![]() |
Hindi sumipot sa Eastern Magistracy sa pagdinig ng kanyang kaso |
Inutos ang pag-arresto sa isang Pilipinang dating domestic helper kanina dahil hindi dumating sa Eastern Magistracy sa pagdinig ng magta-tatlong taon na niyang kaso.
Nakalista para dinggin sa korte ang kaso ni Kris Hope
Vargas, 31, na “breach of condition of stay – overstay”.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero ayon sa mga dokumento sa korte, may isa pa siyang
hinaharap mas mabigat na paratang, ang “dealing with property known or believed
to represent proceeds of indictable offence”. (Tunghayan ang aming balita
tungkol dito noong Pebrero 2021: http://www.sunwebhk.com/2021/02/overstaying-filipina-charged-with.html)
Maliban sa pag-utos na arestuhin si Vargas, sinabi rin ni Magistrate
Leung Ka-kie na huwag siyang payagan muling mag-piyansa.
PRESS FOR DETAILS! |
Ang kaso niyang overstaying ay nagsimula noong
March 10, 2020 matapos ang 14 araw na palugit para siya umuwi matapos siyang materminate ng kanyang amo dahil hindi na siya pinayagan ng
Immigration Department na palawigin ang kanyang pagtira sa Hong Kong,
Inakusahan naman siyang nagpagamit ng kanyang ATM
card sa money laundering matapos makantanggap ang kanyang account sa Hang Seng
Bank ng $691,059.07, na agad namang na-withdraw, sa pagitan ng May 3, 2019 at Aug. 11, 2020.
![]() |
Press for details |
Ang ganitong kasalanan ay nakalista sa ilalim ng
Organized and Serious Crimes Ordinance, na nagtatakda ng parusang pagkakakulong
ng hanggang 14 taong pagkabilanggo kung dumaan ang kaso sa paglilitis o 3 taon
kung hindi, at multang hanggang $5 million kung dumaan sa paglilitis at $500,000
kung hindi.
Samantala, sa isang hiwalay na kaso ay inutos ni Magistrate Leung ang pagsampa sa District Court ng asunto laban sa family driver
na si Roland Ducusin, 39.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nakabanga si Ducusin noong July 28, 2021 ng isang matandang
Intsik sa Wan Chai habang pauwi sila ng ina niya galing sa palengke, lulan ang
sasakyan ng kanilang amo.
Namatay ang biktima noong araw ding iyon.
Para sa
karagdagang detalye, matutunghayan ang nauna naming report dito: https://www.sunwebhk.com/2021/10/court-adjourns-case-vs-filipino-driver.html.
![]() |
PADALA NA! |
| ||