![]() |
Ang Victoria Harbor ngayong gabi. Kuha ng HK Observatory. |
Isang maaraw at maiinit na Linggo ang naghihintay sa karamihan ng mga OFW na nakatakdang mag-day-off bukas (Linggo).
At hindi lang mainit ang panahon kundi sobrang init, ayon sa Hong Kong Observatory.
Mula sa ika-10 ng umaga, aasahang aakyat ang temperatura ng hanggang 33 degrees Celsius sa mga urban center gaya ng Central at hanggang 35 sa New Territories, at ang nakasusunog na ultraviolet index na 12 sa bandang ika-1 ng hapon.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() | |
|
Pagtutuloy lamang ito sa mainit na panahon sa nakalipas na linggo.
Ayon sa Observatory, naitala ang pinakamataas na temperatura sa taong ito kaninang hapon, sa 33.8 Celsius.
Kaya naman ilang araw na ang “Very Hot Weather Warning” ng Observatry, na nagbababala sa mga tao na mag-ingat kapag lalabas sa arawan, at bantayan ang sarili laban sa heatstroke, na may sintomas na gaya ng pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, kakapusan ng paghinga at pagkalito.
![]() |
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Kapag nakaranas ng ganito, magpahinga sa lilim at agad
humingi ng tulong.
Ang payo pa ng Observatoiry para maiwasan ang epekto ng init
sa katawan ay uminom ng maraming tubig at huwag magpagod sa ilalim ng araw.
Kung may kakaibang nararamdaman, magpahinga agad sa lilim.
Upang makaiwas sa init, lumabas lamang tuwing umaga at hapon, o sa mga oras na mas malamig ang panahon.
Kung walang aircon sa tinutuluyan, buksan ang bintana upang pumasok
ang hangin at hindi makulob ang init.
![]() |
Press for details |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Upang mabawasaan ang pagkasunog ng balat, iwasang maarawan nang matagal, magdala ng payong o sombrero, magsuot ng puti at iba pang matingkad na kulay na damit na mahaba ang manggas at gumamit ng sunscreen na may SPF (sun protecting factor) na 15 o mas mataas.
Ang matatanda at may sakit ay dapat ding huwag nang lumabas.
Nakakaranas ang Hong Kong ng ganitong init hindi lang dahil
summer ngayon, pero dahil may “anticyclone“ na pumipigil sa pagbuo ng mga ulap
sa himpapawid ng timog ng China, na kasama ang Hong Kong, ayon sa Observatory.
Inaasahang manatiling mainit
ang panahon hanggang Miyerkules, na magiging maulap. Magsisimulang makakaranas
ng manaka-nakang ambon simula sa Biyernes at magiging maulan sa kasunod na Martes.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
CALL US! |