![]() |
Dinidinig ang kaso laban sa Pilipina sa Kwun Tong Court |
Isang Pilipina ang nahaharap sa kasong pananakit ng batang alaga matapos nya diumanong ipahiwatig sa among taga Tseung Kwan O na hindi na siya pipirma ng panibagong kontrata.
Inakusahan si Rizalee Oyson, 39, ng pananakit sa isang batang nasa kanyang kalinga at nagsanhi ng hindi kinakailangang paghihirap, na paglabag sa Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance.
Nagsimula ang kaso ni Oyson, na dinidinig sa Kwun Tong Magistracy,
nang biglang umiyak ang kanyang alagang bata, na apat na taong gulang, habang
pinaliliguan niya ito noong Nov. 19, 2021. Nagreklamo ito na masakit ang
kanyang ari.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Tumawag ng pulis ang ama ng bata at ipinaaresto si Oyson.
Pero ayon sa Pilipina, nangyari ito matapos siyang tanungin ng amo kung payag siyang pumirma ng bagong kontrata, dahil malapit nang matapos ang una, at tumanggi siya. Nakakita na rin siya ng among lilipatan, na suportado siya sa kasong ito.
Ayon sa kanyang pahayag sa pulis, sinabi ni Oyson na hindi
pa nagsisimula ang pagpapaligo at pinapapili na niya ang bata kung gusto niyang
maghugas sa sarili o gusto niyang si Oyson ang gumawa nito.
Sinabi rin niya na dati nang nagrereklamo ang bata na masakit ang kanyang ari magmula nang magtrabaho siya sa pamilya noong 2019, at lagi niyang sinasabi ito sa among babae.
Inutusan pa daw siya ng amo na linisin ang ari ng bata
gamit ang cotton bud na binasa sa maligamgam na tubig, bago pahiran ng Vaseline.
Ayon pa sa kanya, hindi lang siya ang gumagawa nito sa bata; ginagawa
din ito ng ina ng bata, ng lola at ng isa pang domestic helper kaya hindi
lingid sa kanila na mayroon nang ganitong sakit ang bata.
![]() |
Press for details |
Sa isa namang video interview, sinabi diumano ng bata na nasugatan
siya ng kaliwang kamay ni Oyson, na ayon sa isang doktor na gynecologist na kinunsulta ng amo
ay malamang sanhi ng mahabang kuko.
Sinabi ni Oyson hindi ito pwedeng mangyari dahil lahat silang
tatlong DH ng pamilya ay regular na pinapuputulan ng amo hindi lang ng kuko,
kundi pati buhok.
Ang video na ito ay hinihingi ng duty lawyer upang
pag-aralan, pero hindi pa ito natatanggap mula sa taga-usig simula pa noong
July 7, 2022 nang isinampa ng pulis ang kaso sa korte.
![]() |
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Sa pagdinig ngayon, humingi ng palugit ang abogado ni Oyson para
sa dagdag na payong legal at upang makahingi ng pondong pambayad sa isang
doktor (pediatrician), na susuri sa bata at magbibigay ng sariling testimonya.
Itinakda ni Principal Magistrate Bina Chainrai ang susunod
na pagdinig sa Oct. 24.
![]() |
PADALA NA! |