![]() |
Natigil ang taunang paligsahan ng tatlong taon dahil sa pagkalat ng Covid-19 |
Inilunsad na ang PaSTARan, ang paligsahan ng paggawa ng parol para sa mga organisasyong Pilipino sa Hong Kong, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko at upang mabigyan ng pagkakataong maipakita ng mga Pilipino ang kanilang pagka-malikhain.
Inimbitahan ng Konsulado ng Pilipinas ang
lahat ng mga grupo sa the Filipino community na magpatala sa Cultural Section
ng Konsulado mula Nov. 12 hanggang Dec. 3.
Ang magwawagi ay malalaman sa isang Christmas Eve Program sa
Bayahinan Center sa Kennedy Town sa 8-10pm ng Dec. 24, bago ang Misa de
Aguinaldo na magsisimula sa 10:30pm.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga premyong nakataya ay:
Grand Winner -- $5,000
1st Runner Up -- $3,000
2nd Runner Up -- $2,000
People’s Choice Award -- $1,000
![]() |
PINDUTIN DITO! |
Ang mga patakaran sa paligsahan:
• Ang mga kalahok na parol ay dapat gawa sa mga
"recycled" na kagamitan or materyales. Ang bawa’t parol ay dapat gawa
sa 70% o mas mataas na recycled na materyales.
• Hindi dapat lumagpas ang sukat na may dyametrong nasa
pagitan ng kalahating metro (0.5 m) at isang metro (1 m).
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
• De-baterya ang mga pailaw at "stand-alone" o
kaya ay may sariling tuntungan/sabitan ang mga kalahok na parol.
• Isang parol lamang ang maaring isali ng bawat
organisasyon.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Katulong ng Konsulado sa proyekto ang LBC at ang Chaplaincy
for the Filipino Migrants in Hong Kong.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |