Ni Cris Cayat
![]() |
Umabot ng 3 oras ang pagsasanay dahil ayaw bitawan ng mga kasali ang kanilang ginantsilyo |
Sinamantala ng 21 kababaihang migrante ang
pagkakataon na dumalo sa “Crochet Workshop” na isinagawa ng grupong Guhit Kulay
sa Bayanihan Center sa Kennedy Town noong Jan. 15.
Pinangunahan ni Ellen Almacin, isang miyembro
ng Guhit Kulay, ang pagtuturo ng paggantsilyo.
Bagamat nauuso muli ngayon ang gantsilyo ay
nag-alala pa rin si Ellen kung may interesado ba sa isasagawa niyang pagsasanay
dahil hindi glamorosa ang ganitong gawain at tila mga may edad lang ang
interesado na gawin ito bilang pampalipas-oras.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero laking gulat
ni Ellen at iba pa niyang kasamahan sa Guhit Kulay dahil marami ang dumating kaya ang dating dalawang oras na itinalaga sa pagsasanay ay naging tatlong oras
dahil ayaw bitawan ng mga dumalo ang kanilang ginagantsilyo.
May mga ibang
gigil na gigil matuto ngunit dahil noong high school pa sila huling humawak ng
gantsilyo ay nahirapan silang kontrolin ang kanilang mga kamay. Pero mayroon din
namang sanay na gaya ni Luz Penaranda, na nakakagawa na ng takip ng kama, at
buong lugod na ibinahagi ang kanyang nalalaman sa iba pa niyang kasamahan.
Lahat ng dumalo
ay umuwi na may dalang hikaw na sila mismo ang gumawa. Katulad nito ang mga
ginagawa ngayon ni Ellen na lubos na hinahangaan ng mga sumusubaybay sa kanya
sa Facebook.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon kay Ellen,
nagsimula siyang maggantsilyo bago pa siya naging miyembro sa Guhit Kulay.
Nauna siyang nahilig gumawa ng iba-ibang accessories katulad ng hikaw, bag at
iba pa, gamit ang mga pull tabs sa mga de latang softdrinks.
Kalaunan ay
dinagdagan niya ng mga ginantsilyong parte ang kanyang mga produkto para lalo
silang maging mas kaaya-aya.
![]() |
Magandang libangan at tulong sa problema ang pag gantsilyo, sabi ni Ellen |
Naging malaking
tulong sa kanya ang mga nakikita nyang gawa ng mga taga Guhit Kulay at ang mga
napapanood nya sa YouTube.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon kay Ellen,
nais niyang ipagpatuloy na mapalago ang kanyang paggawa ng iba-ibang produkto
gamit ang mga natural o recycled na materyales. Sa paraang ito ay makakatulong
siya na mabawasan ang basura sa paligid.
Ang
paggagantsilyo at paglikha ng mga bagong gamit ay naging kanlungan daw niya sa mga
problema.
“Nakatulong ito
sa akin lalo na noong naghahanap ako ng ginhawa dahil sa pagpanaw ng aking
ama,” sabi niya.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kada buwan ay nagsasagawa ng libreng workshop ang Guhit Kulay bilang tulong sa mga migrante na naghahanap ng libangan.
Ang susunod na workshop ay nakatakda sa Pebrero 19, at ang kabuuang detalye ay makikita muli sa kanilang Facebook page na "Guhit Kulay."
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |
![]() |
CALL US! |