Nahatulan kanina ng 10 araw na pagkabilanggo ang isang Pilipinang domestic helper matapos siyang umamin sa Eastern Court na nagnakaw ng $500 sa kanyang among taga Happy Valley.
Sinabi ng abogado ni Cheryl Depalog, 42 taong gulang, na
nakapagnakaw siya dahil natukso ito. Kinailangan daw kasi niya ng pera upang maipagamot
ang kanyang inang paralisado.
![]() |
| PINDUTIN DITO! |
Naibalik ang pera sa amo, at nagsisisi si Depalog sa nagawa,
dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Principal Magistrate Ivy Chui na ang ginawa
ni Depalog ay paglabag sa pagtitiwala ng amo, maliban sa paglabag sa Theft
Ordinance sa nagtatakda ng parusang pagkakulong na aabot sa 10 taon.
![]() |
| PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero dahil sa maliit
na halaga lang ang ninakaw at sa mga dahilang nabanggit ng abogado, sinimulan ni
Magistrate Chui ang parusa sa 15 araw, na nabawasan ng 1/3 dahil sa pag-amin ni
Depalog.
Naganap ang nakawan sa bahay ng among si Ho Yuk-wah sa The
Leighton Hill sa Happy Valley noong Nov. 6.
![]() |
| BASAHIN ANG DETALYE |
Napansin umano ng amo na may nawawalang $500 sa kanyang
wallet kaya tumawag ito ng pulis. Nakita ang pera kay Depalog at ginawang
ebidensiya.
![]() |
| PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
| PADALA NA! |
![]() |
| PRESS FOR DETAILS |






.jpg)