![]() |
Humarap ang 2 Pilipina sa korte sa Shatin |
Dalawang Pilipinang domestic helper na nahuling nagtatrabaho bilang waitress sa isang restaurant sa Tung Chung, ang nahatulang makulong ng dalawang buwan matapos silang umamin sa kasong pagtatrabaho nang ilegal sa isang pagdinig kanina sa Shatin Court.
Parehong sinampahan sina Charisse Infante, at Cherry
Villavicencio ng tig-isang kasong paglabag sa kondisyon sa kanilang paglalagi
sa Hong Kong matapos silang mahuli ng mga tauhan ng Immigration Deparment noong
Nov. 5.
![]() |
PINDUTIN DITO! |
Wala rin silang maipakitang pasaporte.
Ayon sa Immigration Ordinance, ang ganitong pagkakasala ay
pinarurusahan ng multang aabot sa $50,000 at pagkakulong ng hanggang dalawang
taon.
Ayon sa asuntong inilatag ng Immigration Department, si
Infante ay nabigyan ng visa bilang domestic helper noong Dec. 22, 2022.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang kondisyong nakakabit dito ay ang pagtatrabaho lamang niya
bilang domestic helper sa bahay ng kanyang amo.
Ganoon din ang kondisyong ibinigay kay Villavicencio nang
bigyan siya ng karapatang manirahan sa Hong Kong nitong Oct. 13 lang.
Hindi nilinaw sa korte kung bakit nakapagtrabaho sila bilang waitress gayong may nakapirmang amo sa kanila.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ayon sa kanilang abogado, si Infante ay napilitang magtrabaho ng bawal dahil sa nangailangan ng perang pampaaral sa kanyang mga anak.
Ang dahilan naman ni Villavicencio ay nagkasakit ang kanyang ina sa Pilipinas at nangailangan ng perang pampagamot.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |