Ni Edna Aquino
Larawang kuha ng mga nagtapos, mga panauhin at mga bumubuo ng Kasambuhay |
Idinaos noong Linggo, Peb. 27, ang kauna-unahang seremonya ng pagtatapos sa gitna ng pandemya na idinaos ng Kasambuhay Hong Kong Foundation, na dating kilala bilang CARD Hong Kong Foundation.
May 41 na pawang migranteng manggagawa sa Hong Kong
ang nagtapos ng kursong basic financial literacy at 16 naman ang tumanggap para
sa Business Planning.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Naging pangunahing tagapagsalita si Daisy Mandap, editor
ng The SUN Hong Kong, na nagbigay ng pananaw tungkol sa biglang pagdagsa ng mga
kaso ng Covid-19 sa Hong Kong nitong nakaraang dalawang buwan.
Iniugnay niya ito sa iniindang pag-aalala ng maraming
mga overseas Filipino worker (OFWs) sa kanilang pamilya sa Pilipinas na nahaharap
din sa maraming pagsubok dahil sa epekto ng pandemya sa kanilang kalusugan at
kabuhayan.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil dito, aniya, dapat magkaroon ng kamulatan ang
mga OFW sa kahalagahan ng pag-iipon at kung paano mapangalagaan ang kanilang kinikita
para mapunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at mapaghandaan ang mga
hindi maiiwasang mga pangyayari katulad ng pandemya.
Ayon sa editor ng The SUN na si Daisy, pinakita ng pandemya ang kahalagahan ng pag-iipon |
Pinayuhan din niya ang mga nagtapos na iwasan ang mga sindikatong nambibiktima ng mga OFW, hindi lang online kundi pati mismo sa hanay ng mga kapwa Pilipino nila sa Hong Kong.
Tatlo sa mga nagtapos at isang trainor ang nagbigay ng
patunay tungkol sa naging pagbabago sa kanilang mga pananaw sa buhay mula nang dumalo
sila sa online financial literacy, lalo na sa pangangalaga ng kanilang kita at
paghahanda para sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.
Si Eleonor Egada ay natutong kumilatis ng mga inaalok sa kanyang negosyo o pamumunuhan pagkatapos niyang mabiktima ng ilang beses sa scam.
Sabi ni Eleonor hindi na siya mai scam muli dahil sa kanyang natutunan |
Sina Chelita Cose at Priely Garcia naman ay parehong
napanatag ang kalooban dahil nalaman nila na kahit hindi sila nagkaroon ng
plano sa buhay sa loob ng ilang taon nilang pagtatrabaho sa Hong Kong ay hindi
pa huli ang lahat para gawin ito.
![]() |
CONTACT US! |
Ayon kay Chelita, malaki ang nabawas sa ipon niya
dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Odette sa kanyang ipinundar sa Bohol.
Nakita niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng emergency fund para sa mga ganitong
hindi inaasahang pangyayari.
Ayon kay Alex Aquino, chairman ng Board of Trustees ng
Kasambuhay, tuloy tuloy lang ang kanilang pagsasanay gamit ang Zoom habang hindi
pa bumabalik sa normal ang takbo ng buhay sa Hong Kong dahil sa pandemya.
Ayon kay Alex, mas kumpiyansa na ang mga trainor nila ngayon sa paggamit ng Zoom |
Sa simula ay naging hamon daw ang ginawa nilang
paglipat mula sa face-to-face na pagtuturo sa loob ng mahigit isang taon patungo sa
online, nguni’t ngayon ay mas kumpiyansa na ang kanilang mga trainor sa kanilang
ginagawa.
BASAHIN ANG DETALYE! |
Malaking tulong daw ang nakikita nilang kagustuhan ng
mga OFW na matuto pero marami pa rin silang kailangang maituro dahil sa tumitinding
pangangailang pinasiyal ng nakakaraming Pilipino.
Sa kanyang panghuling pangungusap, nagbigay-pugay sa mga nagtapos si Deputy Consul General Germinia Aguilar Usudan, na nagsabing ang kanilang pagpupursige na matuto ay nagpapatunay lamang ng karakter ng Pinoy na umahon sa anumang krisis na kanilang pinagdadaanan.
Pnagaral ni DCG Germie, mag-umpisa nang tutukan ang sariling pangangailangan |
Pinayuhan niya ang mga nagtapos na simulan nang pag-isipan ang kanilang mga sariling pangangailangan at hindi lang ang pagtugon sa mga pangangailangan ng pamilya sa Pilipinas.
Huwag daw nilang ituring ang Hong Kong bilang katapusan ng kanilang
pagiging OFW, kundi ay tularan ang iba na umuwi at nakamit ang mga pangarap
dahil natuto nilang pangalagaan ang mga pinaghirapang kita.
Kung gusto niyong sumali sa mga darating na kurso ng Kasambuhay,
pumunta lang sa Facebook page na ito: Kasambuhay Hong Kong Foundation. Walang bayad ang kurso at wala ding binebenta
na anumang negosyo.
![]() |
PADALA NA! |