Lucky numbers: 5, 12, 29 at 31.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Makikita mo ang malinaw na pagbabago sa sitwasyon mo; magkakaroon ka ng mga bagong transaksyon na pagkakakitaan. Kung may karelasyon, ito ang tamang oras na pag-usapan at ayusin ang inyong sitwasyon. Baka kailanganin mong gumawa ng mahalaga at madaliang desisyon, maging kalmado at maingat. Umiwas sa mga matatao at maduming lugar upang mabawasan ang pananakit ng ulo. Lucky numbers: 11, 13, 25 at 44.

Call now!


UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Magagawa mong palawakin ang kaisipan at dumami ang mga kakilala at kaibigan. Huwag gaanong seryosohin ang lahat; maging mapagmasid upang mas luminaw ang pananaw at ang lahat ay magiging maayos. Kung maharap sa personal na problema na mahirap lutasin, pakinggan ang puso. Mahal mo ang iyong mga kaibigan pero kung mayroon kang hindi makasundo, mabuti pang iwasan na ito bago pa maapektuhan ang iba mong kaibigan. Lucky numbers: 16, 27, 33 at 45.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Huwag nang buhayin pa ang matagal nang namayapang love affair at baka masaktan ka lang muli. Huwag makialam sa away ng mga katrabaho. Bantayan ang kalusugan; magtipid at alagaan ang katawan. Muli ay may hihingi ng tulong; huwag umasang tatanawin ito na utang na loob, pero hindi dahilan ito upang pagkaitan mo ang nangangailangan. Lucky numbers: 22, 23, 37 at 41.
Call us!


ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Tamang panahon na gumawa ng desisyon na base ng kaunti sa intuisyon, pero mas lamang sa common sense. Huwag paghinaan ng loob sa mga dinaranas na problema dahil maaayos din ang lahat. Makakabuti sa relasyon ang unawaan; magsalita ng malumanay at magpakita ng atensyon kahit sa maliliit na bagay para sa maaayos na pagsasama. Alamin ang mga pinagkakaabalahan ng ng mga anak. Lucky numbers: 11, 15, 32 at 43.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Don't Miss