![]() |
Mga operatiba ng HK Customs sa isang raid |
Dumarami ang namimili ng iba’t ibang bagay sa mga online seller. Pero marami rin ang naloloko -- hindi dumating ang binili kahit nabayaran na, kung dumating man ay iba, o kaya ay peke ang produktong natanggap.
Kung karaniwan ay walang pumapansin sa mga reklamong ganito,
isang sangay ng gobyerno ang nagpapakita ng kahandaang tumulong sa mga biktima
ng panloloko, gumagamit man sila ng internet o hindi.
Noong April 20, isang lalaki ang inaresto ng mga ahente ng Customs and Excise Department (Hong Kong
Customs) dahil sa hindi nai-deliver na mga laruang inorder sa shop na kanyang pinatatakbo,
at hindi niya pag-sauli ng perang ibinayad sa kanya.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nauna rito, nakatanggap ang Customs ng reklamo tungkol sa
shop, na nagtitinda ng isang kilalang laruan na hugis-bear at binubuo ng pinag-kabi-kabit
na tipak ng plastic.
Ang lalaki ay kinasuhan ng paglabag sa Trade Descriptions
Ordinance (TDO).
Ang TDO ay isang batas na nagbabawal sa kahit kanino na
tumanggap ng bayad para sa isang produkto kung sa oras ng pagtanggap ng bayad
ay wala siyang intensiyong ibigay ang produkto o ibigay ang ibang produkto.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sakop din ng TDO ang kabiguang i-deliver ang produkto sa loob
ng napag-usapang panahon.
Umaaksiyon din ang HK Customs sa mga reklamo laban sa mga
nagtitinda ng pekeng produkto, na sakop din ng TDO.
Noong April 19, nagsagawa sila ng special operation sa Lam
Tin, Sham Shui Po, Kwai Chung, Tsuen Wan, Sha at Cheung Sha Wan at nakasamsam ng
2,000 piraso ng mga pekeng pabango, pampaganda at fashion accessories na nagkakahalaga
ng $240,000.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sampu katao ang inaresto sa mga raid, kasama ang dalawang nagpapatakbo
ng negosyo at walong nagtitinda.
Ayon sa HK Customs, ang mga may reklamo tungkol sa panlolokong
sakop ng TDO ay puwedeng tumawag sa kanilang 24-oras na hotline ( 2545 6182), o
magpadala ng mensahe sa kanilang email: crimereport@customs.gov.hk.
Ang payo nila upang mapabilis ang imbestigasyon ay itabi ang
mga dokumentong nagpapatunay sa transksiyong nangyari, gaya ng palitan ng text,
resibo at iba pa. Makatutulong ang mga ito sa pagsasampa ng kaso laban sa nagkasala.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |