![]() |
Pinatuyong marijuana (DEA photo). |
Isang asylum seeker ang nahatulan kanina sa Eastern Court ng tatlong buwan at isang linggong kulong matapos umaming nagbenta siya ng 4.02 gramo ng pinatuyong marijuana.
Nahuli si Francis Vivas, 27 taong gulang, noong Sept. 18 nang
bentahan niya ng “damo”ang isang nakabihis-sibilyan, na pulis na nagbayad sa
kanya ng $650 na marked money.
![]() |
PINDUTIN DITO! |
Naganap ang transaksyon sa Johnston Road sa Wanchai.
Kinasuhan siya ng trafficking in dangerous drugs, na paglabag
sa Dangeros Drugs Ordinance, at hinatulan siya ni Principal Magistrate
Ivy Chui ng tatlong buwang kulong.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero lumabas sa pagdinig na may nakaraang kaso si Vivas at
nahatulan siya ng pitong araw na pagkabilanggo na suspendido nang dalawang taon
-- na hindi pa natatapos nang makasuhan siyang muli.
Kaya idinagdag ito ni Magistrate Chui sa kanyang sentensiya,
kaya naging tatlong buwan at isang linggo.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Nauna rito, hiniling ng abogado ni Vivas na luwagan ang
parusa sa kanya, dahil kakaunti naman ang marijuana na nasamsam sa kanya.
Pero sinabi Chui na hindi maiiwasan ang mabigat na parusa, kahit anong
klase ang droga at kahit gaano kaliit ito, kung ito ay inilalako.
Sinimulan niya ang parusa sa apat at kalahating buwang
pagkabilanggo, pero binawasan niya ito ng 1/3 dahil sa pag-amin ni Vivas.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |