Itutuloy ang pagdinig sa kaso sa Oct. 19 |
Isang sabwatan gamit ang pekeng kontrata sa paglinlang sa Immigration Department para mabigyan ng Domestic Helper visa ang isang Pilipina ang nabunyag sa Shatin Court kahapon (Aug. 24).
Humarap sa korte si Kathleen Vergara, 34 taong gulang, upang
harapin ang akusasyon na nakipag-sabwatan siya sa isang Mariel Arante, na pumirma diumano sa pekeng kontrata bilang domestic helper at isang Chan Mei Jien bilang
employer. Hindi kasama ang dalawa sa kasong ito.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Si Vergara ay inakusahang nagpasok ng pekeng kontrata sa
Immigration, na nagresulta ng pagbibigay ng visa kay Arante, kahit hindi dapat.
Ayon sa kaso, nilinlang niya ang Director ng Immigration at
kanyang mga tauhan nang sabihin niya sa kanila noong Mayo 2021 na si Arante ay
magtatrabaho bilang DH kay Chan.
Nang mabisto noong March 14 na hindi ito totoo, inaresto si Vergara ng Ngau Tau Kok Police.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero dahil kailangan pa ng dagdag na imbestigasyon sa kaso
at may mga lumilitaw pang mga bagong saksi, hiningi ng taga-usig ng dalawang
buwang pagpapaliban sa pagdinig
Sumang-ayon dito si Acting Principal Magistrate Kei-hong
Cheang at itinakda ang susunod na pagdinig sa Oct. 19.
Hiniling rin ng taga-usig na ituloy ang $2,000 na piyansa ni
Vergara, pero may karagdagang kondisyon: na hindi siya makikipag-usap sa mga
testigo, at magiging testigo sa kaso.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang abogado naman ni Vergara ay nagreklamo na hindi kumpleto
ang mga dokumento sa kaso na naibigay sa kanya.
Inutusan ni Magistrate Cheang ang taga-usig na bigyan siya
ng kopya ng mga dokumentong pwede nang ipasa, pero nag-paalala ito na talagang
matagal mabuo ang mga dokumento dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |