Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pilipina at hawak na sanggol, sugatan matapos tumalsik sa kotse

27 November 2023

 

Tolo Highway

Dapat ay naka-seatbelt ang lahat ng pasahero sa kotse kapag ito ay umaandar, kahit nasa likurang upuan sila nakaupo.

Ito ang naging aral para sa isang 28 taong gulang na Pilipina na tumalsik kahapon, kasama ang alagang 8 buwan lang, mula sa kotseng minamaneho ng kanyang amo nang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan at sumalpok sa isang road divider sa Tolo Highway sa Tai Po.

PINDUTIN DITO!

Ang dahilan ay hindi naka-seatbelt ang Pilipina, na nasa likurang upuan at kalong ang sanggol, nang  tumalsik palabas matapos bumukas ang kaliwang pinto sa tabi niya. 

Kasalukuyan pa ring nasa kritikal na kalagayan ang sanggol samantalang nilista naman na "serious" ang kalagayan ng Pilipina kagabi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa report, sandaling nahilo ang hindi-pinangalanang Pilipina matapos ang aksidente at nasugatan sa ulo, braso at binti. 

Pero ang bata, na nasugatan sa dibdib, ulo at braso at itinakbo sa ospital na may neck brace, ay inireport kanina na nasa kritikal na kondisyon sa Prince of Wales Hospital.

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon sa HK Police, may isa pang Pilipina na sakay ng kotse, na 27 taong gulang naman. Dinala siya at ang among lalaki na nagmamaneho ng sasakyan sa Alice Ho Miu Ling Nethersole Hospital sa Tai Po.

Samantala, sa Prince of Wales Hospital sa Shatin naman itinakbo ang sanggol, ang kanyang yaya at ina na 32 taong gulang, at nagreklamong masakit ang dibdib.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinasuhan kanina ng pulis ang among lalaki na 52 taong gulang, at nakatakdang bumalik sa korte sa Enero.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss