![]() |
Ang poster para sa 'job fair' na magpapatuloy bukas, Aug 23 |
Isang libreng "job fair" para sa mga ethnic minorities o mga residente na hindi Intsik ang lahi, ang binuksan ng Labour Department kanina sa MacPherson Stadium sa Mong Kok.
Ang pasinaya, kung
saan 43 kumpanya ang lumahok para mag-alok ng trabaho sa mga kwalipikadong aplikante, lalo na ang mga EMs, ay tatagal hanggang bukas. Bukas ito mula 11am hanggang
5:30pm.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kasali din ang mga
kinatawan ng HK Police at Correctional Services Department para paliwanagan ang
mga interesado, kung paano makakapasok bilang pulis o bantay sa mga preso na
pinapatakbo ng CSD.
Ayon sa Commissioner
for Labour na si May Chan, tumaas ng mahigit 53% ang bilang ng mga EM sa Hong
Kong, na 300,000 na ang dami ngayon. Hindi kabilang dito ang mga foreign
domestic helper na mahigit pa rito ang bilang.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Dahil sa dami ng mga local
na residente na umaalis sa Hong Kong ngayon ay binaling ng Labour Department
ang pag-aalok ng trabaho sa mga EM, sa pamamagitan ng Racial Employment
Programme.
Sa tulong ng mga
non-government organizations o NGO ay may 810 EMs na ang sumali sa programang
ito simula noong Nobyembre ng 2020, 483 sa kanila ang tagumpay na nakahanap, o
nakalipat ng trabaho.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sabi ng isang kawani
ng CSD, inaasahan nilang dadami pa ang mga EM na sasali sa job fair sa taong ito.
Malaking tulong daw sila para mapanatili ang katiwasayan sa mga kulungan dahil
nababawasan ang sigalot sa pagitan ng mga bantay at mga EM na preso.
Ang mga kukuning EM ay
tatratuhin daw na katulad ng mga local na Instik. Kailangan nilang ipasa ang
pagsusulit para sa English at Chinese sa HKDSE, na kailangang kunin ng mga
nagtapos ng high school para makapasok sa kolehiyo.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pero dahil alam nila
na medyo mahihirapan ang mga EM sa pagsusulit sa Intsik ay maaring tanggapin
din ng CSD ang gradong nakuha nila sa GCE at IB, na hindi nangangailangan ng
parehong antas ng husay sa lenggwahe katulad ng sa DSE.
Ang mga dadalo ay
aalalayan ng mga tagasalin ng lenggwahe o interpreter kung kinakailangan, para
mas maintindihan nila ang mga inaalok na trabaho sa pasinaya.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
May magbabahagi din ng
impormasyon tungkol sa mga libreng pagsasanay para sa mga alok na trabaho.
Ang mga may tanong ay maaring tumawag sa tel no 2153 3985.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |