Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

‘T-back queen, nanghingi ng dispensa dahil sa viral video

16 November 2023

 

Balot na balot si 'T-back Queen' nang humingi ng dispensa gamit ang Facebook

Sa loob lang ng ilang araw ay biglang gumuho ang umaapaw na tiwala sa sarili ng isang Pilipinang domestic helper na ginamit ang pangalang “T-back Queen” sa Facebook at buong pagmamalaking gumagala-gala dati sa Hong Kong na kakaunti ang saplot sa katawan.

Kahapon, ika-15 ng Nobyembre ay buong pagpapakumbaba itong humingi ng paumanhin matapos kumalat ang isang video na siya mismo ang kumuha at nagpapakita sa kanya habang nasa kama kasama ang isang Intsik na lalaki na nilalaro ang kanyang mayamang dibdib.

Ayon sa Pilipina na ayon sa ilang kakilala ay Cherry daw ang tunay na pangalan, 41 taong gulang at may asawa’t anak sa Pilipinas, pinost niya sa Tiktok ang video pero naka private daw ang setting, at hindi niya alam kung sino ang naka hack nito at nagpakalat.

PINDUTIN DITO!

“Humihingi ako ng paumanhin at sorry sa lahat. Alam kong mali ang ginawa ko,” ang sabi ni Cherry na balot na balot ang katawan, taliwas sa mga litrato na pino post niya dati sa mismong Facebook account niya na nakalabas ang T-back panties sa suot na maiksing shorts, at madalas na bra lang ang pantaas.

 “Humihingi ako ng tawad so please, huwag na po ninyong i-share yung video ko,” dagdag pa niya. “Wala akong sinendan ng video na yan, akin lang talaga.”

Kasabay ng pagkalat ng video at iba pang mga litrato na galing sa kanyang TikTok account ang pagtanggal niya ng kanyang Facebook account gamit ang pangalang T-back Queen.

Nabahala ang nag-post ng litratong ito ni T-back Queen na namamasyal sa Word-Wide Plaza

Nangyari ang pagkalat ng video ilang araw matapos maglabasan ang mga litrato niya na buong tapang na rumampa sa isang car show sa Chater Road noong Nov. 7, na ang tanging suot ay isang maiksing shorts na butas ang magkabilang gilid at tinernuhan ng backless na brang maong.

Pagkatapos niyang magpakuha ng litrato sa itaas ng kotseng naka display doon ay lumakad naman siya papasok sa siksikang WorldWide Plaza kung saan di iilan katao ang hindi nakatiis na kunan siya ng litrato at ipost ang mga ito sa Facebook.

Bago ito ay sumakay pa siya sa tren ng MTR at ginulantang ang mga tao doon dahil sa buong tapang niyang pagpapakuha ng mga litrato.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May ilan pang naglabasan na litrato na nagpapakita din kung paano siya naglalakad-lakad tuwing day-off na pawang mapang-akit ang mga suot, kabilang ang isang kulay kahel na damit na hapit na hapit, at kita din sa butas nitong tagiliran na wala siyang suot na panloob.

Marami ang nagulat at nagalit sa kapahangasan niyang maglantad ng katawan, pero may ilan ding kumampi sa kanya, kabilang ang litratista niyang Abby Sugar ang pangalan sa Facebook, na buong tapang na nagsabi na inggit lang ang mga pumupuna sa magandang hubog ng kanyang katawan.

Ang iba naman, sinabi na karapatan niyang gawin ang anumang gustuhin niya sa sarili niyang katawan.

Pero mas marami ang hindi natuwa, kabilang si Marites Palma, founder ng Social Justice for Migrant Workers.

BASAHIN ANG DETALYE

Pagkatapos sabihin na “tinamaan na din ng hiya finally” si Tback Queen dahil sa lumabas nitong video, sinabi ni Palma ang: “Kung may angking kagandahan at kakayahan gamitin sa tama para gumanda ang image nating mga Pilipino, hindi yang kutyain tayo…”

Sumang-ayon naman dito si Leo Selomenio, founder ng Global Alliance Hong Kong, at kilala sa pag-oorganisa ng mga patimpalak-kagandahan sa Hong Kong.

Sabi ni Selomenio, “Kaya nga lumakas lalo ang loob dahil kahit nakita nang mali ang ginagagawa pinagtatanggol pa din. Pumunta tayo dito para magtrabaho, hindi magkalat na damay ang lahat. Marami ang nagsasabi (huwag) makialam kahit maling mali ang nakikita, pikit mata lang. Kagigil ang mga ganyang prinsipyo. DH ka tapos ganyan ang gagawin mo.” 

Galing daw sa isang local resident ang galit na reaksyon na ito sa pakulo ni T-back Queen

May ibang hindi nakapagpigil at isinumbong ang lantarang pagpapakita ng katawan ng mapangahas na Pilipina sa Konsulado.

Ayon kay Konsul Heneral Raly Tejada, “According to our ATN (assistance to nationals section) may nag email to report this matter. We invite the email sender to see our ATN section walang masyadong detalye ang email niya.”

Hindi siya nagbigay agad ng komento kung maari bang pagbawalan si T-back Queen sa ginagawa niyang pagbilad ng kanyang katawan sa publiko, bilang isang Pilipino at residente ng Hong Kong.

Pero batay sa section 101 ng Criminal Procedure Ordinance ng Hong Kong, ang paggawa ng anumang bagay na nakakabahala sa moralidad ng publiko (“outraging public decency”) ay maaring parusahan ng pagkakakulong ng hanggang pitong taon.

Tinutukoy ng batas na ito ang anumang gawain na nagdudulot ng eskandalo o pandidiri sa iba, at posibleng makasira sa moralidad ng publiko dahil maaring pamarisan.

Kung ang pagbabasehan naman ay ang “Code of Discipline for Overseas Filipino Workers” ay maari ding ituring na may ginawang paglabag si T-back Queen, dahil sa paulit-ulit niyang paggamit ng mga mapangahas na kasuotan sa publiko, at ngayon ay may sex video pa.

Kabilang sa mga pinagbabawal sa ilalim ng panuntunang ito ang paggawa ng isang OFW ng mga bagay na makakasira ng interes at kapakanan ng kanyang kapwa manggagawa, at paglabag sa mga batas at patakaran ng bansang kanyang pinagtatrabahuan.

Nakaatang din sa balikat ng bawat OFW ang obligasyon na maging “ambassador of goodwill” ng Pilipinas saan man siya makarating.

Kabilang sa mga maaring ipataw na parusa sa mga lalabag sa Code of Discipline ay ang pagbabawal na mangibang bansa siyang muli na ang tagal ay depende sa kung gaano ka seryoso ang ginawa niyang kasalanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss