![]() |
Naganap ang pagsentensya sa Kwun Tong Court |
Binasahan kanina ng patong-patong na parusa ang Pilipinong domestic helper na nakipagpalit ng upuan sa kanyang among babae matapos siyang mahuli ng pulis habang nagmamaneho ng kotse nang walang lisensiya sa Sai Kung noong May 17 ng taong ito.
Sinampahan ng tigatlong kaso sa Kwun Tong Court si Regie
Bangcaya, 42 taong gulang, kasama ang kanyang among si Annki Yung, 67. Pero dahil
hiniwalay ang kaso ni Yung, hindi na ito nabanggit nang umusad ang kaso ni Bangcaya,
na umaming nagkasala noong nakaraang pagdinig.
![]() |
PINDUTIN DITO! |
Sa kasong pagmamaneho ng walang lisensiya, ipinataw ni Acting
Principal Magistrate Daniel Tang ang multang $1,000 kay Bangcaya.
Sa pagmamaneho nang walang third party insurance, na sasagot
sa masisira o masusugatan kung sakaling maaksidente ang kotseng minamaneho niya,
ipinataw ni Tang ang multang $2,000 at isang taong disqualification sa pagmamaneho.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa pagtatago ng katotohanang walang lisensiya si Bangcaya nang
mahuli, na isinalang laban sa mag-amo matapos silang makipagpalitan ng upuan, pinatawan
siya ng 240 na oras na community service.
Ang orihinal na rekomendasyon sa report na inutos ng korte nong
nakalipas na pagdinig ay 60 oras na community service.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
“Hindi ba pwedeng 240?” tanong sa Ingles ni Magistrate Tang
sa abogado ni Bangcaya. Sinagot siya nito na walang nagbabawal na dagdagan ang oras
ng pagsisilbi.
Dahil inutos ni Tang na ibawas sa $1,500 na piyansa ni Bangkaya
ang mga multa, $1,500 na lang ang kanyang binayaran sa korte.
Basahin ang nauna naming report: https://www.sunwebhk.com/2023/07/mag-amo-kinasuhan-ng-pagtatakip-sa.html?m=1
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |