![]() |
Isa sa mga inarestong nagtatrabaho ng ilegal |
Apat na pinaghihinalaang employer at limang nagtatrabaho ng ilegal ang hinuli sa mga raid na isinagawa ng Immigration Department sa 63 na lugar sa nagdaang apat na araw.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Dalawa sa mga lalaki at isa sa babae ay nagtataglay ng
recognizance form, na nagbibigay pahintulot sa kanilang manirahan sa Hong Kong
habang pinag-aaralan ang kanilang hiling na huwag pauuwiin sa kanilang bansa nang
sapilitan - pero pinagbabawalan silang magtrabaho.
Naganap ang panghuhuli nang ilunsad ng Immigration ang
operasyong tinawag nilang "Lightshadow"
at "Twilight" noong June 20-23.
![]() |
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Kasunod nito, inulit ng Immigration ang paalala sa mga
employer na huwag umupa ng mga taong hindi pinapayagan na magtrabaho sa Hong Kong. Mahigpit daw kasing ipinatutupad ang polisiyang ito.
![]() |
Press for details |
Ipinaalala rin sa kanila ang parusa sa mga nagkasala -- multang
itinaas sa $500,000 mula sa $350,000 at pagkakakulong ng hanggang 10 taon.
Sa isang pahayag, sinabi rin ng Immigration ang parusa sa
mga ilegal na nagtatrabaho: multa na hanggang $50,000 at pagkakakulong ng
hanggang dalawang taon.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kasama sa mga bawal magtrabaho sa Hong Kong ay ang mga illegal
immigrant o pumasok sa Hong Kong nang walang pahintulot, mga turista, overstayer o may deportation order.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
CALL US! |