Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Showing posts with label Migrants' Forum. Show all posts
Showing posts with label Migrants' Forum. Show all posts

The ‘Feeling pogi’ syndrome in HK

Posted on 15 March 2018 No comments
By George Manalansan

Our columnist for this issue is George Manalansan, a regular contributor of The SUN. When not busy composing and poring over his stories, George, a true-blue Capampangan, spends his time helping out with the financial literacy training of CARD HK Foundation, where he is one of the trainors, or attending other self-improvement activities, like the recent one held for those who joined the marathon CPR that earned a mention in the Guinness World Records. George, who has been working as a driver since 1994 and is among the less than 10% male OFWs in Hong Kong, wants it known that he is not among those bitten by the “feeling pogi” syndrome. He remains happily married to wife Rose, with whom he has three grown-up children: Euro Jerome, Jerico and Abigael. – ed

Out of the nearly 200,000 Filipino migrant workers in Hong Kong, more than 90% are women, and because of this, the less than 10% male members of this sector often do not lack for attention. The common joke in the community is that, the gender imbalance has made many men, young and old, married or unmarried, feel more “pogi” here than they would normally do when they are back in the Philippines.


Many tend to behave like this for a multitude of reasons. First, being men, they are more prone to straying than women. Quite a number come here with their spouses and work for the same employer, but the men somehow still find the time to date other women.

One of them is Eduard, who at 55, still feels he is “pogi” because women still run after him. “Palay na ang lumalapit sa manok, hindi pa tutukain?" he nonchalantly says.

He confesses to having a regular girlfriend despite working for the same household as his wife.

Edward says men are not solely to blame for the indiscretion. Many women OFWs here are desperate to find love so that even if they know that the man is already married they’d still go after him. If men feel pogi, it’s because some women are ok to play the playgirl role, he said.

Those who try to stay on the straight and narrow would advise these philandering men that they should maintain a high moral standard even while they are physically separated from their wives. Decent couples are not meant to throw these values to the wind just because they found someone new to love. Meaning, once they are married or committed to someone else, they could forget about that oft-repeated line from the famous Filipino novel, Florante at Laura: “O pagsintang labis na kapangyarihan, sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw! Pag ika’y nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.”

But the “feeling pogi” men in the community are not about to be thrown off by such advice. Many know, and meet, many Filipinas who come to Hong Kong straight out of school and with no experience being in a relationship with a member of the opposite sex. Others are in a bad relationship back home and are lonely for love. That’s when our “pogi” guy steps in and offers to be the companion that these women are seeking.

A good “pogi” guy would treat a girlfriend right, meaning the relationship is still built on trust and genuine affection; however, a bad one would exploit the woman’s vulnerability by expecting some sort of a financial reward, or string her along with several other women. Unfortunately, many of the guys around who get into extramarital affairs are of the second type.

Quite a few years back, a story came out in The SUN about a  “Romeo” who promised marriage to several OFW women, and then disappeared after somehow extracting money from each of them. This Romeo, a driver who was not exactly a looker, won the trust of the women he courted because he was soft-spoken and introduced himself as a former pastor. It was only by a stroke of luck that his disgruntled girlfriends found out about each other, and exposed him for what he was.

And yet, how does one exact justice in a failed relationship? How does one go after a former lover who turns out to be nothing more than scum? Many of the women in such relationships would probably just count themselves lucky if they didn’t get pregnant in the process, because that is another reality faced by some who get into such illicit relationships.

Arthur is one of those who admit to having strayed. He says being away from home also made him feel lonely. Part of him was weak, and needed attention, so he ended up getting into an extramarital affair. But he reckons, it’s the same with many women OFWs. They, too are lonely, and need someone to be with. “We need each other,” he reckons.

For Abel, a quiet man who can be coaxed to talk about personal things only when drunk, having a girlfriend while abroad comes with the territory. Still, he is careful not to let this secret out, lest his wife throws him out of the marital house.

Nowadays, these men say, the women tend to be as equally guilty as them. They have become more aggressive in pursuing the men who catch their eye, the consequences be damned. The only difference is, the statistics are tilted in the men’s favor, so they get to choose from among several prospects, and if they are so inclined, end up with more than just one partner.

But the pogi men in this community should realize that they are in Hong Kong for the same reasons as their female counterparts. They are here to work, save, and provide a better future for the family they left behind. If they go astray and lose sight of that goal, there will be a price to pay.

“Nasa huli ang pagsisi,” as we Pinoys are wont to say.

Sa mga nasa HK, huwag nang lumipat sa Russia

Posted on 05 November 2017 No comments
Ni Nelle J. 

(Napapanahon na para maglabas ng mahigpit na babala sa mga migranteng Pilipino na  nagpupumulit pumunta ng Russia para sa inaakala nilang domestic work. Ito ay sa gitna ng dumaraming bilang ng mga Pilipino doon na walang trabaho, baon sa utang at takot lumantad dahil hindi ayon sa kanilang trabaho ang hawak-hawak na work o commercial visa. 

Bilang patunay sa totoong kalagayan ng mga Pilipino sa Russia ngayon ay sumulat ng isang artikulo para sa The SUN ang isang Pilipina na dating nagtrabaho sa Hong Kong at lumipat sa Russia 6 na taon na ang nakakaraan. 

Bagamat maganda na ang katayuan ni Nelle ngayon kumpara sa mga unang taon niya  sa Russia kung saan napadpad siya sa isang napakalayong lugar, pinatrabaho ng walang humpay at hindi pinahawak ng pera, mahigpit pa rin ang babala niya na huwag nang mag-ambisyon ang ibang mga Pilipina na sumunod sa kanila sa Russia. 

“Marami din po akong pinagdaanan dito kaya masasabi ko na kahit paano mas ok pa rin sa HK. Protektado ang mga OFW.Dala na rin ng kapusukan at ng kagustuhan ng mabilisang asenso kaya gusto ko agad makaalis a Hong Kong noon. Kasi, first timer ako at wala pang experience. Pero ngayon ko na-appreciate na kaya marami din ang nagtatagal sa Hong Kong kasi secure ka nga naman basta marunong ka lang humawak ng pera. Higit sa lahat, ang lapit lang (sa Pilipinas). Hindi mo kailangan ng malaking pera para makauwi. Mura pa ang mga bilihin.”

Si Nelle ay 33 taong gulang, may dalawang anak, nagtapos sa kolehiyo at tubong Cebu. -Ed)



Marami po nag me-message sa akin na mga kakilala dati sa Hong Kong at mga kakilala nila. Nagtatanong sa kalagayan dito. Ito yung katotohanang kailangan nilang malaman na hindi sinasabi ng nag-invite (recruit) sa kanila.

1. Hindi ayon sa visa ang papasukang trabaho dito. Kumbaga, di protektado ang sinumang pupunta rito katulad ng diyan sa Hong Kong kung saan may bilateral agreement sila sa ating bansa tungkol sa pagtanggap ng mga household service worker. May kontrata na naayon sa batas na iyong panghahawakan para maproteksyunan ang iyong karapatan.

    Ang renewal ng visa dito ay pahirapan. Minsan isang taon na walang processing kaya marami ang nagiging undocumented o ilegal. Hindi rin ito libre. Aabot sa USD3500 USD ang renewal ng working visa sa agency. Hindi lahat ng amo ay sinasagot ang visa o ticket mo pauwi.

2. Kung papasok ka ng Russia na ang hawak ay hindi working visa — either commercial or tourist visa lang — hindi ka pwedeng mag work. Hindi dahil ginagawa ng iba ay ok na. Ang commercial o business visa ay kailangan din i-exit pagkatapos ng 3 buwan. Kung hindi mo ito ginawa at nahuli kang lumabag sa batas nila, kulong o deportation ang magiging parusa mo.

3. Hindi lahat ng dumadating dito ay may dadatnan na trabaho. Swerte ka kung may direktang magbibigay sa yo ng work sa kilala nilang amo. Pero karamihan halos 3 buwan natatambay bago makakuha. Lalo na sa mga may edad na at mga lalaki. Karamihan sa mga amo ay mas gusto din ang may tamang dokumento. Marami ding nakapila sa mga agency para makakuha ng trabaho. At minsan dahil sa kagustuhang makakuha ng work ay pumapatol na lang sa mababang offer. Dahil may pumapayag sa maliit na salary binababaan na rin nila ang mga offer. Ibig sabihin, iyong ipinunta mo dito na malaki sanang sahod ay di hindi natutupad, at apektado na yung mga datihang kumikita sa nakasanayang rate. Marami na din ang nag aaway dahil sa sulutan sa trabaho.

4.  Ke may visa o wala hindi ka makakalusot sa mga checking ng police lalo na sa mga pampublikong lugar. Dahil na din sa kagagawan ng ibang kababayang ayaw maantala sa kanilang lakad o kaya ay gustong lusutan ang kakulangan ng dokumento at nagbibigay na lang sa mga parak... ito ay kanila na ding nakanasanayan. Bawat Pilipino na kanilang nasisita ay hinihingan nila ng pera. Hindi naman lahat pero pag natapat nga, malas, lalo pa at pahirapang makipag usap dahil hindi sila nakakaintindi ng English. Pag Immigration Police ang natapatan at paso na ang visa, talagang makukulong ka. Di yun kayang bayaran tulad ng iba.

Kapag nahuli at nadetain: Tumutulong ang Embahada sa mga na detain na kababayan para makalabas, at repatriation assistance naman sa mga nakatakdang i-deport ngunit walang perang pambili ng tiket pauwi sa Pilipinas. Ang “deportation” ay desisyon ng korte na pauwiin ang sinumang lumabag sa batas ng Russia. Hindi ito ang sinasabi ng ilan na solusyong ginagawa ng Embahada sa problema nga mga Pilipino dito. Dahil ang deportation ay magmumula sa Russian government at hindi sa Embahada.

5. “May kamag-anak/kapatid/karelasyon/kadikit ako diyan sa Russia” - Ang tanging advantage lang nyan ay may malalapitan ka o mapuntahan kapag nawalan ka ng trabaho. Pero sa usaping visa at legalidad dito wala silang magagawa at maitutulong sa iyo. Kahit ang Embahada ay di ka matutulungan sa usaping may kinalaman sa visa dahil wala pang kasunduan ang Pilipinas at Russia ukol dito. Batas ng Russia pa rin ang masusunod.

6. “Mag stay-in job na lang ako para safe.” - Hindi lahat ng amo tumatanggap ng undocumented. Ayaw din nilang masabit o ma-involve sa mga usaping legal dahil karamihan ng mga amo dito ay ayaw ding makalkal ang kanilang financial status.

7. “Worth it ba ang gagastusin ko makapunta lang jan?” - Maaring malaki ang sahod dito kumpara diyan pero sigurado ka ba na ok ang dadatnan mo? Kanya-kanya pa rin ang swerte sa amo at trabaho. Kung ipangungutang mo ang pang placement mo at di ka agad makapasok ng work dito, ano ipambabayad mo at ipapadala sa pamilya mo? Kung di sasapat ang visa na naibigay sa iyo at aabutan ka ng expiration dito ng di ka pa tapos sa mga bayarin mo, ano ang gagawin mo?

May mga nakakusap akong nagbigay na daw ng HK$22,000 para sa “invitation” (ng amo). Magkano ang sahod sa HK para makapaglabas ka ng cash na $22,000? Aminin na natin na inutang mo sa bangko ang ibinayad mo kasi sabi ng agent mababawi mo rin pagdating dito. Kabayan, hindi niyo pa alam ang dadatnan ninyo dito. Huwag munang magbilang ng sisiw habang hindi pa pisa ang itlog.

8. “Bakit kayo andyan pa rin kung di naman pala kayo legal diyan?” -  Sa mga nandito na... napasubo na, eh. Need magbayad ng utang, need magpadala sa pamilya. Pag may visa pa at ok ang work, ipon muna. Siyempre nagdadasal din na sana maging ok na ang lagay dito. Sa walang visa... patintero sa mga parak ang bagsak. Tagu-taguan. Same reason lang din. Nandito na eh, napasubo na. May bayarin at may obligasyon.

Ngayon alam mo na na ganito pala gusto mo pa rin magpunta?

(Next: Nelle’s harrowing experiences as a Filipino domestic worker in Russia)

Ang kuwento ni Mariel

Posted on 10 August 2017 No comments
Ni Mariel F. Tadalan

Akala ko sa paglipat ko sa Hong Kong ay mas gaganda ang aking buhay bilang OFW, hindi pala.

Sanay na ako sa hirap, dahil dati na akong nagtrabaho bilang kasambahay sa Dubai ng dalawang taon, at sa Doha, Qatar ng mahigit limang taon.

Hindi rin maalwan ang buhay na kinalakhan ko sa bayan ng Dipaculao, probinsiya ng Aurora. Panglima ako sa anim na magkakapatid at para maituloy ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo ay namasukan ako bilang kasambahay. Pero napilitan akong huminto nang ayaw na akong pag-aralin ng aking amo. Namasukan ako sa iba-ibang kumpanya, ngunit dahil wala akong makuhang permanenteng trabaho ay naisipan kong mangibang bansa.

Maliban sa aking mga magulang at kapatid pansamantalang iniwan ko din ang aking kasintahan.

Una akong nagtrabaho sa Dubai noong taong 2008, at tumagal ako ng dalawang taon. Hindi naging madali ang buhay ko doon. Oo, kumikita ako pero kasabay noon ang matinding lungkot at pagod. Nandoon iyong sinisigawan ako sa maliit na pagkakamali, at hindi ako nakaranas na mag day off o gumamit ng cellphone.

Ngunit kahit na isang beses sa isang buwan lang ako nakakatawag sa aking mga mahal sa buhay ay napapawi din ang lungkot ko, hindi na bale na sa bawat tawag ko ay nagtatanong sila tungkol sa aking padala. Ang mahalaga ay nakakatulong ako sa kanila.

Lumipas ang mga buwan at taon, at matatapos ko na ang kontrata ko. Excited akong umuwi, pero sa hindi inaasahang trahedya ay nabaril ang aking kapatid at muli, ako lang ang inaasahan ng pamilya ko na sumagot sa gastos. Wala akong nagawa kundi ipadala ang natitira kung ipon para pambayad sa ospital at pampaopera para makuha ang bala sa katawan ng kapatid ko.

Ang mas malungkot ay nasabay pa ito sa paghihiwalay namin ng boyfriend ko.

Mahirap magtrabaho bilang OFW pero labis na mahirap magtrabaho kung durog ang puso. Gayunpaman, kailangan kong magpakatatag para sa aking pamilya dahil ako lang inaasahan nila.

Dumating ang takdang oras ng aking pag-uwi sa Pilipinas, pero dahil wala na akong ipon ay nakagsapalaran na naman ako sa Doha, Qatar.

Panibagong lungkot, pagod, puyat at hirap ang tiniis ko, ngunit nakatagal ako ng limang taon sa paninilbihan sa aking mga amo. Hindi biro-birong mura at insulto ang inabot ko sa loob ng pitong taon kong paninilbihan, ngunit tiniis kong lahat. Marami akong mga pagsubok na dinaanan na umabot pa sa puntong gusto ko nang isuko ang katawan at isipan ko.

Ngunit muli ay nagkaroon ng matinding pangangailangan ang aming pamilya. Naospital ang papa ko at kinailangan kong magpadala ng malaking pera para sa kanyang mga gamot at gastos sa ospital.

Dito ko naisipan ang payo ng aking auntie at isang kaibigan sa Hong Kong na lumipat dito dahil mas maganda ang buhay at mas malaki ang sahod.

Hindi ko sulat aklain na mas masahol pa pala sa pinagdaanan ko ang magiging karanasan ko dto sa Hong Kong.

Enero 20, 2017  ika-6 ng hapon nang  dumating ako sa amo ko na walang tulog dahil delayed ang aking flight mula sa Pilipinas.

Unang araw ko pa lang sa amo ko ay pinakain na ako ng tira-tira nilang pagkain. Walang oras ang aking pagkain, pero apat na oras lang ang aking tulog sa bawat araw. Kailangang magising ako ng alas sais ng umaga, at magtrabaho hanggang alas dos ng madaling araw kinabukasan. Pati ang pagkain ko ay kailangang matapos sa loob ng limang minuto, at balik ako agad sa trabaho.

Malimit din akong alipustain, lalo ng amo kong babae. Nandoon yong sabihan ako na bobo, walang utak, baboy, at iba pang masasamang salita. Wala akong magawa kundi umiyak, magdasal at magtiis.

Lumipas ang mga araw at linggo na palagi kong sinasabi sa sarili na magbabago din ang pakikitungo nila sa akin. Pagsubok lang ang lahat ng ito, at kakayanin ko para sa pamilya ko.

Mabilis na lumipas ang isang buwan. Nitong Marso 1 ng kasalukuyang taon, araw ng aking day-ay tumawag muna off ay tumawag muna ako sa aking mga amo para alamin kung nasa bahay na sila dahil hindi nila ako binibigyan ng susi. Pagdating sa bahay ay ginulat ako ng malakas na pagsisigaw ng aking among babae. Bakit pa daw ako bumalik sa bahay nila e wala naman akong kuwentang katulong. Baboy daw ako at palamunin lang dahil hindi ko magampanan nang maayos ang trabaho ko. Sinabihan niya ako na bago ako matulog ay kailangan ko munang linisin ang buong bahay at maghugas ng pinggan at iligpit ang lahat ng kalat.

Natapos ako ng mga bandang alas dos ng madaling araw, ngunit nang naghahanda na akong matulog ay biglang pumasok sa kuwarto ang aking amo at sinabing kailangan kong linisin muli ang sahig dahil marumi pa. Nang makiusap ako na kung puwede ay ipagpabukas na lang ito dahil wala na akong lakas ay nagalit siya, at sinabing paparusahan ako dahil matigas ang ulo ko. Ang ginawa niyang parusa ay pinatulog ako sa kanilang terrace sa labas, kahit na ang lamig-lamig ng mga panahong iyon. Bandang alas tres na noon ng madaling aras, at kailangan kong gumising ulit ng alas sais dahil may pasok ang alaga ko. Natulog akong umiiyak, at  ang tanging isip ay kung bakit may mga taong ganito kasama.

Hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa akin ng aking amo sa mga sumunod na araw, pero nagtiis akong muli. Noong Marso 12, bandang alas dos ng hapon ay humingi ako ng pagkain sa aking amo dahil hindi pa ako nag almusal at tanghalian. Pero nagalit siya, at ang sabi ay hindi ako maaaring kumain ng hindi natatapos ang aking trabaho.

Umalis siya ng bahay, at bandang 3:30pm ay dumating ang amo kong lalaki at aking alaga na dala ang pananghalian ko. Dahil gusto kong matapos na ang trabaho ko ay itinabi ko muna ang pagkain. Pagkatapos ko ay pinainit ko ito sa microwave. Siya namang pagbalik ng amo kong babae at pasigaw na tinanong kung bakit noon lang ako kakain. Hinablot niya ang pagkain, sabay sabi na kung kailan niya ako gustong kumain ay doon ako kakain. Ibinato niya sa basurahan ang pagkain ay inutisan ako na damputin ko at kainin ko.  Pero hindi ko siya sinunod at sinabing hindi ako hayop para pakainin ng nasa basurahan. Sa galit niya sa sinabi ko ay dinuraan niya ako at minura-mura. Tanging iyak na lang ang aking nagawa.

Pero dahil gutom pa rin ako ay kumuha ako ng tubig sa baso para inumin.  Lalo siyang nagalit at hinablot ang baso, bago ibinato niya malapit sa paa ko. Kung hindi ako nakatalon ay malamang na natamaan ako at nasugat.

Naisip ko noon na sa buong buhay ko ay noon lang ako nagkaroon ng ganoon kasing samang amo.

(Itutuloy)

---

Ang salaysay na ito ay mula kay Mariel F. Tadalan, isang domestic worker na kailan lang ay nanalo sa kasong isinampa niya laban sa kanyang amo sa Minor Claims Adjudication Board (Mecab) ng Hong Kong Labour Department. Ayon sa Mecab, nararapat lang na bayaran ng amo ng isang buwang sahod kapalit ng di pagbibigay ng abiso si Mariel, dahil sa pang-aabusong sinapit nito sa kamay ng among babae. Ang pagpapatulog sa Pilipina sa labas ng bahay at iba pang hindi makatarungang pagtrato dito ay nangahulugan na ang amo ang pumutol sa kanilang kontrata, kaya dapat siyang magbayad. Pinayagan ng Immigration si Mariel na manatili sa Hong Kong habang pinoproseso ang kontrata sa kanyang bagong amo.  Ito ay matapos ipakita ni Mariel ang mga litrato, video at iba pang ebidensya ng mga ginawang pang-aabuso sa kanya ng dating amo. -ed)

