![]() |
Ang pasukan sa Sea View Villas, Sai Kung. Image mula sa Google Maps. |
Isang Pilipinang domestic helper ang natagpuang patay kaninang umaga sa Sea View Villas, Sai Kung.
Hindi agad ibinigay ng tagapag-salita ng Police ang pangalan
ng Pilipina, 48 taong gulang.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi pa rin natatanggap ng Overseas Workers Welfare Administration
(OWWA) ang opisyal na report tungkol sa
kinahinatnan niya, ayon kay Welfare Officer Virsie Tamayao.
Sinabi ng pulis na tumawag ang amo ng Pilipina sa emergency
number na 999 bandang 10:23 ng umaga upang ireport na natagpuan niya ang
katulong na walang malay sa kanyang silid.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga tauhan ng ambulansiyang dumating makalipas ng ilang minuto ay kinumpirmang
patay na ang Pilipina.
Dahil hindi pa na natutukoy ang sanhi ng kamatayan, inireport
nila ang insidente bilang “dead body found”.
Samantala, isa pang domestic helper ang nag-collapse habang
nagtatrabaho sa Wong Tai Sin kanna ring umaga.
Hindi masabi ng pulis ang bayang pinanggalingan niya, pero
dahil ang edad niya ay 22, malamang na siya ay Indonesian.
![]() |
Press for details |
Ayon sa batas sa Pilipinas, hindi pwedeng magtrabaho bilang OFW
ang isang Pilipina kung wala pang 23 taong gulang.
Sinabi ng pulis na tumawag ang kanyang employer sa 999 nang makita
siyang nakahiga sa sahig mga 9:10 ng umaga.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nauna rito, nag-reklamo ang helper na masakit ang kanyang
ulo at nagdudugo ang ilong.
Dinala siya ng ambulansiya sa Queen Elizabeth Hospital at doon
na siya nagkamalay.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
CALL US! |