![]() |
Mananatiling malinis ang rekord ng Pilipina dahil sa hatol ng mahistrado sa Eastern Court. |
Isang Pilipinang hinuli ng pulis at kinasuhan ng pagnanakaw ng tig-isang pakete ng sushi at salad sa isang tindahan sa Central, ang pinawalang sala ngayon, Biyernes, sa Eastern Magistracy nang iurong ng taga-usig ang kaso laban sa kanya.
Tinanong ni Magistrate Edward Wong si N.Arellano., 45 na taong gulang, kung payag siyang tapusin na ang kaso sa pamamagitan ng
bind over, o pagbibigay ng pangakong hindi na magkakasala.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Nang sumagot ng oo ang domestic helper, na nagtatrabaho sa To
Kwa Wan, Kowloon, ay binigyan ito ng kondisyon upang manatiling malinis ang kanyang rekord sa Hong Kong -- ang hindi na siya magkakasalang muli
sa loob ng isang taon.
Kapag magkakasala siyang muli sa loob ng isang taon, pagbabayarin siya ng $500
at pagdudusahin sa parusa na para sa bagong pagkakasala.
![]() |
Press for details |
Bago rito, sinabi ng kanyang abogado na ipinaliwanang na
niya sa Pilipina ang mangyayari dahil pumayag ang taga-usig na hindi na ituloy
ang kaso laban sa kanya.
Nahuli si Arellano ng mga pulis noong Jul 24 sa
labas ng Market Place by Jasons sa Connaught Road, Central.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Nakuha sa kanya ang sushi at salad, na agad niyang inamin na hindi pa niya nababayaran. Hindi sinabi sa sakdal kung magkano ang halaga ng mga ito.
![]() |
PADALA NA! |