Hinaing ng nars sa ibang bansa

Posted on 02 June 2016 No comments
Ni Lorna Pagaduan

Kamakailan ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga Pilipinong nars sa Hong Kong, kasama ang ilang natitirang miyembro ng Filipino Nurses Association-Hong Kong (FNA-HK), sa tanggapan ni Labor Attache Jalilo Dela Torre. Karamihan sa mga dumalo ay mga rehistradong nars sa Pilipinas ngunit piniling mamasukan dito bilang kasambahay dahil sa kawalan ng trabahong angkop sa kanilang tinapos na kurso.
Bagamat sila talaga ang pakay ng pagpupulong dahil naaayon ito sa programang “reintegration” ng pamahalaan ng Pilipinas, may ilan ding dumalo na nakatapos ng kursong BS Nursing, nguni’t hindi pa pasado sa eksamin para maging RN o rehistradong nars.
Tinalakay ni Labatt de la Torre and nurse development program o NDP na itinatag sa ilalim ng National Center for Reintegration ng Department of Labor and Employment para himukin ang mga nars na nasa ibang bansa na umuwi na para manilbihan doon.
Binanggit din niya ang mga oportunidad para sa mga nars sa iba’t-ibang bansa katulad ng Australia, New Zealand at Germany.
Marami sa mga rehistradong nars na dumalo ang natuwa sa pagkakataon na makabalik at magamit ang kanilang propesyon, nguni’t may mga agam-agam din dahil sa posibilidad na maaaring hindi sila kuwalipikado base sa ilang panuntunan at kinakailangan sa ospital. Kabilang dito ang karampatang karanasan sa paglilingkod sa isang ospital, at pati na rin ang panuntunan tungkol sa bilang ng pasyente |sa pagamutan kung saan sila namasukan. Nabanggit din ang madalas na hinihinging patunay na nakatapos sila ng kinakailangang seminar para sa pagsasanay bilang nars, bukod pa sa mas mabigat na panuntunan na dapat ay naipasa nila ang ilang pagsusulit bago makapag-aplay.
Sa kabuuan, napagmuni-muni ng mga dumalo na dahil sa higpit ng kumpetisyon sa larangang kanilang pinasok, kinakailangan talaga nilang mamuhunan para sa ikaaangat ng kanilang kaalaman tungkol sa propesyon.
Dahil dito ay napagkasunduan nila na magsagawa ng mga seminar o pagsasanay sa basic life support o BLS, o cardio-pulmonary resuscitation o CPR, at iba pa.
Kanya-kanyang suhestiyon ang mga dumalo base sa kanilang mga karanasan, tungkol sa kung anong tanggapan ang maaring lapitan at kausapin para sa mga pantas-aral at pagsasanay na gaganapin dito sa Hong Kong.
Hiling din nila na sana ay mabigyan ng prayoridad ang mga balik-manggagawang nars na gustong magtrabaho sa mga ospital sa Pilipinas. Nananawagan din sila na alisin ang puwersahan at may bayad na pagboboluntaryo bago makapag-aplay sa mga ospital.
Ang iba naman ay nag-iisip isip na iwan na lang ang pagiging nars at magturo dahil sa binanggit ni Labatt de la Torre na maaari nang magturo sa elementarya at high school ang sinumang nakatapos ng ilang kursong science sa unibersidad, kabilang na ang mga nars.
Ang mangilan-ngilang nakatapos ng BSN bagamat sila’y di pa lisensiyado ay ang pagkakaroon muli ng nurses licensure examination o NLE dito sa Hong Kong. Ito rin ang pangunahing layunin ng FNA-HK, na ilang taon nang tumutulong sa mga nagtapos ng BSN na makapasa sa pagsusulit upang maging ganap nang nars.
Sa pagtatapos ay bumuo ang mga dumalo ng isang “core group” na siyang pansamantalang mangangasiwa sa mga napagkasunduang solusyon sa mga suhestiyon at hinaing na isiniwalat sa pulong.
Nangako naman si Labatt dela Torre na pagtutuunan muna ng panahon ang hinaing at solusyon bago muling magpapatawag ng pagpupulong. Ang mga miyembro naman ng FNA-HK ay nagkasundo na muling paiigtingin ang pangangalap ng lagda para sa hiling na NLE, at magsimula nang maghanda para dito.

----
Ang ating panauhing manunulat sa isyung ito ay isang registered nurse sa Pilipinas ngunit mahigit 18 taon nang naninilbihan sa Hong Kong bilang domestic helper. Nagtapos siya ng BS Nursing sa Pines City Colleges sa Baguio City noong 1995 at naging lisensyadong nars sa parehong taon. Nagtrabaho siya sa Specialist Group Hospital and Trauma Center, bago nagpasyang mangibang bayan. Sa ilalim ng kanyang termino bilang pangulo ng Filipino Nurses Association (FNA)- Hong Kong noong 2009 ay ginanap dito ang kauna-unahang Nurses Licensure Examination o NLE. Sa kanyang ulat, tinalakay niya ang agam-agam ng mga nars sa alok ng pamahalaan na umuwi na sila sa Pilipinas para doon magtrabaho, o samantalahin ang alok ng ilang bansa na punan ang mga trabahong angkop sa kanilang pinag-aralan.- Ed

Meeting the justice secretary up-close

Posted on No comments

By Mario de los Reyes
(Second of two parts)

Just a lame excuse by our government to justify its blatant application of selective justice.
Looking back, the then Vice Consul Val Roque who was very sympathetic to our plight had exerted his utmost effort for the transfer to be implemented. However, his efforts were apparently ignored, spurned, and met with indifference by the powers that be.
His parting words before he left his post here were, “Hypothetically, the transfer should take place very soon.” He was basing his hypothesis on the presumption that the authorities in charge were committed to the task at hand. It is no wonder that the secretary was perplexed why no transfer had taken place, given the length of time the agreement had been in force.
We briefed the honorable secretary that we were well aware of the prevailing conditions in the jails back home, but that this did not deter us from asking to be transferred and be near our loved ones in a familiar environment, devoid of cultural and language barriers. We want to avail of the remission scheme provided in the agreement for a possible early release, which has many precedence.
We got the secretary nodding in acquiescence after hearing our position.
Now that a prominent member of the central authority has heard our grievances and concerns we hope for a speedy resolution of this issue.
But in order for this goal to be achieved we wish the honorable Emmanuel Caparas to be retained in the cabinet of the incoming administration, otherwise there will be no end to this long-running saga.

---
One of our most erudite contributors has sent us this article, which was again painstakingly handwritten in his beautiful cursive style. Mario de los Reyes, who has been in Stanley Prison for more than 20 years, writes here of his impressions from the recent visit to inmates by the Philippines’ acting justice secretary, Emmanuel Caparas. Though wary of the visit, Mario is still hoping it could finally pave the way for the much-delayed implementation of the Transfer of Sentenced Prisoners Agreement between the Philippines and Hong Kong, something he has been fighting for in the last couple of years. Elsewhere in the issue, readers will find a picture of Mario, together with Consul General Bernardita Catalla and a prison chaplain, during an awarding ceremony in Stanley on Jan. 6. –Ed


Meeting the justice secretary up-close

Posted on 29 April 2016 No comments
Mario de los Reyes
By Mario de los Reyes
(First of two parts)

The unprecedented visit to prison by the acting secretary of justice Emmanuel L. Caparas got the adrenaline flowing, and raised hopes anew for applicants in this continuing transfer saga.
Getting the secretary to meet us all the way from Manila for the sole purpose of giving light to our many unanswered inquiries with regard to the moribund issue of prison transfer is quite a coup. Thanks to our unassuming Consul General, Bernardita Catalla, for making this possible. How I wish she had been posted here much earlier.
I may not be able to avail of this transfer anymore if it comes to fruition, but self satisfaction will surely warm the heart of so many who lend their support in pursuing this elusive issue. Much gratitude to Fr. Jun Jacobe as well, for initiating a signature campaign that reached those in the corridors of power, and served as a catalyst for them to take action.
Upon arriving at the prison’s main gate the secretary was met by the chief superintendent of Stanley Prison, together with his aides, and was accorded all the respect and protocol befitting his office. He was taken on a brief tour of the prison facilities and I am pretty sure that he was impressed by how well inmates in the city are humanely treated. But what he saw could maybe cause him to think twice about implementing the transfer considering the state of our penal institutions back home.
While waiting for the allotted time for his meeting with us, various thoughts were playing in my mind concerning the purpose of his visit. Foremost among these is if the visit had anything to do with the forthcoming elections back home.
Everyone knows that whoever is in office during an election is always at an advantage for they have full access to the resources of various government machineries to conduct a well-oiled election campaign. Bearing in mind that the election period was well underway, I could not help but wonder if the visit was a publicity stunt to help prop up the chances of the administration bet who according to news reports is lagging well behind in various opinion polls.
In the latter part of our meeting with the secretary, I posed the question of his visit’s timing, and for speaking my mind I got a mild reprimand in the form of a tactfully worded reply: “I did not come here for politicking”.
It is worthwhile to note that the Arroyo administration grudgingly signed the implementation of procedure in her last days in office, after years of neglect. It seems to me that passing the buck to the incoming government is an ongoing pattern.
From the very outset the TSPA had been fraught with problems. The agreement was in force without an implementation procedure in place, showing a lack of wisdom and attention to details by the drafters. Worse was the false hope given us that a transfer was imminent. That so battered our morale that serving our sentences had become even more difficult.
The secretary was with the Consulate’s assistance to nationals’ staff when we entered the designated meeting place and after the usual pleasantries we got on with the discussions. We opened the conversation by asking the oft-repeated question of why, after so many years of it being enforced, the transfer was not being implemented? Taking into account that all the our documents were in place and the transferring party had no objection to our application, and in fact was even helping us in urging our government to carry out the repatriation, why was it still stalled?

---
One of our most erudite contributors has sent us this article, which was again painstakingly handwritten in his beautiful cursive style. Mario de los Reyes, who has been in Stanley Prison for more than 20 years, writes here of his impressions from the recent visit to inmates by the Philippines’ acting justice secretary, Emmanuel Caparas. Though wary of the visit, Mario is still hoping it could finally pave the way for the much-delayed implementation of the Transfer of Sentenced Prisoners Agreement between the Philippines and Hong Kong, something he has been fighting for in the last couple of years. Elsewhere in the issue, readers will find a picture of Mario, together with Consul General Bernardita Catalla and a prison chaplain, during an awarding ceremony in Stanley on Jan. 6. –Ed


