![]() |
Kinasuhan ang Pilipina ng pagbibigay ng maling report sa pulis |
Dahil sa pagsusumbong sa pulis na may naganap na panloloob at pagnanakaw, isang Pilipina ang nahaharap sa kaso sa Eastern Court dahil hindi pala totoo ang kanyang ini-report.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa charge sheet, nagpunta si Soledad Solomon, 53 taong
gulang, sa Wanchai Police Station noong Dec. 13, 2022 at ini-report sa isang pulis
na may taong nanloob.
Hindi binanggit sa korte ang mga detalye ng kaso dahil, ayon
sa taga-usig, hindi pa nakukumpleto ang imbestigasyon.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Matapos tawagin si Solomon sa harap ni Principal Magistrate
Ivy Chui, hiniling ng taga-usig na ipagpaliban ang kaso dahil hinihintay pa nila
ang payong legal ng Department of Justice.
Hindi tumutol ng abogadong nagtatanggol kay Solomon at
itinakda ni Magistrate Hui ang susunod na pagdinig sa Sept. 26.
Itinuloy ang piyansa niyang $2,000.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ayon sa Section 64(a) ng Police Force Ordinance, na ginamit
na batayan ng kaso, ang pagbibigay ng hindi totoong report sa pulis ay isang
krimen na may parusang multa na hanggang $2,000 at pagkabilanggo na aabot sa
anim na buwan.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |