![]() |
Sa District Court hinain ang kaso dahil seryosong krimen ang paggamit ng pekeng pera |
Dahil sa anim na piraso ng pekeng $500 na nasamsam sa kanya, isang Pilipina ang nasa kulungan ngayon matapos siyang ipaaresto sa District Court.
Hindi sinipot ni Gladys de Vera, 40 taong gulang, ang naunang pagdinig ng kanyang kaso kaya nagpatawag ng pagdinig si Judge C.P. Pang kanina para iutos ang pag-aresto sa kanya.
Hndi rin siya pinayagang magpiyansa hanggang sa susunod na pagdinig sa Nov. 21.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kasong isinampa ng Department of Justice, nahuli si de Vera sa Exit A ng Yau Ma Tei MTR Station noong July 10, 2022 na nagpapasa ng pekeng $500 bills.
Inakusahan si de Vera ng paglabag sa Section 99(1)(a) ng Crime Ordinance na nagtatakda ng pagkabilanggo ng hanggang 14 na taon.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinaparusahan sa ilalim ng batas na ito ang sinuman na magpapasa ng mga barya o papel na pera na alam niyang peke.
![]() |
Pindutin dito para sa iba pang mga detalye! |
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
CALL US! |