Iyak ng tagumpay: A success story from Canada

Posted on No comments
Bhing Valin
By Bhing A. Valin

Part 2
Madali lang dumating ang karma kay Resti. Dumating sa Canada ang dalawa niyang aplikante sa tulong ng iba, at agad siyang pinaghanap. Isang taon pa lang siya sa mga amo niya sa Langley BC nang mapilitan siyang magbitiw kahit ayon sa kaniya ay malaki ang sahod niya . Alam daw kasi ng dalawa niyang biktima ang address na iyon.
Ang pangalawang karma niya ay nang mabuntisan siya ng isang Amerikano na nakilala niya sa isang dating website. Dahil buntis siya ay wala siyang makuhang amo, at dahil naman dito ay wala siyang work permit at medical insurance. Napakamahal pa naman ang manganak sa Canada ng walang insurance. Umaabot sa C$6,000 ang bawat araw na pagtigil sa ospital, at iyan ay para sa normal delivery lang.
Dating gawi, nagbayad siya ng C$5,000 sa isang  Pinay na pumirma ng kanyang kontrata.  Buwan-buwan ay ini-issuehan siya kunwari ng paycheck, kaya dapat siyang magbayad ng tax. Ang masaklap, tinerminate pala siya ng amo ng walang abiso. Walong buwan na siyang overstay nang malaman niya. Nagtago siya ngunit kusang sumuko pagkatapos ng mahigit apat na taon. Pumayag siyang umuwi kasama ang anak, at sinabihan na maaari lang siyang mag-apply na bumalik ng Canada pagkatapos ng limang taon.
Natuklasan ko din na maraming Pinoy dito ang kumukuha ng kamag-anak sa Pilipinas para maging caregiver nila, ngunit pinapagtrabaho sa iba. Mga part-time ng linis o baby-sitting ang karaniwan nilang ginagawa, at cash silang binabayaran.
Ngunit  si Becky, 43, at Ilokana, ay iba ang agenda. Kinuha niya ang kapatid na teacher para mag-alaga ng apat niyang anak. Kumukubra si Becky ng assistance sa gobyerno dahil aniya ay hindi niya kayang alagaan ang apat na anak. Tumatanggap siya ng tulong na pera, kasama ang pambayad sa kapatid, ngunit hindi niya ito binabayaran. Habang hirap na hirap ang kapatid sa pag-aalaga ng mga anak niya, siya naman ay panay ang pagtatrabaho sa iba. Nang muling manganak si Becky ay umalma na ang kanyang kapatid, at isinuplong siya sa Immigration.Napilitan siyang magbayad  dito.
Sina Ikay at Rowena naman na isang Ilokana  at isang Bisaya na parehong galing sa Hong Kong ay parehong dinala sa Canada ng hipag nilang nurse pero sa iba nagtatrabaho. Pagkatapos ng isang taon, ire-release sila kunwari para makahanap ng ibang amo. Hindi naman nagtagal ay natuklasan ng Immigration ang sistemang ganito at gumawa agad sila ng hakbang para matigil ito.
Ang isa pang kalokohan ng mga agency na pag-aari ng mga Pinoy ay ang maglagay ng pangalan ng mga taga Canada na kunwari ay amo ng mga aplikante nila. Nabisto ito ng Immigration nang magreklamo ang isang Ms. Chan dahil may dumating sa kanyang LMO gayong hindi naman siya kumukuha ng caregiver.
Naging istrikto ang Immigration simula noon. Masusi na nilang sinusuri kung totoo bang may pangangailangan para sa isang caregiver, at kung lehitimong amo ang kumukuha dito. Maging sa mga kumukuha ng mga kapamilya, dapat ay  totoong sa kanila ito nagsisilbi.
Pag-aari din ng isang Pinay na may agency  ang isang apartment  na ni-raid ng Immigration noon dahil isinumbong ng mga iba’t-ibang trabahador na kinuha nila bilang caregiver, food server, janitor, at iba-ibang trabaho. Pinangakuan daw sila ng mga trabaho pero hindi ito ginawa. Pinagbayad sila ng mula C$5,000 hanggang C$10,000 at dahil pawang walang mga trabaho ay sa lapag lang sa salas ng apartment sila natutulog.
Tulad sa Hong Kong  may mga nagpapautang din dito na ang patong ay 10% buwan buwan. Mga Pinoy din ang may pakana nito. Kasama sa kanilang mga naging biktima si May na nag-guarantor sa kanyang kapitbahay na si Flor na umutang ng C$ 10,000 sapagkat sinisingil na daw siya   ng pinagkakautangan sa  Pilipinas. Nang hindi makaya ni Flor na bayaran ang utang dahil sa malaking interes ay pareho sila tinatawag-tawagan.
May mga mapagsamantala din, iyong mga kakaibiganin ka at saka uutangan. Dahil dito ay natuto akong maging mapili sa kaibigan. Tulad sa Hong Kong noon, iisa lang ang close friend ko at tiniyak ko yon na hindi siya mapagsamantala.
Maligayang araw ang pagdating ng anak.
Iniwasan  ko ang makipaghuntahan . Isinubsob ko ang sarili ko sa paghahanap-buhay araw at gabi at pag-iipon. Panay ang overtime. Alam kong darating ang araw na kakailanganin ko ang malaking pera para sa pagsasaayos ng papeles naming mag-anak. Ayokong matulad sa ibang naririnig ko na kung saan-saan nangungutang para pambayad sa Immigration. Sa tulad ko na may apat na anak  na nasa kolehiyo at pribadong high school, hindi ko aaksayahin ang oras ko sa pakikipaghuntahan sa iba.
Nakaipon ako ng sapat na halaga para mabayaran ko ang C$2,200 na processing fee para sa aking permanent residency status at open-work permit. Madami pang iba’t-ibang bayarin akong pinagdaanan. Nandiyan ang police clearance mula sa kung saang bansa ka nanggaling sa loob ng 10 taon, mga fingerprinting bago ka makapag-apply  sa mga yon, at pati para sa mga ID picture na noon ay halagang C$20 para sa dalawang kopya lang. Sa Pilipinas naman, kailangang magbayad para sa pasaporte ng mga kapamilya, mga transcript of records nila sa eskuwela, certificate of no marriage (CNM) para sa lahat ng mga anak, NBI clearance at marami pang iba.
Dahil sa hindi matapos-tapos na gastusin, talagang maiiyak ka. Pero itutuloy mo lang ang lahat dahil ang mas mahalaga ay kumikita ka, at makakasama mo pa ang pamilya mo.
Anim na buwan  ang hinintay ko bago ko natanggap ang aking Open Work Permit. Ito ang pinakakaaantay kong permiso para makapag-trabaho ng kahit na ano maliban sa pagiging  caregiver. Ngunit batid ko na hanggat hindi ako naging ganap na permanent resident ay hindi ako maaring  umalis sa pagiging caregiver. Maari lang akong  magdagdag ng amo o  kumuha ng ibang trabaho.
Kumuha ako ng kontrata para sa janitorial services at hinawakan ko ang isang branch ng Vancouver Film School. Doon, bagamat mahirap at nakakapagod ang trabaho, ay kumita ako na malaki-laking dagdag sa aking ipon. Bilang paghahanda sa pagdating ng pamilya ko ay naisip kong mag-ipon para pang down payment sa isang apartment at nang hindi na kami mangupahan.
Nasubukan ko nang tumira sa mga boarding house at alam kong marami kang hindi puwedeng gawin dahil hindi sa iyo ang bahay. Natutunan ko din na mahalaga  ang may mortgage para  makaipon ka ng pang-equity at nang sa gayon ay makabili ka ng mas malaking bahay.
Subalit hindi madali ang paghihintay, sinubok din ako at ang pamilya ko ng panahon. Na deny ang panganay ko ng visa dahil bagama’t nag-aaral siya at nasa tamang edad ay nakita sa kanyang transcript of records na huminto siya nang isang semester.   Sinubukan kong makiusap  ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nabigo ako.
Bandang huli ay pumayag na lang ako, ayon na rin sa payo ng isang immigration consultant. Sinabi sa akin na pagkatapos kong makuha lahat yong tatlo niyang kapatid at ama nila ay puwede ko pa rin siyang makuha  bilang “the only relative left”.
Taong 2012 nang magpa-medical examination ang pamilya ko matapos ipinasumite  ng Immigration ang mga pasaporte nila. Masayang-masaya  ako sapagkat  abot-tanaw  na ang pagsasama naming mag-anak.
Sa kasamaang palad ay nadisgrasiya ng isa kong anak ang nobya niya, kaya may isang apo na nadagdag sa aking pamilya. Kinakailangan ko na namang ideklara ito ayon sa batas, bagamat sa umpisa ay nag-atubili ako dahil natatakot ako na muling mababalam ang pagdating nila. Sa kalaunan ay ginawa ko pa rin ang tama, dahil din marami akong naririnig na kaso ng mga kaanak na pinabalik sa Pilipinas dahil may mga nadagdag sa kanilang pamilya habang inaayos ang kanilang papeles, at hindi nila idineklara. Natakot ako na pagkatapos ng madaming sakripisyo at mga gastos ay pababalikin lang din sila.
Naging dahilan ito para maghintay na naman ako nang dalawang taon. Panibagong bayad para sa medical examination, at para sa mga bagong pasaporte dahil mag-e-expire na iyong mga dati nang nakasumite sa Embassy. Apat na beses din silang kumuha ng NBI clearance dahil madali itong mapaso, at dalawang beses para sa CNM at transcript of records.
Tuwing makakarinig ako na na-approve ang pamilya sa mga kasamahan kong caregivers na mas huli pang nag-apply ay naiiyak ako sa matinding inggit.
Sa loob ng panahong ito ng paghihintay, nakatapos ang panganay ko ng civil engineering, at pumasa agad sa board exam na may markang 86%. Dahil sa galit ko sa pagtatago niya na huminto siya pag-aaral na nagsanhi para hindi siya mabigyan ng visa sa Canada ay hindi ko siya pina-enrol sa review classes. Binigyan ko lang siya ng perang pambili ng mga libro, at mag-isa siyang nagrepaso.
Kaya ganoon na lang ang tuwa ko nang malaman na ang ginawa kong pagpapakita ng tough love ay nagbunga ng tama.
Para akong sira-ulo na nagsisigaw sa daan noon at ngisi nang ngisi sa mga kasalubong ko dahil sa natanggap kong balita. Hindi kasi biro ang sakripisyong ibinuhos ko sa pagpapaaral sa mga anak ko.
Iyon ang unang biyayang natanggap ko sa gitna ng kalungkutan ng mga nagdaang buwan.
Ang pangalawang  biyaya ay nang malaman kong tapos na ang pagproseso ng Immigration sa papeles ng pamilya ko, bandang Valentines Day ng 2014. Nasundan pa ito ng pangatlong malaking biyaya nang makatapos ang anak kong may anak na ng computer engineering, at Marso na ang graduation niya.
Sa sumunod na buwan, Abril, ay na-confirm naman na ganap na akong permanent resident. Abril din nang matapos ang transaksiyon ko sa pagbili sa  aming apartment na tutuluyan.
At sa petsang ito, Mayo 22, 2014, naganap ang pagsasama-sama naming mag-anak muli.
Hindi ko natupad ang pangako ko sa aking mga alagang sina Morgan at Evan na hindi ako iiyak dahil bumuhos talaga ang aking luha.
Pagkatapos ng 20 taon kong pagtatrabaho sa ibang bansa at pagtitiis para mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya, ito ang tagumpay at biyayang tangi kong pinakahihintay.
---
Ang may-akda ay isang residente sa Canada, na dumating doon bilang caregiver 10 taon na ang nakakaraan. Ito ang kuwento ng kanyang pagpapakasakit para maging ganap na residente, at madala doon ang kanyang pamilya. Bago tumulak patungong Canada, si Bhing A. Valin ay nagtrabaho sa Hong Kong ng 10 taon, at naging isa sa mga masisipag na manunulat para sa The SUN.

Ups and downs of a call center job

Posted on 14 April 2016 No comments
By Sol Banganan
Emeflor Ilagan doesn't worry about the traffic in Edsa. While most other people are on their way home from their offices, she's just starting her day. She travels from her hometown in Pampanga to her office in Tiendesitas, Pasig City, where she works as a Team Leader in a BPO (Business Products Outsourcing), or what is commonly known as a call center company.
A graduate of business programming and management, she once worked for the Manila Broadcasting Company as an executive secretary to the CEO, Fred Elizalde, who also owns DZRH, Love Radio, Yes FM, Star City, among other companies. She later worked as executive assistant to the company, Julio Macuja, before transferring to another high-flying job in Innodata EMCI. She resigned after three years when she had a miscarriage due to her hectic work load.
She then worked as an agent in a call center near her place called TP or Teleperformance for eight years, rising to the post of trainer, quality assurance officer, team leader, then operations manager. She resigned when their account was transferred to a different center.
That was how she ended in Transcom, first at its office in Ortigas, then to Tiendesitas after two years.
Though she sometimes has to wade through bumper-to-bumper traffic to get to her work, Emeflor doesn't mind, as she loves her job. She vows never to leave the industry unless she finally secures the immigrant visa to the United States which she been waiting for, for years.
Emeflor is one of the tens of thousands of Filipinos who now work in BPO, the fastest growing industry in the Philippines.
Many are driven to the job because of the higher starting pay, but not a few opt out eventually because of the odd work hours, or the unsavory reputation that some employees have acquired, rightly or wrongly.
One of the big bosses in a well- known BPO company does not deny that some workers in the industry indulge in too much partying and boozing, but said this is not the norm. "Reputation is what others think of you, character is what you are made of," he says, before adding, "A majority of the workers are young and still immature, add that to the high salary they are getting so they spend like there is no tomorrow."
He, however, took exception to the accusation that many call center agents are drug addicts, saying this is not likely because most companies require their employees to go through an annual physical examination, which includes drug tests.
When the call center industry started back in the new millennium, the companies only hired graduates from the so called top three universities to work as agents: the University of the Philippines, De La Salle University and Ateneo de Manila. But as the industry grew, companies were forced to accept graduates from other schools, or even undergraduates or former overseas Filipino workers and people with disability.
Many of these pioneers now occupy higher positions, as heads of business, operations or training, or as IT managers.
But with everyone who is recruited into the industry, the main requirement is that they should be fluent in English, the main language used by the overseas companies that outsource parts of their business, mainly customer service, to the Philippines and other third-world countries.
An example closer to home would be the outsourcing of the customer service for Hutchison 3, a Hong Kong-based telecommunications company. While the subscribers are in Hong Kong, the people answering their queries relating to their service are speaking to them from the Philippines.
To become agents, trainees are taught in a classroom-like environment by their company, which is hired by an overseas client. The client provides information on its services, while the call center company hires the staff that will service the client. The Philippine company also hires trainers to teach the agents, who take in the calls for the clients or "accounts".
Although the most known position in the industry is that of an agent and a TL or "team leader", there are a lot of other positions pertaining to a certain account and a line of business.
Since most accounts are located overseas, agents are expected not only to be knowledgeable in English and computer but to be able to adapt to the time difference as well. That's why call center people eat lunch at midnight and say goodnight in the morning.
There are also centers that cater to local clients like Maynilad, Meralco, Globe, Smart but the offer is a lot lower than their international counterpart. The only upside is that the agents have normal working hours unlike those who work on the international accounts.
Salaries in the BPO industry currently range from Php15,000 to Php35,000, depending on the company and the position, which are high by Philippine standards. However, the turnover is high because many workers are unable to stand the work hours, or the pressure that comes with the job.
Within the industry, it is a known fact that Americans seem to love to test an agent's patience, and cursing seems to come naturally to most of them. The British are generally nice but when it comes to giving good surveys, they are really stingy. Australians are widely regarded as the nicest ever. Another factor that cause many agents to leave is the inability to adjust to the time schedule. Even if they have time to rest during the day, they still feel sleep-deprived.
Some become unhappy being stuck in an agent position that they lose their drive. They resign but reapply when they can't find an alternative job, making them "hoppers". This is the term used for agents who can't stay in one company for a more than a few months. Although they can easily look for another center or "vendor" because of their knowledge, they usually have difficulty getting into the better companies since their work records will show that they had worked for several outfits within a span of a few months.
Since attrition is high, it is hard for agents to apply for a loan. Salary wise, it is like working overseas but the take-home pay is much lower because of the high 32% tax on their income.
Despite all that has been said about the downside of working in the industry, a lot more still try their luck and stay. With the high unemployment rate and the relatively low starting salary in most companies, call centers continue to attract many Filipinos looking for a job.
But getting in is not easy. A college degree is never a guarantee that one will be hired. Interviewers don't only judge communication skills, they also observe the behavior of the applicants. After all, this is one job where patience and having a pleasant personality matters a lot.
Once you become part of the industry, however, you will be well looked after. You will have benefits like a full medical insurance, which can be extended to your family members depending on how long you have been with your company.
But the best thing in the industry is that there is no discrimination. Old, young, professionals, undergrad-uates, people with disability, gay, rich, poor, black and white all work together without fear of being judged.
The industry is replete with examples of how people have made the job work best for them. They include Richard Watkins, a son of a former US military man who settled in Olongapo. Although he has worked in big US finance companies like JP Morgan and Chase, he says he prefers working with TP in the Philippines.
"(The) Philippines is a lot better than where I've been, no discriminations. At least, I still get to speak with Americans," he says.
But perhaps the most important opportunity offered by companies in this business is the chance for their workers to study while working.
Chester Regalado, who works as an agent in Quezon City, is enrolled at the Philippine Law School, and is grateful because his job pays for his tuition. "I still have two more years before I graduate and I am just grateful that I can finance my studies through my job," he says.
His future plans include starting a union for call center workers since not all companies offer good compensation.
Most of the people working in the industry start as agents, and many have remained at this level. In fact, they make up 80% of all those working in the industry, prompting many to say that, apart from a few exceptions, the career growth here is slow.
While it is not the best job, there is no doubt that the BPO industry has opened a lot of opportunities and lessened unemployment. Among the potential beneficiaries are OFWs who now have the option of returning home and watch their kids grow.
As with most jobs, this one offers both rewards and corresponding sacrifice. If you're happy, you may stay and be probably rewarded well. If not, it at least provides you an opportunity to earn while you pursue that job that your heart desires.

---
Our guest columnist for this month used to be a regular contributor for The SUN, while working as an OFW in Hong Kong. Since deciding to return home for good more than three years ago, Sol has worked in the call center industry. While the job has enabled her to keep a closer eye on her family, she still says that she does not endorse it "as I believe graduates should work for the course they burned their eyebrows for, for many years." Still, she says, she has no doubt the industry has helped the country a lot in fighting unemployment.- Ed

Iyak ng tagumpay: A success story from Canada

Posted on 31 March 2016 No comments
By Bhing A. Valin

Part 1


Ang may-akda ay isang residente sa Canada, na dumating doon bilang caregiver 10 taon na ang nakakaraan. Ito ang kuwento ng kanyang pagpapakasakit para maging ganap na residente, at madala doon ang kanyang pamilya. Bago tumulak patungong Canada, si Bhing A. Valin ay nagtrabaho sa Hong Kong ng 10 taon, at naging isa sa mga masisipag na manunulat para sa The SUN.


May 22, 2014, kasama ko ang mga alaga kong sina Morgan, 4 at Evan, 2, sa Vancouver International Airport. Matiyaga kaming naghihintay, habang daan-daang tao ang naglalabasan sakay ng eroplano na nagdala sa apat na miyembro ng aking pamilya galing sa Pilipinas.
Noong una, pigil na pigil ako sa pag-iyak dahil kinakantiyawan ako ni Morgan: “Somebody is going to cry, I tell you”.
Downtown Vancouver (Photo: city government)
Sagot ko naman, “No, I won’t cry, but here I am, choking with so much intensity... because finally, I am gonna see my family again after almost six years of waiting!”
Ganito kong kausapin ang aking alaga, na parang isang matanda gayong musmos pa ito. Iyon ang aking paraan ng pakikipag-usap sa mga bata para umakto rin sila na parang adult sa pakikipagtalastasan kanino man. Epektibong epektibo yon sa aking obserbasyon sa lahat ng inalagaan ko mula pa sa Hong Kong  hanggang dito  sa Canada.
Habang naghihintay kami sa pagsulpot ng aking pamilya, sandaling nagbalik-tanaw ako  sa panahong nag-aayos pa ako ng papeles ko mula sa Hong Kong papunta sa Cranbrook, British Columbia, ang una kong tinirhan sa Canada.
Pebrero, 2006 nang sabihan ako ng amo kong Australyano na nakatira sa Mid-Levels na -release na nila ako sapagka’t buntis na ang asawa niya at hindi na ako kakailanganin sapagkat hihinto  na rin ito sa  pagtuturo ng ballet.
Hmm, sounds reasonable, ika ko. Pero humirit ako: “Would you mind not to issue a release letter for me yet? I will go home and pick up all the documents I will be needing to apply to Canada. Just give me two months and I will be out of here!”
Halos mahalikan ko ang bumbunan ng amo ko nang pumayag siya. Binigyan pa ako  ng pamasahe pauwi ng Pilipinas at pabalik ng Hong Kong, plus allowance na HK$3,000 at  Php 2,500 na sobra nila noong namasyal sila sa Boracay. Ang saya ng lola mo!
Bhing A. Valin
Pagbalik ko ng Hong Kong ay inayos ko kaagad  ang papeles ko. Ako mismo ang nakipagtalastasan sa amo na kumukuha sa akin. Wala pang isang linggo ay dumating na ang “labor market opinion” (LMO na LMIA na ngayon) na nagpapatunay na maari akong magtrabaho sa Canada. Ako na din   ang  kumuha ng aking visa sa Canadian Consulate, dalawang linggo bago matapos ang ibinigay kong taning sa mga amo ko.
Sumulat ako sa consulate at sinabing ako ay nagbitiw na sa aking trabaho  kaya minadali nila ang issuance ng aking visa. Dahil wala akong ibang paraan para mabayaran ang agency fee ko, isinanla ko ang tatlo kong time deposit certificates sa PNB na iniingatan ko para sa tatlo kong anak. Maigi na lang at may natira pa ako kay panganay.
Dali-dali  akong nagpaalam  sa mga amo ko at tuwang-tuwa naman sila. Pinabaunan nila ako ng kanilang mga yakap at halik at isang tabong luha. Ayaw naman akong bitawan ng  anak nila dahil halos dalawang taon akong “love of his life”. Wala na daw siyang kalaro, kasama sa panonood ng TV, at karaoke buddy. Binaon ko papunta ng Canada ang magagandang ala-alang iyon.
Ang buhay ko sa Cranbrook sa loob ng 15 buwan ay bittersweet. Napakalaki ng bahay ngunit malungkot. Kalahating kilometro ang layo mo sa unang kapit-bahay. Kung nasa itaas ka ng bahay ay mistulang nasa isang kaharian ka sa tuktok ng burol.
Mabait sa una ang Hungarian na amo ko, ngunit paglaon ay lumabas din ang natural. Bawal humawak ng telepono pag nagtatrabaho ka, pero puwede kang mag-internet pagkatapos. Bayad ako para sa walong oras na pagtatrabaho pero laging lampas sa siyam na oras bago ako matapos. At dahil nakatira ako sa bahay nila, hindi maiwasang pati Sabado at Linggo ay nahihila ako ng walong taong gulang nilang anak, habang ang mag-asawa ay nakatutok sa kambal nilang baby.
Sa isip ko, “Hay makisama ka para magtagal ka.” Panay din ang dasal ko na mabigyan ako ng ekstrang trabaho para may panggastos at makalimutan ang lungkot.
Sa kalaunan ay natuklasan ko na hindi lang ako ang caregiver sa mapanglaw na lugar na iyon na may ganoong panalangin, lalo na at nasa simbahan kami. Kaming limang Pilipina na nandoon ay iisa lagi ang dinarasal, ang masubsob sa trabaho dahil kapag nasa kuwarto na kami at nag-iisa, kailangang may nakahanda nang malaking tuwalya dahil tiyak na babaha ang luha.
Dininig naman ni Lord ang dasal ko na iyon! Binigyan ako ng ekstrang trabaho, kaya nadagdagan ang kita ko at nabawasan ang aking gastos dahil hindi na ako nakakagala masyado at nadadala sa mga tukso sa mata.
Unti-unti ko nang nabayaran ang mga nagastos ko  sa  pagpunta rito sa Canada.

Don't Miss