Ni Marites Palma
![]() |
Ang aktor at pulitiko na si Cesar Montano habang ipinapakilala ang Elite Group (kapansin-pansin na wala ang pangalang Kalayaan Ball sa entablado) |
Nakatakdang pulungin ng Konsulado ang mga pasimuno
sa “Kalayaan Ball” noong nakaraang Linggo, June 25, sa Tao Heung Restaurant sa
Causeway Bay, matapos maglabasan sa social media ang reklamo ng mga dumalo dahil
sa lantarang pagnenegosyo ng isang sponsor sa pagtitipon.
Napalitan ng panghihinayang at sama ng loob ang
dapat sanang masayang kuwentuhan,
kainan, kantahan at sayawan dahil tatlong taon ding walang naganap na Kalayaan
Ball dahil Sa Covid-19.
Ayon kay Consul General Raly Tejada, "The
Consulate will meet the organizers next weekend to find out what happened. We
understand that many felt disappointed as expectations were not met. This is
indeed unfortunate."
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Bukod sa hindi inaasahang “business seminar” ng
Elite Club Pinoy Hong Kong na tumagal ng mahigit dalawang oras, marami ang nagreklamo
sa kakulangan diumano ng pagkain at inumin sa naturang pagtitipon, gayong
pinagbayad naman sila ng tig $220 para sa tanghalian.
"Kalayaan Ball or Elite Seminar? Nabudol ako,
kami, tayo!!!” Ito ang isa sa mga mabilis na kumalat na post sa Facebook mula
kay Fayeh Guevarra ng Philippine Alliance.
Ayon kay Guevarra na isa sa mga naatasang mangolekta
ng bayad mula sa mga dumalo, napahiya daw siya sa nangyari dahil marami ang
gumastos pa para sa makeup at espesyal na damit na sinuot sa okasyon, pero natali
lang sa kani-kanilang mga upuan para makinig sa seminar.
![]() |
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Marami din daw ang ginutom, kaya nagpuntahan sila sa
kalapit na McDonald’s pagkatapos ng salo-salo.
Ganoon na lang din ang sama niya nang loob nang
sabihin ng bisitang comedienne na si Boobsie na bayad ng Elite ang kanilang
kinain.
“Booooo, mahal ang binayaran namin. Kau mga Elite
people ang nagpasasa sa libre. Ginawa nyong gatasan ang mga OFW sa HK,” sabi ni
Guevarra sa kanyang post.
![]() |
Kitang-kita ang pagsisiksikan ng mga dumalo sa kuhang ito ni Marie Rivera |
Ayon naman kay Toni Ramos ng Angat Pinknoy, “Lahat
nabudol, ang mga costume namin pinaghirapan namin bilhin, tapos ang dadatnan mo
seminar. Ni walang drinks na mainom, bagkus mainit na tubig. So disappointed
talaga.”
Dagdag niya, kung business presentation o seminar
ang isasagawa, dapat libre na ang dadalo dahil mahihirapan silang manghatak ng mga
tao. Nakakasama daw ng loob na ginawa ito sa mismong Kalayaan Ball para
masiguro na maraming tao.
Mapapansin din sa mga litrato na sa halip na "Kalayaan Ball" ang nasa backdrop ng entablado ay pangalan ng Elite Club ang makikita.
![]() |
Halata ang pagkabahala ni Selomenio (kaliwa) sa kuhang ito ni Jenny Gafate |
Ayon naman kay Leo Selomenio, chairman ng Global
Alliance na siyang tumayong organizer ng kasiyahan, ang sponsor na Elite Group
ang hindi sumunod sa usapan na isa’t kalahating oras lang sila magpo promote ng
kanilang negosyo kaya nagulo ang programa.
Inamin ni Selomenio na nagpadala ng Php100,000 (mga
HK$15,000) ang Elite sa kanyang bank account na ayon sa kasunduan ng kaniyang
grupo ay gagamitin para sa $50 na “subsidy” sa bawat OFW na dadalo.
Dahil $250 ang pinakamurang singil ng mga
napagtanungan nilang mga restaurant ay minabuti nilang maningil nang tig $220
para may ekstrang perang pambayad para sa mga espesyal nilang panauhin.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang usapan daw nila ng Elite ay ipakilala lang nila
ang kanilang grupo at magdadala ng mga entertainers (bukod kay Boobsie ay
dumalo sina Cesar Montano at Jay Manalo) kaya binigyan sila ng oras na
11am-12:30pm.
“Pero ang nangyari from 12 to 2 pm nag promote sila
at hindi na pumasok mga performers. Ang mga artista hindi naman nag perform
kundi nag promote na rin,” himutok niya.
Sinubukan daw niyang patigilin ang grupo, at hindi
lang 10 beses siyang nagpabalik-balik sa kanila para makiusap pero hindi sila
sumunod. Nang tanggalan daw sila ng mic bandang 2pm ay nagalit pa ang mga ito
kaya hindi na niya nasingil ang kulang sa “subsidy” na pinangako nila.
![]() |
BASAHIN DITO |
Ang inamin niyang mali ng kanyang grupo ay tumanggap
sila ng maraming dumalo kaya nagsiksikan sila sa loob.
Dahil umabot sa mahigit 600 ang dumalo, imbes sa 300
na inaasahan, ay umabot sa 56 mesa na may tig-12 katao ang napuno nang araw na
iyon. Ang singil sa bawat mesa ay $3,000, kaya umabot sa mahigit $198,000 ang binayaran
nila, na lampas sa kabuuang halagang nakolekta nila.
![]() |
Resibo para sa binayaran sa restaurant, mula kay Selomenio |
Ang kinalabasan, kinailangan pa daw niyang mangutang
sa kanyang leaders para may pampuno sa ibinayad sa kainan. Nagpakita siya ng
resibo para patunayan kung magkano ang binayad nila sa kabuuan.
“On our part, we wholeheartedly apologize for our
shortcomings pero we didn’t intend na mangloko ng kapwa, na base sa mga post,”
sabi ni Selomenio.
Dagdag pa niya, hindi naman nakuhanan ng pera ang
mga dumalo para masabi nilang na-scam sila.
Hindi na rin daw nila kasalanan kung naunsyami ang pagrarampa
ng ilan sa mga dumalo nang naka ball gown dahil “semi-formal” lang ang
nakalagay na dress code.
Gayunpaman, nakaugalian na ng mga OFW na dumadalo sa
“Kalayaan Ball” na magpabongga nang husto dahil ito lang sa buong isang taon na
nagkakaroon sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang pinaka magarang
Filipiniana na kasuotan.
Ang “Kalayaan Ball” ay inumpisahan ng grupong
Philippine Alliance ilang taon na ang nakakaraan para magkaroon ng pagkakataon
ang mga OFW na magsalo-salo at pumorma sa isang araw ng Linggo para ipagdiwang
ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ginaganap ito pagkatapos ng Independence Day Ball na
ilang dekada nang isinasagawa ng Philippine Association of Hong Kong, na
binubuo ng mga Pilipinong residente dito; at ang kasunod na maghapong pagdiriwang
sa Chater Road sa Central.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |