Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 Pinay na nahuli sa raid ng Immigration, kulong ng 15 buwan

22 August 2022

Ang operasyon ng Immigration kung kailan kabilang sa mga naaresto ang 2 akusado

Dalawang Pilipinang nahuli sa Tsim Sha Tsui sa isang operasyon ng Immigration Department laban sa ilegal na pagtarabaho ang nahatulan ngayon (Aug. 22) ng pagkabilanggo ng tig-15 buwan.

Tatlong kaso ang inamin ni Maricar Gueta, 52, at lima ang inako ni Merlyn Ibon, 61, na nahuling nagtatrabaho bilang taga-hugas ng pinggan sa isang restaurant na ni-raid ng mga Immigration officer noong July 7, kahit matagal nang walang bisa ang kanilang visa bilang domestic helper.

Kasama sila sa 14 na trabahador at pitong employer na inaresto sa operasyon ng Immigration na may code name na "Lightshadow" at "Twilight" noong July 4-7 sa 64 na target na lugar na gaya ng kainan, bagsakan ng basura, mga ipinapagawang lugar, at mga tindahan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dalawa ay umamin sa harap ni Acting Principal Magistrate David Cheung Chi-wai sa Shatin Magistracy.

Sa walong kasong iniharap sa dalawa, na may iba’t ibang sentensiya na pagdurusahan nila nang magkakasabay, ang pinakamabigat na parusang pagkabilanggo ng 15 buwan ay ipinataw sa kanila dahil sa ilegal na pagtatrabaho at, sa kaso ni Ibon, ang paggamit din ng HKID ng isang permanent resident upang makakuha ng trabaho.

Pinarusahan si Gueta ng 12 linggong pagkabilanggo sa una niyang kaso, ang overstaying, dahil hindi siya umalis ng Hong Kong sa dalawang linggong ibinigay sa kanya matapos siyang ma-sisante noong Aug 31, 2016. Mahigit limang taon nang paso ang kanyang visa nang mahuli. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa pangalawang kaso niya, si Gueta ay pinarusahan ng 15 buwang pagkabilanggo dahil sa ilegal na trabaho, kung saan ang suweldo niya ay $18,000 sa isang buwan. Nagtrabaho siya mula 6 ng umaga hanggang 6 ng gabi, limang araw sa bawa’t linggo.

Ang pangatlo niyang kaso, na may parusang walong buwang pagkabilanggo, ay ang pagpapakita ng Hong Kong ID card na hindi sa kanya noong siya ay hinuhuli. 

Si Ibon naman ay naparusahan ng 10 buwang pagkabilanggo dahil nag-overstay siya nang mahigit 15 taon; pinayagan lang siyang manalagi sa Hong Kong hanggang January 11, 2007 pero hindi siya umalis hanggang siya ay nahuli. 


Idinagdag dito ang 15 buwang pagkakabilanggo dahil gumamit siya ng HKID ng isang permanent resident upang makakuha ng trabahong bawal sa kanyang wala nang visa. 

Ang ikalawang sentensiyang 15 buwan ni Ibon ay dahil sa pagtatrabaho nang ilegal, kung saan kumita siya ng $65 kada oras at nagtrabaho ng dalawang araw tuwing linggo bilang relyebo ni Gueta.

Ang ikaapat na kaso ni Ibon, na pinarusahan ng 12 buwang pagkabilanggo, ay ang pag-prisinta ng HKID ng ibang tao nang hinuhuli siya.

Press for details

Nadagdagan pa ng kaso ni Ibon nang makita sa kanyang locker ang isang pekeng HK ID, na nasa kanyang pangalan, kaya pinarusahan siya ng karagdagang 12 buwang pagkabilanggo.

Sa kanyang paghingi ng pagluluwag sa parusa, sinabi ng abogado ni Gueta na isa itong balo na nag-iisang sumusuporta sa kanyang dalawang anak na babae at kanyang magulang sa Pilipinas.

Sinabi nito na sumulat siya sa husgado upang ipahayag ang kanyang pagsisisi sa ginawa at ang kagustuhang umuwi na sa kanyang pamilya.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Sinabi naman ng abugado ni Ibon na siya ay hiwalay sa asawa at tanging sumusuporta sa kanyang dalawang anak at dalawang apo, at humihingi rin siya ng tawad.

Ang pag-amin ng dalawa ay naka-tipid sa oras ng husgado, dagdag nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
PRESS FOR DETAILS
Don't Miss