Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Libreng ticket sa Ferris Wheel ipamimigay sa mga DH

18 January 2023

 

Mamimigay ng libreng ticket sa HK Observation Wheel para sa mga domestic helper. (Li Ka Shing Foundation photo)

Ikaw ba ay domestic helper at gustong sumakay sa malaking Ferris Wheel sa tabi ng mga pier sa Central?

May pagkakataon kang mabigyan ng libreng ticket mula sa pinakamayamang tao sa Hong Kong: si Li Ka Shing.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa  Li Ka Shing Foundation, may 26,000 na ticket ang ipamimigay sa mga dayuhang kasambahay, mga doktor at iba pang nangalaga sa kalusugan ng mga taga-Hong Kong bilang pagkilala sa kanilang ambag, lalo na noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

“Napansin ni Mr. Li ang pagsisimula ng ‘New Year Festival’ sa Central mula sa kanyang opisina,” ika ng foundation.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad daw niyang tinawagan ang mga organizer upang magbigay ng 26,000 ticket para sa libreng sakay sa Ferris Wheel ng mga kasambahay, doktor at iba pang nangalaga sa Hong Kong noong pandemic.

“Ang pangangalaga sa ating kalusugang pisikal at mental, ang pagpapahalaga sa isa’t isa ay isang mahalagang regalo,” ika ni Li sa isang Facebook post ng kanyang foundation. “Binabati ko kayong lahat ng mapagpalang Bagong Taon.”

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
 

Sinabi ng Li Ka Shing Foundation na ang mga ticket ay ipapamudmod ng Hospital Authority para sa mga tauhang medical, sa Hong Kong Council of Social Service para sa tauhan ng mga serbisyong panlipunan at mga non-government organization (NGO) para sa mga DH.

Hindi tinukoy ng foundation ang inatasang mamudmod ng ticket sa mga DH.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Payo ng namamahala ng Hong Kong Observation Wheel, hintayin ang patalastas mula sa organisasyon na aatasan na mamigay ng ticket sa mga DH.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss