![]() |
| Consul Saret: “Gusto natin silang turuan ng leksyon.” |
Inulit ng Konsulado kanina ang payo na huwag isangla ang passport dahil ito ay labag sa batas at may karampatang parusa.
“Ang inyong passport ay pag-aari ng Republika ng Pilipinas,”
paliwanag ni Consul Paul Saret sa Iwas Utang, Iwas Scam seminar ng The SUN at
Kasambuhay Foundation, na ginawa sa Konsulado para sa mga lider ng Filipino
community. “Paano ninyo maisasangla ang hindi inyo?”
![]() |
| PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sinabi ni Consul Saret na sa unang beses na mahuli ang mga
nagsangla ng kanilang passport, ang ipapalit na passport ay may bisang limang
taon lamang, imbes na karaniwang 10 taon.
Ibibigay lang ang bagong passport kapalit ng pangakong hindi
na nila ito isasangla.
![]() |
| PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Kaso, base sa aming experience, naisangla na , naibalik na,
tapos pagbalik sa amin, nakasanla ulit,” dagdag ni Consul Saret.
Ang parusa sa ganito ay hindi na sila bibigyan ng passport
sa Hong Kong. Kung magkaroon sila ng emergency at kinailangan nilang umuwi sa
Pilipinas, bibigyan lang sila ng one-way travel document.
![]() |
| Pindutin para sa detalye |
“Gusto natin silang turuan ng leksyon,” ika niya.
Kaya upang makabalik sila sa Hong Kong, kailangan nilang magpunta
sa opisina ng Director of Passports ng
Department of Foreign Affairs sa Manila, at doon magpaliwanag kung dapat silang
bigyan ulit ng passport. Kung minsan, pinapasa pa sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso.
![]() |
| PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil dito, malamang hindi umabot ang bagong passport sa
kanilang nakatakdang lipad pabalik – kung makumbinsi nila ang DFA na
karapat-dapat nga sila.
Ang pagkabigo nilang bumalik sa trabaho sa takdang araw ay
baka maging sanhi ng kanilang termination.
![]() |
| BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang panuntunang ito ay ipinatutupad noon pang 2018, aniya.
Sa taong iyon, ay ni-raid ng pulis ang isang loanshark at
nasamsam sa kanya ang 800 na nakasanglang passport, na karamihan ay Pilipino at Indonesian.
![]() |
| BASAHIN ANG DETALYE |
“Dahil dito, humingi kami ng guidelines mula sa DFA, at ito
ang tugon namin sa mga hindi nadadala,” dagdag ni Saret.
Ang tungkol sa pagsasangla ng pasaporte ay isa lamang sa mga mahahalagang usapin na tinalakay sa seminar, na dinaluhan ng 30 lider mula sa 17 malalaking organisasyon ng mga migranteng manggagawa sa Hong Kong, kabilang ang United Filipinos in Hong Kong, Domestic Workers Corner, Social Justice for Migrant Workers, Federation of Luzon Active Groups, Philippine Alliance, UMELA HK, Guhit Kulay at Philippine Association of Hong Kong.
![]() |
| PADALA NA! |
![]() |
| PRESS FOR DETAILS |








.jpg)